Chapter 22- FOUL KING

210 14 2
                                    


Manager Ayako's POV

"Ayan, hay tapos na ang unang laban.", sabi ko habang naglagay ng guhit sa board kung saan nanalo kami sa unang laro laban sa Miuradai.

"Kakuno High naman ang susunod. Wala silang magagaling na player pero balansyado ang mga players nila at magaling sa teamwork.", sabi ko ulit at humarap sa ka mga players namin.

Malapit na ulit ang laban namin, at alam kong hindi magiging madali ang laban. Pero umaasa ako na makakaya nila lahat para sa pangarap nila.

Ako si Ayako ang manager ng Shohoku Basketball team.

---

*Araw ng laro*

Dumating na muli ang araw na pinaghandaan naming lahat.

Bawat laban ay sadyang binibigyan namin ng panahon at sapat na pag eensayo.

Naglalakad kami sa hallway at kitang kita ang pagkamangha at takot ng ibang tao sa mga players namin, lalo na kay Akagi at Rukawa.

Napapaiwas pa sila at binibigyan kami ng daan para makapaglakad.

Parang mga model amp.

"Ahh ang laki n-nya."

"Para syang poste ng ilaw."

Rinig kong sambit ng mga kalalakihan sa gilid na tunay na namangha sa tangkad ng Captain namin na si Akagi.

"Tignan nyo ang first year na si Rukawa, ang tangkad nyaaa tignan mo ang cute nya hihihi."

Narinig ko namang bulungan ng mga babae sa pokerface na si Rukawa, suplado talaga eh pero madami talagang nagiging fans.

"Ahhh, grabe naman ang mga taga Shohoku na yan, nakakatakot silang tignan oh."

Sabi naman ng ibang lalaki nung makita nila si Mitsui at Miyagi.

Hays mga bad boy talaga pero matitinik maglaro ang mga yan, mga takaw gulo lang talaga eh.

Pero mas naging maingay ang mga tao sa paligid nung pagtuonan nila ng pansin ang super star player namin...

jokeeeee~

"Yung isa oh, yung may pulang buhok, idinakdak nya yung bola sa ulo ng player."

Sya ba yun?

Rinig na rinig na usapan ng mga kalalakihan sa paligid.

"Ano ba naman yang buhok na yan, player din ba sya?"

"Idinakdak nya yung bola sa ulo ng player,nakakatakot naman sya."

Nandidiri at natatakot namang sabi ng mga kababaihan.

Grabe ang ingay na ginagawa nila sa pangiinsulto at pagpapatawa kay Hanamichi.

Tsk.

Nagsisimula pa lang naman kasi sya kaya nakakagawa talaga sya ng madanibg pagkakamali.

Pero ayon sa nakikita ko mabilis syang matuto at nakakagawa din sya ng mga bagay na hindi mo aasahan sa bagong player lang.

Nilingon ko naman di Hanamichi na halatang naiinis na sa mga naririnig nya. Kaya naman tinapik ko ang braso nya.

"Hayaan mo na sila Hanamichi.", pagpapakalma ko sa kanya.

Halatang badtrip na eh.

Nung nakapasok na kami sa loob ng basketball gym ay nag ayos na agad kami ng mga gamit at umupo na sa bleachers.

The Game of Life (Slamdunk Fan-Fiction)Where stories live. Discover now