Chapter 18- Together

269 13 9
                                    

This chapter is dedicated to rlhrnndz

Nakarating kami sa convenience store na wala man lang nagsasalita. Pinipilit ko namang ayusin ang kilos ko dahil sa kahihiyan na nagawa ko kanina.

Akala ko kasi talaga angel sya eh bakit ba >.<

Pero legit...

Nakakahiya itsura ko kanina huhu :((

Pero mukhang wala naman yata akong dapat ipagalala dahil parang wala namang nakita 'tong kasama ko eh.  Pagkatapos nyang bitawan yung nakakaloko at nakakalito nyang linya kanina eh di na ulit sya nagsalita.

Kaya ang ending, moment of loooong silence.

Pareho lang kaming tahimik at walang imik ng kasama ko, teka kasama ko ba sya? Hindi naman diba? Wait. Baka naman nakasunod lang sya sakin.

Teka.

AT BAKIT NAMAN SYA SUSUNOD SAKIN?!

Bigla kong binilisan ang paglakad ko at nagpunta agad ako sa noodles section at kumuha na din ng lemon drink.

Nakakailang na sobra gumalaw dahil kahit saan ako pumunta ay nakasunod sya.

Ano bang trip neto?

( ̄. ̄)

Ayaw ko naman magsalita dahil baka pagalitan lang nya ak-

TEKA?!!

Bakit ba ako natatakot?

Kelan ka pa natakot kay Kaede Rukawa ha Nami Mitsui?!

"U-uhm, K-kaede bakit ka ba s-sumusunod sakin?", nauutal na tanong ko sa kanya habang nakatalikod.

Ramdam kong nasa tabi ko lang ang supladong lalaki na 'to kaya tinanong ko na, puchaa naiilang na ako ng sobra.

Wala akong narinig na sagot mula sa kanya kaya bumuntong hininga nalang ako at namili na ulit para kasing gusto ko na din ng crackers eh.

"Bakit ka lumabas?"

⊙_⊙

*huk*

Nalaglag ang noodles na nasa kamay ko nung bigla syang magsalita.

Bakit ba kasi bigla nalang sya nanggulat ng ganon?!

Naaligaga naman ako kaya pinulot ko agad ang noodles na nasa kamay ko kanina.

Ngunit agad akong nawala sa balanse sa pagkakaupo dahil umupo rin sya para kuhanin ang noodles pero kamay ko ang nahawakan nya.

Wow parang nasa drama talaga eh HAHAHAHAHAHAHA JK!!

Tatayo na sana akong mag isa nung biglang may kamay na nakalahad sa harapan ko.

Tsk, diko magets trip ng isang 'to.

Minsan okay.

Pero madalas hindi.

Umirap nalang ako at hindi pinansin ang kamay nya na nasa ere.

Dzuuuh, i don't need a man para itayo ako. Kering keri ko itayo ang sarili ko mag isa.

MABUHAY ANG MGA KABABAIHAN!!!

~\(≧▽≦)/~

Okay, back to reality na tayo.

Pinagpagan ko naman kaagad ang damit ko dahil baka nadumihan, ang hirap kaya maglaba kaya dapat iwasan ang dumi at mantsa.

"Tsk, tigas ng ulo."

The Game of Life (Slamdunk Fan-Fiction)Where stories live. Discover now