Chapter 1-Lost

1.7K 24 4
                                    

Nami's PoV

"I fucking hate you Kuya Hisashi", lumandas ang mga luha ko na kanina ko pang pinipigilan nung sabihin ko ang mga salitang yun.

"I'm sorry Nami", sagot ni Kuya habang niyakap ako. Lalong akong humagulhol sa yakap nya.

Hindi ko alam kung bakit naging ganito kagulo ang buhay ko, my dreams are totally crushed and turned into pieces.

"I need some air", sabi ko kay Kuya at kumawala sa yakap nya, hindi naman sya tumutol at hinayaan ako.

Lumabas muna ako ng bahay at naglakad lakad habang nakatitig sa kulay bughaw na langit, huminga ako ng malalim.

Tumingala ako dahil sa mga nagbabadyang luha sa aking mga mata, ayaw ko nang umiyak.

Wala naman na akong magagawa eh.. wala na akong choice.

Naglakad pa rin ako, hindi ko alam kung saan ako pupunta, para akong batang naliligaw at hindi alam kung saan pupunta.

I'm not literally lost, but I think I lost my life, because basketball...

"it is my life, my dream, my virtue"

And I don't know kung paano ako makakasurvive dito sa pangyayaring ito.

I'm Nami Mitsui, younger sister of Hisashi Mitsui the starting shooting guard of the Shohoku team. I was the former Captain of Taezuko Basketball Girls Team during Junior High School... And almost the newest member of Shoyo High School Basketball Girls Team. But life sucks that's why I need to transfer to Shohoku High School, a school with no Basketball Girls Team. I lost my chance to pursue my passion, my dream... And that's all because of Kuya Hisashi Mitsui, he continued his life while mine was crushed.

Dinala ako ng mga paa ko sa isang basketball court kung saan may mga batng naglalaro, tinitigan ko sila at napangiti ng mapait.

"Sana all bata", bulong ko habang titig na titig pa rin sa mga batang tuwang tuwa sa paglalaro ng basketball.

Nahagip ng paningin ko ang batang nakatitig at nanunuod lang sa kanila, kaya lumapit ako sa kanya.

"Hoy bata bakit ayaw mong sumali sa kanila?", tanong ko habang hindi nakatingin sa kanya.

Itinutok ko ang aking paningin sa mga batang naglalaro pero bukas ang aking tenga sa kanyang sasabihin.

"Hindi po ako magaling magbasketball gaya nila eh", sagot nito habang nakatingin sa akin, kaya nilingon ko sya, tipid akong ngumiti.

"Hindi mo naman kailangan tapatan ang galing nila eh, kung masaya ka sa pagbabasketball edi gawin mo. Nakakatakot sumubok kasi madaming tao ang mangungutya sayo pero kung matiya ka hindi mo lang sila matatapatan, maaaring mas gumaling ka pa sa kanila ang kailangan mo lang ay tiyaga at tiwala sa sarili mo", titig na titig sya habang pinapangaralan ko.

"Ano pang tinatayo mo dyan? Sumali kana sa kanila", tumakbo naman ang bata at nakisali sa mga batang naglalaro.

Pinanuod ko ang bawat galaw nya, halatang baguhan ngunit pag nag practice sya eh maaaring maging basketball player sya paglaki.

Lumingon sya sa gawi ko nung nakashoot sya ng isang beses, pumalakpak naman ako at kumaway sa kanya.

Hindi ko na tinapos panuorin ang paglalaro ng mga bata.

The Game of Life (Slamdunk Fan-Fiction)Where stories live. Discover now