Chapter 15- First Game III

263 18 4
                                    

---
--Shohoku vs. Miuradai--
---

Nami's POV

"Mauna na ako sayo Akira.", sabi ko dito at nag bow.

Ngumiti naman ito.

"Sige Nami, see you when I see you!", nakakalokong sabi nito.

"You wish.", maarteng sabi ko at dinilaan sya.

Tumalikod na naman ako at naglakad na.

Napahinga ako ng malalim.

Hindi ko ineexpect na magkikita kami ulit.

Tsk, dapat dedmahan kami eh.

Kaso ang lakas talaga ng karisma nya at magpatawa.

Tumingin naman ako sa court at kasalukuyang nagpapahinga pa din ang mga player.

"PRRRRRT BACK TO THE GAME", sigaw ng announcer.

Itinuon ko na ang pansin ko sa court at napakunot ang noo ko dahil may bagong member ang Miuradai ang ipinasok.

Number 9 ang jersey nya.

Sinuri ko naman agad ito at humanga ako sa laki ng kanyang katawan.

Matangkad din sya at halatang manlalaro.

Tsaka ano...

Kalbo. Kinis. Kintab

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

Tignan natin kung may maibubuga ang isang 'to.

Inihagis ng referee ang bola at sabay na tumalon si Captain Taki at yung Number 9 ng Miuradai.

Laking gulat ko nung halos magkasing pantay lang ang talon nila at natalo nya si Captain Taki.

Sa Miuradai napunta ang bola.

Pinagpatuloy ko ang panunuod sa laro nila Kuya at sadyang napakabilis ng mga pangyayari.

Ang kaninang 26-42 ay naging 44-46 na.

Isang puntos nalang ang lamang ng kalaban.

Yun kasing Captain ng Miuradai ay madalas makadakdak.

Tsk, dumi nya maglaro.

Di ako na aamaze sa kanya.

CAPTAIN DUMI DAPAT TAWAG SA KANYA EH TSK!!!

AT ISA PA YUNG KALBO!

Nahahalata ko na pinupuro nung kalbong number 9 na yun si Hanamaching.

Sa katunayan ay nakakailang foul na ito.

Tsk, napakabilis nya talagang mainis.

Kaya nauungusan sya ng kalaban eh.

Nagtakip ako ng tenga ng marinig ang sigawan mula sa mga tao.

Deputa, nakadakdak na naman si Captain Dumi.

Nakawala kasi ito kay Sakuragi.

Tsk, ano bang nanagyayari sa gunggong na yun?!

Gusto ko syang batukan eh.

"HOY HANAMACHING ANO BANG GINAGAWA MO?!", sigaw ko.

Agad nanlaki ang mata ko nung nakita kong luminga linga si Hanamichi.

Bobo Nami!!!

Yumuko tuloy ako at inayos ang hood ko.

AISSSSH TATAMPALIN KITA DYAN EH GUNGGONG NETO!!!

The Game of Life (Slamdunk Fan-Fiction)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu