Chapter 20

219 2 0
                                    

Malapit nang hilahin ng antok si Tadz nang muling mapadilat nang buhat sa intercom ay kaniyang narinig ang boses ng magaling niyang amo.

Magpapahinga na'y inuutusan pa siya nitong puntahan ito sa silid nito para dalhan ito ng kape.

"Señorito talaga!" ngitngit niya sabay bangon sa kama.

Itinali muna niya ang nakasabog na buhok pagkatapos isuot ang walang gradong salamin saka siya nagdiretso palabas ng silid at pababa patungong kusina upang ipaghanda ang kumag niyang amo ng mainit na kape.

Nang buksan ang pinto ng silid ng kaniyang boss, nabutan niya itong nakaupo sa gilid ng kama nito habang hinihimas-himas ang tila sumasakit na ulo.

"What are you still waiting for? Get in and give me that f*ck*ng coffee!"

Agad namang tumalima siya sa utos nito. Sino ba naman ang hindi sa tindi ng boses nito?

"Ganoon din siguro itong mag-utos sa mga empleyado nito sa opisina nito," sa isip ni Tadz.

"May kailangan pa po ba kayo? Mauna na po ako, Sir." Inaantok na kasi talaga siya. Mag-aalas onse na naman kasi. Kanina pa sana siya nakatulog kung hindi lang umiyak si Baby Thaddeo. Nag-poop kasi ito.

"Don't leave me yet."

"Po?"

"Bingi ka ba? Do I really need to repeat myself? Ang sabi ko, huwag mo muna akong iwan. Give me a head massage first. This f*ck*ng migraine is killing me again!"

Ah . . That explains it. Kaya pala mainit ang ulo ng kumag na ito, masakit pala ang ulo.

May pag-aalangang pumuwesto siya sa gilid ng kama nito at sinimulang hagudin ang sumasakit na ulo nito.

Tadz felt kinda awkward when he began moaning as she massaged his throbbing temple. Lalo na nang inilapag nito ang tasa ng kape sa bedside table saka walang sabi-sabing humiga ito at iniunan ang ulo nito sa lap niya.

Geez! She has never been this close and intimate to a guy before. At sa lalaki pa talagang ito! Ni sa hinagap ay hindi niya inisip na mangyayari ito. She had sworn she wouldn't let this womanizer get close to her? But why is she letting him stay like that with such proximity?

Fine! Right. It's part of her job. That's all.

"Continue what you are doing," utos nito nang matigil siya sa pagmasahe dahil sa pagkabigla sa ginawa nito.

Nag-aalangan ma'y sinunod pa rin niya ang utos nito. She continued  massaging his head gently. At nagpatuloy naman itong muli sa mahinang pag-ungol. Halatang nakakaramdam ito ng relief kahit na nakapikit ito.

At dahil nga nakapikit ito, hindi niya mapigilang pagmasdan ang mukha nito buhat sa ilaw na nagmumula sa lampshade na nasa ibabaw ng night table nito.

Tadz couldn't help but notice his nose. Matangos iyon at may perpektong hugis. Namana siguro nito iyon sa daddy nito na balita niya'y isang Amerikano. Hindi niya rin napigilan ang sariling pansinin ang nakapikit na mga mata nito na pinaresan ng mahahaba at malalantik na pilik-mata at hindi kakapalang kilay.

His eyes . . . those were the most boring eyes her eyes had ever laid on. Napaka-emotionless kasi ng abuhing  mga mata nito. Ganoon pa man ito kawalang emosyon, Tadz always felt like drowning in his expressionless gray eyes. Kaya ganon na lang kung iwasan niya ang paningin ng boss niya.
Natatakot siyang malunod sa mga mata nito tulad ng pagkalunod niya sa halik nito.

"Darn!" mura niya sa isip nang hindi sinasadyang bumaba ang paningin niya at mapadako iyon sa nakaawang na labi ng lalaki.

D*mn his sinful lips!

Wanted: Perfect Nanny for the Heir's BabiesWhere stories live. Discover now