Chapter 13

227 5 1
                                    

"F*CK!"

Iyon ang unang salitang namutawi sa mga labi ni Aeon sa pagmulat ng mga mata ng umagang iyon.

Sa dalas ng kaniyang pag-inom, dapat sanay na siyang makaranas ng hangover pero hindi pa rin eh. He just can't help himself to get used to the intolerable headache.

He could've asked the nanny to give him a head massage last night. But he was too drunk . . . .  too drunk to even drive himself home. Kinailangan pa nga siyang ihatid ni Skye gamit ang Ducati Desmosideci nito.

Dahil sa matinding kalasingan, ni hindi niya maalala ang mga nangyari kagabi pagkatapos siyang ihatid ni Skye.

All he could remember was that . . . pasuray-suray siyang nagdiretso sa comedor para sana uminom ng  malamig na tubig para kahit paano'y mahimasmasan siya. But since he was so drunk and sleepy, what happened was a total mess. Lahat ng nakuha niya at nahawakan galing sa fridge ay kaniyang nabitawan at nahulog sa sahig kaya nabasag.

Then if his memory could serve him right, he even saw the woman who's been occupying his mind for the last two months. Nagawa pa nga niya itong lapitan at yakapin buhat sa likuran.

"!Mierda¡" Aeon cursed inwardly. Sigurado siyang hallucinations na naman niya 'yon.

Paano naman mapupunta ang misteryosong babaeng iyon sa bahay niya?

Mariin niyang ipinikit muli ang mga mata nang maramdaman na naman ang pagtibok-tibok ng kaniyang sentido.

Nakadagdag pa sa sakit ng ulo niya ang pagtama sa kaniyang mga mata ng sikat ng araw na tumatagos sa blinds ng bintana ng kwarto niya. Tanda iyon na mataas na ang araw.

With still half-closed eyes, he looked at the alarm clock resting on his night tabke.

Muli na'y napamura siya nang makita ang oras doon.

It's already ten f*ck*ng o'clock!

Sobrang late na siya sa trabaho.

Naku! Kung buhay pa ang Lolo Roman niya, paniguradong sesermonan na naman siya nito tungkol sa kahalagahan ng oras. If his abuelo was still alive he would probably educate him that time is money. Na bawat oras na pinalipas ay perang nasasayang.

But that was then. Wala na ito. Hindi  na kontrolado ng abuelo niya ang buhay niya. He could now freely do what he wants to do with his own life. Kasama na roon ang matulog maghapon at umabsent muna sa trabaho.

Well, he's the boss. Siya ang masusunod kung papasok siya ngayon o hindi. So he chose the latter.

Aeon decided to take a day off from his busy schedule.

Privilege naman niya iyon. He has all the rights to take some time off his work. Isa pa'y ginawa naman niya nang matino at maayos ang trabaho niya noong mga nakaraang linggo. Hindi nga lang maiwasan ang night life but still . . .

He fished his phone in the pocket of his pants and dialed Armin's number to inform him that he will not be able to go to work today. Pagkatapos, gamit ang intercom ay inutusan naman niya ang yaya ng kambal na dalhan siya ng agahan sa kwarto niya.

Magfe-feeling señorito muna siya sa araw na iyon.

Mamaya na siya babangon kapag nabawasan na ang sakit ng ulo niya dulot ng hangover.

Pero gustuhin man niyang manatili sa pagkakahiga sa kama niya ay hindi niya magawa.

He feels stinky. Nangangamoy pinaghalong pawis, alak, at suka siya. Hindi rin siya mapapakali kapag ganoon ang amoy niya at kapag hindi man lang siya makapagpalit man lang ng damit. Kaya naman napilitan siyang bumangon.

Wanted: Perfect Nanny for the Heir's BabiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon