Chapter 11

279 6 4
                                    

"Mi amigo, yuhoo! You there?"




Aeon's gaze immediately averted from the garden where his nanny and his cousin are to his annoying bestfriend who suddenly came in his master's bedroom.


Hindi niya maiwasang mapailing.



Sabi na nga ba. Hindi maganda ang ideyang ito ang gumawa at mag-install ng mga security systems ng bahay niya.




His bestfriend got all the access to his house. Nakakapasok ito sa loob ng bakuran at bahay niya ano mang oras nito gugustuhin. Tulad na lang ngayon. Ni hindi siya nito inimporma man lang na pupunta pala ito sa mansyon niya. Like the usual, para na naman itong kabuteng bigla na lang sumusulpot.




"I'm here, you crazy gate-crasher!" Aeon shouted from his balcony. Kanina pa siya roon. Nag-rerelax at prenteng nakaupo lang sa rattan chair niya habang sumisimsim ng fresh mango juice at kumakain ng kaniyang b-in-ake na paboritong cake.



Yeah. Siya mismo ang gumawa niyon.
Baking is one of his weird hobbies. But if what he's baking isn't cheese-flavored, he'd rather not bake at all.

Hindi lang halata pero sobrang mahilig siya sa pagkaing may cheese.




"Sh*t ka! Andiyan ka lang pala!" bulalas ni Skye sabay pasok nito sa
floor to ceiling glass door ng kaniyang balcony.



Awtomatikong naningkit ang mga mata ni Aeon nang mapansin ang laman ng hawak nitong platito.



It's two slices of a cheese-flavored cake.



His f*ck*ng cheesecake!




"Ini-invade mo na nga ang privacy ko, pati ba naman ref ko?"


Aeon looked annoyed. Mas lalo pang nadagdagan iyon nang ngumisi pa ito sa kaniya sabay upo sa hanging rattan egg chair na nasa bandang gilid ng balkonahe. Kumportableng ipinatong pa nito ang mga binti sa pasamano ng balkonahe.



"Patay-gutom ka talaga, eh 'no? Ang dami-dami mong pera hindi ka makabili ng sa'yo."


Skye laughed mischievously.



"Eh sa mas gusto ko 'yong libre. Saka subok ko na 'tong mga gawa mo." Mukhang sarap na sarap pa ito sa kinakain na lalong ikina-inis ni Aeon dito.



Yeah right. It wasn't the first time he stole slices of cheesecake from his fridge. Lagi na lang nitong ginagawa 'yon kapag pumupunta ito sa bahay niya. The jerk would go straight to where his fridge is then viola! Lagi na lang nababawasan ang bineyk niya.



One time nga, bigla na lang nawala ang isang box ng cheesecake niya.



Who's the culprit?



Malamang, ang patay-gutom na bestfriend niya. Who else could it be?




"Hayaan mo, next time, bubudburan ko na ng lason para madala ka na."



"Ang sama mo talagang kaibigan," reklamo nito. "Ikaw pa naman sana 'yong kukunin kong baker ng wedding cake ko."




"Really, huh? Wedding cake?" Tumaas ang isang sulok ng labi niya. "Ni wala naman yatang gustong maging bride mo," Aeon scoffed.




"Hey! Diyan ka nagkakamali. Anong wala? Kung papipilahin nga ang mga babaeng gustong magpakasal sa'kin, 'yong Dangyang-Kunshan Grand Bridge sa China eh kulang pa yung espasyo nun sa dami ng mga babae ko."



Wanted: Perfect Nanny for the Heir's BabiesWhere stories live. Discover now