Chapter 5

498 10 1
                                    

"¡Carajo! Mierda! Joder!" Aeon uttered a chain of Spanish swear words under his breath as he gulped down what was left in his shot glass. Padaskol na ibinaba pa niya ang baso sa counter top ng bar na kinaroroonan niya at nakalikha iyon ng ingay. Nahatak niya tuloy ang atensiyon ng karamihan pero wala siyang pakialaman doon.

Why would he care anyway? Sanay naman na siyang maging center of attention ng kahit sino particularly ng halos lahat ng mga babae.

Well, sino namang kalahi ni Eva ang hindi mabibighani sa taglay niyang tikas at gandang lalaki? Idagdag pa na isa siya sa pinakabata at pinakamayamang negosyante hindi lang sa bansa maging sa buong mundo rin. Thanks to his prominent Spanish blood running in his veins for giving him that mestizo look. At higit sa lahat salamat din sa kayamanang ipinamana sa kanya ng lolo Roman niya. His granddad's wealth has been helping him in many ways possible. Isa na roon ang makuha ang mga babaeng gusto niyang maikama sa isang kisap mata. Sure his mere looks was enough to lure any kind of woman pero extra points pa rin sa mga kababaihan kapag mayaman siya.

Being an heir to his abuelo's fortune has its perks.

In just a flick of his finger, he could get what he wants. He could travel anywhere. He could buy any car or anything he had been dreaming of, he could party all day and night, he could spend any amount he wants without having to worry about his bills, most especially, he could bed any woman he wants to . . . literally any and every woman but . . . there's this rainbow-colored hair woman in the charity event he attended last month who didn't seem to fall for his oozing charm.

Aba'y akalain ninyong in-snob lang nito ang presensiya niya samantalang ang ibang babae'y papatay para lang makasama siya! Ni hindi rin nito pinansin ang compliment niya rito tungkol sa suot nito at kung paano ito naging bagay sa kutis porselana nito. Agad pa nga siya nitong tinalikuran nang akmang magpapakilala pa siya sa babaeng iyon. Medyo napahiya tuloy siya dahil natawa sa kanya ang mga kapwa niya negosyante na kasama niya sa mesa ng gabing iyon. Pabiro pa siyang sinabihan ni Caleb Duque, isa rin sa pinakabatang businessmen sa bansa na mukha raw yatang natapakan ng babae ang kanyang pagkalalaki dahil inirapan lang siya nito at hindi nito pinansin ang pakikipag-flirt niya rito.

Para mabawasan ang konting pagkapahiyang naramdaman, buong yabang niyang ipinangako sa mga ito na makikita ng mga ito na sa susunod
na dadaluhan nilang gathering sisiguraduhin niyang ang babaeng iyon na ang date niya sa pagkakataong iyon.

That night, Aeon and Caleb even had a bet. They had a deal na kung hindi niya magawa ang pangako niyang ang babaeng iyon na ang magiging date niya sa susunod na event na dadaluhan nila, ibibigay niya rito ang Vauxhall VX220 Turbo niya. Kapag naman nagawa niya iyon, ang Ducati Desmosedici nito ang mapapasakamay niya.

He could buy a brand new Ducati alright but for him it would be ten times better if he could get that without breaking a single sweat.

Malakas ang loob niyang ipusta ang paborito niyang sasakyan na regalo pa ng lola niya dahil sigurado naman siyang hindi siya pagpapawisan at mahihirapan man lang na mapasakanya ang babaeng iyon. Lahat naman kasi ng babaeng natipuhan niya ay napupunta sa kanya ng walang kahirap-hirap. One flashy smile and a seductive wink from him was enough for women to go crazy for him. Iyon pa lang nakukuha na agad niya ang mga babae. How much more if he's showing girls his well-toned body?

So he's over confident that this one wouldn't be different.

But boy, that's just what he thought.

Winning the bet wouldn't be easy. It wouldn't be as easy as shooting fish in a barrel like he thought it would be. Mukha kasing mahihirapan siyang makuha ang babaeng iyon at maging date ito sa susunod na event na kanyang dadaluhan lalo na't wala siyang ideya kung saan mahahanap ang misteryosong babaeng iyon.

Wanted: Perfect Nanny for the Heir's BabiesWhere stories live. Discover now