Chapter 25

156 6 1
                                    

Aeon decided to come to his grandparents' province earlier than what he initially planned. He thought it would be safe for them to temporarily leave the mansion and stay in their family's hacienda for a couple of days. Kaya naman kanina pa silang madaling araw nagsimulang bumiyahe upang masigurong walang makaalam ng kanilang pag-alis.


Looking around the greeneries surrounding them and feeling the fresh air that hits her face, Tadhana could say that their 8 hour travel from the city to this farm is worth it.

Napakapresko ng hangin. Masarap din sa matang pagmasdan ang nagluluntiang kapaligiran. Napakatahimik at payapa rin ng paligid. Tanging huni lang ng mga ibon at ang paghampas ng hangin  sa mga nagtatayugang mga puno ang kanilang naririnig habang binabaybay nila ang daan patungo sa kinatitirikan ng mga kabahayan ng mga kamag-anak ng amo niya. Malayong-malayo iyon sa polusyon sa Maynila.


Tadz took a deep breath, filling her lungs with fresh air from nature.


She really likes the feeling this kind of surroundings made her feel. It was making her more relax, calm, and more alive.


She thinks she'd enjoy their short stay here in this province despite her having to endure her boss' presence.


Little did she know that it would be too late to prove it wrong.



---
Isang nakangiting hindi katandaang lalaki ang sumalubong sa kanilang kotse sa entrada ng farm. Naroroon ito sa  may gate, nagbabantay at tila hinihintay ang kanilang pagdating. Nang sumilip si Tadz buhat sa bintana ng sasakyan at tumingala, nahagip ng kaniyang mga mata ang nakaukit na katagang Hacienda Vera sa sementadong arko.




"Magandang hapon po, Senyorito Aeon. Maligayang pagdating," magiliw na bati ng lalaki na sa tantiya ni Tadz ay nasa late 40s na. Agad na binuksan nito ang mataas na gate para bigyang daan ang kotseng sinasakyan nila.




"Magandang hapon po, Manong Muloy,"ganting bati ng amo niya. "Hindi pa rin ho kayo masanay. Aeon na lang po. By the way, kumusta po kayo?"



The old man smiled. "Okay naman ho ako. Maraming salamat po pala sa ipinadala n'yong tulong sa pamilya ko nang nagdaang bagyo. Malaki ho ang utang na loob ko sa inyo."





"Ano ka ba naman, Manong. Wala ho 'yon. Kulang pa nga ho 'yong kabayaran sa loyalty n'yo sa pamilya namin."




"Maraming salamat ho ulit. Ang bait n'yo ho talaga."


Bahagyang napatikwas ang kilay ni Tadz.





Tama ba ang narinig niyang sinambit ni Manong?





He thinks her boss is kind?




Tsk, being kind is way out of his character.




Kung alam lang talaga ni Manong ang totoong ugali ng lalaking ito, hmmp!





"Siyanga ho pala. Kanina pa po kayo hinihintay ng donya. Mukhang excited na ho kayong makita dahil medyo matagal na rin nang huling dinalaw mo sila," pagkukwento pa ng manong.


"Ganoon ho ba? Sige po, mauna na ho kami. Ingat ho kayo," paalam ni Aeon at muling binuhay ang makina ng sasakyan saka ipinasok ang kotse sa isang malawak na daan. Bago tuluyang makapasok ang sasakyan, nakita pa niya ang pagngiti at pagkaway sa kanya ng lalaki na ginantihan naman niya.




Akala ni Tadz pagkapasok ng sasakyan ay bubungad sa kanilang paningin ang mga kabahayan ng pamilya ni Aeon ngunit sa halip, isang napakalawak na taniman ang natagpuan ng kaniyang mga mata. Isang sementadong kalsada lang ang nasa pagitan ng ekta-ektaryang lupain na nagsisilbing daanan ng mga sasakyan. Kung ililibot mo ang tingin sa buong paligid, all you could see are different crops, green trees and mountains and the blue skies. It was such a picturesque view. Too bad she only have his keypad phone with her. She wouldn't be able to capture such beauty.




Wanted: Perfect Nanny for the Heir's BabiesOnde histórias criam vida. Descubra agora