Chapter 14

224 6 0
                                    

Hindi maintindihan ni Tadhana ang sariling nararamdaman. Kanina pa siya hindi mapakali simula nang pumasok ang magpinsang sina Aeon at Maze sa library para doon mag-usap.

Ilang minuto na ang lumipas ngunit hindi pa rin lumalabas ang mga ito mula roon. Hindi niya tuloy maiwasang isipin na siguradong mayroong seryosong diskusyong pinag-uusapan ang dalawa.


Marahil iyon ay tungkol sa nadatnan ni Maze na kanilang awkward position
kanina.


At that moment, she's sure that her boss was already explaining everything about what happened earlier to his cousin.


Iyon ang dahilan kung bakit hindi siya mapakali.


Tadz was feeling anxious.


What kept on bothering her was that baka dagdagan o bawasan ng magaling niyang amo ang pagkukuwento nito sa nangyari kanina sa pagitan nilang dalawa. Baka lumabas pang siya itong may hidden motives o kung ano pa man.



She doesn't really trust that rascal.

Mula sa sala kung saan tanaw ang library, may pagkabalisang sinulyapan niya ang pinto nito. Pero agad din niyang binawi ang paningin dito nang makitang palabas na ang kaniyang kaibigan mula roon.



Zephyrine headed to the stairs. Bumaba ito mula roon at nagdiretso sa sala kung saan siya naroroon kasama ang kambal.


Dahil hindi niya alam kung paano muling haharapin ang kaibigan matapos ng nangyari kanina, umakto siyang nilalaro ang kambal.


Well, she was really playing with them kanina pa pero hati ang atensyon niya sa mga ito at sa magpinsan.


The three of them were seated on the carpeted floor. Thaddeo and Thaddea were playing blocks and wooden alphabet puzzles. Siya naman, nakaupo rin sa harapan ng mga ito, paminsan-minsa'y nakikilaro rin.

Naramdaman ni Tadz ang paglapit ni Maze sa kaniya dahil sa tunog ng pagtama ng takong ng suot nitong high heels sa tiled floor.


Then she felt her suddenly stopped behind her.


"Tadz,"pukaw nito sa atensyon niya.

She slowly turned her head to Maze's direction. She noticed that she was wearing her unusual serious face.

Hindi niya tuloy alam kung ano ang gagawin bilang pagbati rito.


She was torn between smiling at her bestfriend and keeping a straight face. Sa huli, binigyan niya ito ng ngiti. But she was sure it came out as an awkward smile.

"Oh hi!"

Zephyrine didn't smile back at her. Nanatiling nakalapat ang mga labi nito habang nakatunghay sa kaniya. 

She could already feel the awkwardness in the atmosphere that surrounds them.

"Change your clothes,"pagkuwa'y utos nito sa kaniya.

May pag-aalalang sinalubong niya ang mga mata ng kaibigan.

"Are you . . . are you going to kick me out of this house already because of what you saw earlier?" She asked in a stuttered voice.

It took few seconds for her bestfriend to respond. Nakatikwas ang isang kilay nitong tiningnan ang mukha niya. Tumagal iyon ng ilang segundo.


Not long after, Tadz saw a smile that was starting to form in Maze's lips.

"Silly!" Sa wakas ay tumawa na ito. Dahil doon, nabawasan kahit paano ang kaba na bigla na lang lumukob sa puso niya. "You know I can't do that. And even if I can, I won't. I just told you to change your clothes dahil may pupuntahan tayo."

Wanted: Perfect Nanny for the Heir's BabiesWhere stories live. Discover now