Chapter 34

144 2 2
                                    

Bakas sa mukha ng bawat isa ang kasiyahan sa pagdiriwang ng ika-limampung anibersaryo ng kasal nina Lola Celestia at Lolo Fernando. Tadz could see that everyone was enjoying. Maganda ang ayos ng hardin kung saan ginaganap ang masayang pagdiriwang na iyon. Maraming bisita at tila ba may fiesta dahil bumabaha ng iba't-ibang uri ng pagkain. May nagkakantahan at nagsasayawan din. Ang mga bata nama'y masayang naglalaro sa isang tabi.



Tadhana was seated on the table with Aeon's family. Naroroon sa tabi niya si Mackzy na kanina pa siya kinukwento. Katabi naman niya sa bandang kaliwa si Gabby na halatang tuwang-tuwang pagmasdan ang lolo't lola nito na masiglang sumasayaw ng ballroom sa gitnang bahagi ng hardin. Ang mga Tito at Tita naman ni Aeon at si Miss Charlie ay naroroon sa kabilang dulo ng mesa at masayang nagkukwentuhan. Maze's parents were not able to attend the party dahil nagkaroon daw ng emergency ang lola ni Maze. But they promised na susubukang humabol sa selebrasyon.





"I wish I could find that kind of love like lolo and lola have. 'Yong long lasting at pang-forever,"Gabriela said dreamily.



"I doubt you can find that, Gab,"saad ni Mackzy. "A love like that is so rare and hard to find these days."




"I don't think so, Kuya. Napaka-nega mo naman. Hmmp! Palibhasa kasi hindi mo pa nakikita 'yong sa'yo."  Umirap pa si Gabby sa pinsan nito. "Buti pa itong sina Ate Tadz at Kuya Aeon. They already found love in each other and I'm sure magtatagal din sila tulad nina lolo at lola,"puno ng assurance na saad pa nito.

Tadz almost choke on her food when she heard her said that.


"Paano ka naman nakasisiguro?"


"'Cause I've already written down their names in my Love Spell Book."



"Love Spell Book?" kunot-noong sabad ni Tadz.


"Yeah, it's basically a notebook where I write down names of couples I don't want to break up. Ayokong maghiwalay kayo ni Kuya kaya inilista ko ang mga pangalan ninyo roon. At siya nga pala, Ate, I took pictures of you two without your permission and I had it pasted in my Love Spell Book too. I hope you don't mind."

Tadz finds it weird of her to do that but said "it's okay" anyway.



"Ano naman ang assurance mo na hindi maghihiwalay ang mga taong inilista mo sa notebook mo kamo na 'yon?" asked Mac Kenzo.




"Basta I'm super sure."



"To be honest, it was really creepy and weird of you to do that. Hindi mo hawak ang puso at isip ng mga tao, Gabriela. Hindi ikaw si kupida kaya huwag kang pala-desisyon." natatawang sabi ni Mackzy na inirapan lang ni Gabby.



"Whatever, Kuya!"



Natawa si Tadz sa pag-uusap ng dalawa. Gabriela is indeed weird. Obsess ito masyado sa usaping love.




"Teka, Ate, asan na ba si Kuya Aeon? Bakit hindi ka man lang niya isayaw?" tanong nito mayamaya nang mapansin ang mga mag-asawang kasalukuyang sumasayaw sa gitna sa saliw ng sweet music.



That was then she remembered Maze and Aeon. Ilang minuto na ang lumipas buhat ng magpaalam ang mga itong pumasok sa loob ng mansyon upang dalhin sa crib ang nakatulog na kambal. 


It has been more than fifteen minutes and they have not returned yet. Baka naisipan na ng mga itong magpahinga muna.



"Nasa loob ang kuya mo. He and Zephyrine brought the babies to the crib."



Wanted: Perfect Nanny for the Heir's BabiesWhere stories live. Discover now