Chapter 6

473 10 5
                                    

"Tadz, saan ka ba nagpunta kagabi? You just left the bar without informing me. Hindi mo man lang ako t-in-ext ni hindi tinawagan para sabihing nauna ka na palang umuwi. I was worried of you. Nag-aalala akong baka kung napano ka na. Actually, hahanapin pa sana kita sa loob but Kuya Aeon was getting grumpy and he wanted na ihatid na niya ako sa bahay ora mismo kaya hindi na kita nahanap," mahabang litanya ni Maze.

Her bestfriend went there in her condo unit the following morning. She said she just wanted to check if she went home safely.

Nakaligtaan niya kasi itong tawagan kagabi para sabihing nauna na siyang umuwi. Kaya naman kahit alas sais pa lang ng umaga ay ang may pag-aalalang mukha nito ang agad na bumungad sa kaniya pagkabukas niya ng pinto.

"I'm sorry I forgot to call you."

"Bakit ka ba kasi umuwi agad? Sabi mo mag-C-CR ka lang saglit pero 'yon pala, umuwi ka na."

"It's because of your jerk of a cousin," gusto niyang sabihin dito pero pinigilan niya ang sarili dahil sigurado siyang mag-uusisa pa ito. So instead, she told her,

"I'm sorry, sumakit kasi bigla 'yong ulo ko sa lakas ng tugtog sa loob ng bar. Sama mo na rin 'yong masakit sa mga matang ilaw roon."

"See? Ilang minuto pa lang tayong naroroon sa bar pero sumakit agad ang ulo mo. How much more kung doon ka pa nagtatrabaho?"

"Uhm, kaya nga eh," sang-ayon niya na lang. But deep inside her, hindi lang naman iyon yung dahilan niya kung bakit nag-alangan na siyang magtrabaho sa bar na 'yon. Bukod sa hindi niya nagustuhan ang atmosphere at ingay sa loob ng bar, nag-aalala siyang baka magkatagpo na naman ang landas nila ng Aeon Grae de Dios na iyon.

She swore she was very much surprised when she came face to face with that jerk. Hindi niya inaasahan na ganoon kaagang magtatagpo ang landas nilang dalawa. Well, she's bestfriends with his cousin kaya alam niyang kahit ayaw niya, ipag-aadya pa rin ng mga pagkakataon na pagtatagpuin silang dalawa ng pinsan ni Maze. It's not like she was waiting for that day to happen pero hindi niya lang talaga inaasahan na agad agad iyong mangyayari kaya naman ganoon na lang ang pagkabigla niya nang makabunggo ito kagabi.

"So ano nang plano mo ngayon?" untag sa kaniya ni Maze.

"Look for another job, perhaps?"

"Uhm, Tadz . . " may pag-aalangang sambit nito sa kaniyang pangalan kapagkuwan.

"What is it?"

"May alam akong naghahanap ng empleyado but I don't think magugustuhan mo. By that I'm not referring to the job but the amo."

"What is it, Maze? Tell me. Malay mo magustuhan ko," she said, urging her.

"Yung boss?" Maze asked with a playful smile in her lips.

"No!"agad na depensa niya. "The job."

"Alright. If you insist. But first we have to change your looks."

"Change my looks?Bakit pa?" kunot-noong tanong niya sa kaibigan.

"'Cause that boss targets pretty girls like you. "

"You don't want me to work in a bar where most men were after beautiful girls tapos hahayaan mo akong magtrabaho sa isang boss na target din naman pala ang magagandang babae?"

"Hindi naman sa ganoon, Tadz." Maze shook her head. "Look, I know this guy. In fact he's so dear to me. Masyado lang talaga siyang marupok pagdating sa mga magaganda at sexing babaeng tulad mo kaya nag-aalangan akong irekomenda kita sa kaniya,"pagpapaliwanag ni Maze sa kaniya. "But I don't have someone in mind other than you na alam kong mapagkakatiwalaan pagdating sa pag-aalaga ng mga bata."

Wanted: Perfect Nanny for the Heir's BabiesWo Geschichten leben. Entdecke jetzt