Chapter 17

283 3 2
                                    

Without second thought, Aeon decided to have another day off once again. Ngayon, hindi na ang dahilan ng pag-absent niya sa trabaho ay pansarili lang. 'Cause this time, he needs to prioritize Baby Dea first before anything or anyone else.

He thinks God was giving him chance to make up for his shortcomings and for being an irresponsible father to the twins. That's why from now, he thinks he needed to do his responsibilities to the babies. He doesn't know how he would do that but he'll still try.

"Pasensya na, Tita. Sa inyo ko lang po kasi maipagkakatiwala si Deo," Aeon politely told his aunt.

He had already called her earlier and told her over the phone about his plan to have Baby Deo stay with them for quite some time. Kaagad namang pumayag ang Tita niya. She was even excited.

Nagdiretso siya sa bahay ng mga ito pagkagaling sa ospital. Ang Tita lang niya ang naabutan doon dahil nakapasok na sa opisina ang Tito Wilson niya. Si Zephyrine naman daw, hindi pa umuuwi mula sa sleepover nito kagabi kasama ang mga co-contestants nito sa nakalipas na Queen of the Land 2019. Tumawag naman na ito kanina at sinabing uuwi na rin para maging baby sitter ni Baby Deo pansamantala. 

"Don't worry, hijo. Kami na muna ang bahala sa batang 'to," magiliw na pagtanggap ng Tita Aurora niya kay Baby Deo. She's his mom's cousin from his grandmother side. Sa edad na 46, mukha pa rin itong dalaga. Maalaga kasi ito sa mukha at katawan at sumasabay pa sa mga trending style sa pananamit kaya mukhang bagets na bagets. Well, she was once a model too.

"Salamat po nang marami, Tita. Lagi ko na lang po kayong naaabala."

"Ano ka ba namang bata ka! Sino ba naman magtutulungan kung hindi tayo tayo rin. And it's better nga na nandito si Baby Deo kasi malilibang man lang ako kahit papaano. Nababagot na rin naman kasi ako rito sa bahay. Gusto ko nang mag-alaga ng mga apo. Ang pinsan mo kasing si Zephyrine, wala pa yatang balak mag-asawa, ni wala ngang boyfriend eh."

Natawa nang bahagya si Aeon sa nakitang reaction sa mukha ng Tita Aurora niya. Mukha ngang bagot na bagot na ito at sabik nang magkaapo.

Kung siya ang tatanungin, ayaw pa niyang makitang ikinakasal ang pinakapaboritong pinsan. He thought she's still young and immature. Besides, wala naman itong kasalukuyang boyfriend. Madalas kasi niyang hinaharang ang mga manliligaw nito. It was like he was the chairman of the screening committee. If Zephyrine's suitor didn't pass his standards, eh di goodbye! Mas istrikto nga siya rito kaysa sa mga magulang nito.

Well, he's just doing his role as a big brother to her. He just wanted to protect her at all cost. Kilala niya kasi ang mga lalaki.

Basta, all he wants is the best for his favorite cousin.

"Nga pala, hijo, I've heard that the twins have a new nanny."

"Yes, they have, Tita. Zephyrine was the one who recommended her to me."

"Oh really?" Tita Au smiled at him. Parang may kakaiba sa pagngiti nito. Hindi niya lang matukoy kung ano 'yon.

"Opo, tita."

"I wanna meet her. Nakwento kasi ni Zephy na maalaga raw 'yon sa mga anak mo. She even said na pati ikaw inaalagaan niya." There was a teasing smile on his Tita's face.

Nagsalubong tuloy ang mga kilay niya dahil doon.

"Po?" He asked, giving her a quizzical look.

Inaalagaan? Kelan?

Ang natatandaaan lang niya na inalagaan siya nito (hindi naman exactly inalagaan) ay noong gabing sobrang sakit ng ulo niya. Nung gabing nagpatimpla siya rito ng kape at nagpamasahe. Other than that, wala na siyang natatandaan.

Wanted: Perfect Nanny for the Heir's BabiesWhere stories live. Discover now