Chapter 26

181 4 3
                                    

"So how did you guys meet? Magkwento naman kayo kung paano nagsimula ang love story n'yo."

Parehong natigilan sina Aeon at Tadz sa kinauupuan nang marinig ang tanong na 'yon ng nakangiting si Tita Cassandra.

Pagkatapos kasi ng masarap at nakakabusog na meryenda, nagtungo sila sa malawak na sala upang doon ituloy ang kumustahan at kwentuhan.

There in the huge, spacious sala were Aeon's Tito Fernan, his wife Tita Veronica and their daughters, Gabriela, Mithi, Likha and Hiraya and 5 year-old son, Leon. They were sitting together on one long L-shaped sofa.  Sa bandang kaliwa naman ng kinauupuan nila, magkakatabing nakaupo ang pamilya ng Tito Rylon niya, ang asawa nitong si Tita Cassandra at ang mga anak na sina Cassidy, Charlon, Charm, at ang tatlong taong gulang na si Cairo na nasa lapag at kalaro ang kambal. Ang Lolo at Lola naman niya ay magkatabing nakaupo sa pangdalawahang upuan na yari sa rattan.


May sari-sariling bahay ang mga Tito niya na hindi naman kalayuan sa mansion ngunit madalas ay bumisita ang buong pamilya nito sa grandparents niya.



Tawa lang sila ng tawa dahil sa mga kwento ng kwela nilang Tito na si Tito Fernan. Halos lahat ay naikwento na nito, mula pagkabata nito, buhay nito noong nagbibinata, mga experience sa trabaho at kung paano niligawan ang asawa nito.


Nagpatuloy nga ang masayang kwentuhan ng pamilya hanggang sa kanila na nga dumako ang usapan.


Aeon stretched his arm and laced it around Tadz' waist. Naramdaman niyang napaigtad ang yaya ng kambal dahil sa kaniyang ginawa ngunit hindi niya binigyang pansin iyon lalo na at ang lahat ng atensyon ng kamag-anak ay nakatutok sa kanilang dalawa.


"Well, I met her in a  . . . . uhm,"



F*ck! Hindi niya napaghandaan ito. Hindi niya tuloy alam ang susunod na sasabihin. Tila nagkanda-buhol buhol ang dila niya ng mga oras na iyon.



"Nagkakilala po kami sa isang charity event, Tita," Si Tadz na ang sumalo sa sasabihin niya. Mabuti na lang napansin nitong hindi niya alam ang sasabihin niya.



"It was love at first sight," nakangiting pagsakay ni Aeon na nagpakilig sa lahat.   He grabbed her hand and intertwined his fingers with hers when he noticed that she was feeling uncomfortable. Bahagya pa siyang napatawa nang mapansing parehong nanlalamig ang mga kamay nila.


"Tell us more about it, Kuya," Gabriela curiously butt in. "How did you court her? I want to know," she continued excitedly..




"Well, to tell you honestly, walang courtship na nangyari."


"Ganoon?" Gabriela looked suddenly disappointed. It seemed liked his answer wasn't the one she expected to hear.



"Nagsisinungaling ang Kuya mo, Gabriela." Kunot-noong napabaling ang tingin ni Aeon sa katabi. "The truth is, he courted me for 6 months. He was so desperate na mapasagot ako kaya ginawa niya ang lahat," nakangiting pagkukwento ng yaya ng kambal a.k.a his pretend wife. "Ayaw niya lang ipaalam iyon sa iba dahil tingin niya nababawasan ang pagkalalaki niya," pagpapatuloy pa nito. "'Di ba, daddy?"

Walang anu-ano'y bigla na lang lumakas ang kabog ng dibdib ni Aeon nang marinig iyon. Lalo pa iyong bumilis when she gently cupped his face and smiled at him.


F*ck! What is this woman doing to him?



"Kung gayon, anu-ano ang ginawa ng apo ko para mapasagot ka niya, hija?" This time, it was his Lolo Nando. Mukhang curious din itong malaman ang pekeng love story nila.



Wanted: Perfect Nanny for the Heir's BabiesWhere stories live. Discover now