"Good Morning Ma'am! Ito nga po pala ang anak kong si Maggy. Ipapakiusap ko po sana kung pwede na siyang pumasok? Apat na taong gulang palang po siya. Kahit salimpusa na po muna" ang sabi ni Mama sa teacher.

"Ganoon ba? Mabuti't naisipan mong dalhin siya rito?" tanong ng teacher kay Mama.

"Wala kasing magbabantay sa kanya sa umaga Ma'am. Ang kanyang Lola't Lolo ay nasa ibang bansa na. Kung maaari lang naman po" halos magmakaawa si Mama sa teacher para lang payagan akong makapasok. Nag-usap pa si Mama at ang teacher. Pinaupo nalang ako sa isang upuan at nakita ang mga batang naglalaro sa loob ng classroom. Makakalaro ko din ba sila kapag nakapasok na ako? Pero, hahayaan ba akong makipaglaro ni Mama? Ilang saglit pa ay lumabas na si Mama at nagpaalam na sa teacher. Lumapit ang teacher sa akin.

"Hello Maggy! Ako nga pala si Teacher Emy. Maaari ka ng pumasok bukas. See you tomorrow!" ngumiti siya sa akin.

"Hello po!" Kumaway at ngumiti ako sa kanya. Nagpaalam ulit si Mama. Paalis na sana kami ngunit may nakita pa si Mama na kakilala.

"Marielle? Kamusta ka na!? Ang tagal na simula ng huli tayong magkita!" sabi ng babae. Mas matangkad siya kay Mama.

"Elisha! Mabuti naman! Ikaw kamusta ka na?" tanong ni Mama pabalik.

"Mabuti rin naman. Yung inaanak mo high school na!" pagmamalaki noong Elisha kay Mama.

"Ang bilis ng panahon. Parang kailan....Napadaan ka nga pala dito?" sabi ni Mama.

"Susunduin ko lang yung bunso ko"

"Aba! Mukhang magiging magkaklase pa sila ng anak ko. Ito nga pala si Maggy. Anak magmano ka Tita yan" pagpapakilala ni Mama sa akin. Nagmano naman ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin.

"Ako nga pala si Tita Elisha. Mukhang mapapadalas ang pagkikita natin ah? Sana'y maging magkalapit kayo ng anak ko. Malay natin baka pagdating ng araw ay maging manugang pa kita" napakunot ako ng noo dahil hindi ko naintindihan ang sinasabi niya. Tumawa lang si Mama at si Tita Elisha.

"Ipagkasundo kaya natin sila?" sabi pa ni Mama. Hindi na ako nakinig sa pinag-uusapan nila dahil wala naman din akong maintindihan. Isa pa, pang-matanda lang ang usapan kaya inabala ko nalang ang sarili ko sa dala kong manika. Medyo nagtagal pa kami dahil sa pagku-kwentuhan nila. Nang magsilabasan ang mga bata ay saka lang natauhan si Mama na kailangan na naming umalis.

"Mama..." wika ko habang abala si Mama sa pagluluto ng hapunan naming dalawa.

"Maggy?" tanong niya sa akin.

"Ano pong gagawin ko doon bukas? Iiwan niyo po ba ako doon?" tanong ko sa kanya. Umupo si Mama sa aking tabi.

"Maggy, di ba alam mo naman kung ano ang paaralan?" tanong niya sa akin.

"Opo..."

"Papasok ka na sa paaralan para matuto ka. Hindi sapat iyong nasa bahay ka lang anak"

"Kaya niyo naman po akong turuan Mama. Bakit kailangan ko pa pong pumunta doon para matuto?" napa-buntong hininga si Mama dahil sa narinig.

"Mas matuturuan ka nila doon anak. May mga bagay na hindi kayang ituro ni Mama kaya kailangan mong pumasok sa paaralan. Gagabayan at tuturuan ka ni teacher" pagkatapos ay iniwan ulit ako ni Mama. Ilang saglit pa ay natapos na siya sa pagluluto. Kumuha siya ng dalawang plato at inilagay sa lamesa. Kumuha siya ng kanin at ulam at inilagay sa pinggan ko.

"Mama ayaw..." sabi ko ng makita ang gulay. Napayakap nalang ako kay Ansherina, ang stuffed toy ko.

"Sige na Maggy kumain ka na ng gulay para lumakas ka" umiling ulit ako kay Mama. Mas lalo kong hinigpitan ang yakap kay Ansherina.

After The SunsetWhere stories live. Discover now