Pagdating ko sa bahay ay nakauwi na ang Lolo at Lola. Abala sila ngayon sa pag-aayos ng lamesa dahil ang hula ko ay bumili nalang sila ng hapunan namin. Mayroong mga plastic bags din na nandoon. Namili siguro sila.

"Nandito ka na pala, Apo! Magbihis ka na ng makakain na tayo" sabi ni Lolo.

"Opo. Hindi po traffic?"

"Hindi apo. Kaya agad kaming nakauwi. Sige na hihintayin ka namin ng Lolo mo" si Lola iyon. Pumunta na ako sa kwarto ko at inilapag ang gamit. Kumuha na ako ng damit. Dumiretso ako sa shower upang maligo. Pagkatapos ay bumaba na ako para makapag-hapunan na kami. Malinis na ang table. Nailagay na siguro nila ang mga napamili nila sa tamang lugar. Umupo na ako. 

"Kamusta ang araw mo?" tanong ni Lola sa akin. 

"Okay lang naman po Lola. Kayo po? Kamusta ang lakad ninyo?" tanong ko sa kanya.

"Mabuti naman Apo. Baka sa bakasyon ay bumalik muna kami sa California ng Lolo mo. Mayroon lang kaming kailangang asikasuhin. Huwag kang mag-alala hindi ka naman maiiwang mag-isa dito sa bahay dahil uuwi ang Tito Mauricio mo" bigla akong nasiyahan sa sinabi ng Lola. Ang tagal na rin simula ng umuwi si Tito Mau! Miss na miss ko na rin siya.

"Talaga po? Kasama niya po ba si Tita Eula sa pag-uwi?"

"Hindi Apo. May trabaho ang Tita Eula mo.." nagpatuloy nalang akong kumain.

"Apo nag-text nga pala si Blair sa akin. Tinatanong kung nagpapahinga ka raw ba. Masama ba ang pakiramdam mo?" 

"Masakit lang po ang ulo ko..."

"Kung gayon ay uminom ka nalang ng gamot pagkatapos mong kumain Apo" si Lolo iyon.

"Opo" pagkatapos kumain ay ako na mismo ang naghugas ng pinagkainan. Pinainom din ako ng gamot ni Lolo. Hinatid na nila ako sa kwarto pagkatapos at binilinan na magpahinga. Hindi muna ako nagpahinga dahil kailangan ko pang magreview. Itinabi ko muna ang cellphone ko para hindi masyadong ma-distract.

Alas-diyes na ako natapos sa pagre-review. Humiga na ako ngunit hindi pa rin makatulog. Kinuha ko ang cellphone ko at nag-scroll nalang sa facebook. Mayroon na kaming wifi sa bahay dahil kailangan ko daw iyon sabi ng Lola. Pero ni minsan ay hindi ko man lang sinubukan na i-contact ang mga magulang ko. Ganon din naman sila. Nasanay na rin ako na wala silang dalawa sa tabi ko. Pitong taon na rin....

Bigla kong naalala si Cede. Hindi man lang siya ngumiti ng magtama ang mga mata naming dalawa. Bakit kaya? Naiilang ba siya? 

Tinype ko ang pangalan niya. Kaagad ko namang nakita ang profile niya. Ang profile picture niya ay iyong picture nilang tatlo nina Ate Ria at Kuya Jace. Nasa gitna siya at sa palagay ko ay nakunan ito noong kinder pa kami ni Cede. Nag-scroll ako sa timeline niya ngunit iilang pictures lang ang nakita ko. Kaya ayun. Inadd friend ko siya. Siguro naman ia-accept niya ako?

Maaga akong nagising kinabukasan dahil kailangan ko pang magreview ulit. Baka mamaya ay may mga nakakalimutan pa akong terms. Maaga akong pumasok sa school pero mas maaga yata ang mga teachers.

Hindi ako agad nakapasok sa classroom dahil nagse-sermon pa ang adviser namin. Hindi ko marinig ang sinasabi niya dahil nakasarado ang pinto. Mukhang hindi pa yata kami papapasukin sa first subject dahil mukhang badtrip siya. Hay buhay. Kung ganon magre-review nalang ako. Anong laban ko sa kanya? 

Halos kalahati ng klase ang considered na late gayong sakto naman kami sa oras. Minsan ay gusto kong isipin na may galit siya sa amin. Palibhasa malapit lang ang bahay niya sa school. Ano bang magagawa niya traffic sa bayan!?

Second subject palang ako nakapasok. Umupo na ako sa tabi ni Blair na ngayon ay kasalukuyang nagre-review. Natigil siya ng makita ako.

"Magandang Umaga Gabby! Kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong niya sa akin. 

"Walang maganda sa umaga lalo na't hindi ako pinapasok sa subject niya. Anong lesson sa kanya?" nakabusangot kong sagot.

"Mukhang okay ka na. Wala naman yun pa rin. Makakaalis pa ba tayo sa module na 'yon? Paulit-ulit nalang!" umirap siya. Kinuha ko nalang ang notebook ko at nagreview na. Pagdating ng teacher namin ay kaagad siyang nagpalabas ng 1/4 sheet of paper. As usual humingi lang ang bruha sa akin dahil nakalimutan daw niya ang papel niya.

"Nag-aaral ka ba talaga?" padabog kong binigay kay Blair ang isang piraso ng 1/4. 

"Oo naman Maggy" inirapan ko nalang siya. Ang babaeng ito! Iritable tuloy ako habang nagq-quiz. Pero na-perfect ko naman kaya ayos lang. Hindi na ako nag-recess dahil magre-review nalang ako. Bakit ba kasi sunod-sunod ang quizzes sa araw na ito? 

Panay lang ang pang-aasar sa akin ni Blair. Ang mga sumunod na quizzes ay hindi pina-check sa amin. Wala yatang tiwala yung mga teachers? Pagsapit ng lunch time ay sa canteen na kami kumain ni Blair. Panay lang ang reklamo niya sa mga items na hindi niya nasagutan.

"Baka iba yung inaatupag mo kagabi. Aral-aral din pag may time" sabi ko sa kanya habang kumakain kami. Wala na namang lasa yung gravy nila. Hindi ko tuloy ma-enjoy ang chicken fillet.

"Nag-aral naman ako. Nakakahiya kasi sayo ayaw mong magpa-kopya. Bakit ba puro nalang chicken fillet ang inoorder mo kapag kumakain tayo sa canteen? Buti pa nung pinagbabaon ka ni Lola!" sabi pa niya. Para namang siya ang kumakain nito palagi. Eh hindi naman siya!

"Ewan ko sayo Blair. Pati kinakain ko pinapakialaman mo..."

"Syempre concern lang ako sayo. Gaga ka!" napailing nalang ako. Nagtoothbrush na kami pagkatapos kumain saka bumalik na sa classroom para sa afternoon subjects. Gusto kong tulugan dahil dalawang oras na naman kami sa Science. 

"Pupusta ako ng isang daan, magpapaquiz na naman si Ma'am!" sabi ni Blair pagdating namin sa classroom.

"Kaya mag-aral ka na baka mamaya ma-zero ka na naman sa kanya" inirapan lang ako. Noong isang beses kasi ay na-zero siya sa quiz sa Science. Hindi kasi siya nakinig sa akin. Ang sabi ko sa kanya mag-aral ang ginawa nakipagdaldalan lang sa mga kaklasi namin. The first hour, we had our lecture. At gaya ng inaasahan ay may quiz kami 30 minutes bago matapos ang time ni Ma'am. Nakalahati ko naman siguro? Maaga kaming na-dismiss dahil wala ang teacher namin ng last subject. 

"Punta nalang ako sa inyo!" sabi ni Blair. Ano ba kasing meron sa bahay namin at gustong-gusto niyang pumupunta doon?

"Umuwi ka nalang baka hanapin ka ni Tita. Mamaya isipin niya bad influence ako. Kahit na ang totoo ikaw ng B. I." sabi ko sa kanya.

"Aba! Baligtad yata?" napailing nalang ako. Sumakay na kami ng jeep. Diretso uwi syempre. Pag-uwi ko sa bahay ay nagpahinga lang ako. Dahil maaga pa ay natulog nalang muna ako. Ginising lang ako ng Lolo at Lola ng maghapunan na. 

Pagkatapos mag-hapunan ay bumalik na ako sa kwarto ko. I did my routine before going to bed. I browsed my Facebook Account and saw something.

Evander De Silva accepted your friend request.

Holy! Totoo ba 'to? What now, Maggy? Tumatalon ang puso ko sa kaba. Inaccept niya ko!

After The SunsetWhere stories live. Discover now