"Ikaw na ang magkulay. Ako na ang magda-drawing" sabi ni Cede. 

"Dapat ikaw nalang parehas. Ako nalang magsu-summarize ng mga lessons" sagot ko naman sa kanya. Nandito kami sa bahay ng grandparents niya sa may terrace. Wala kasing space sa loob dahil punong-puno ang mga lamesa nila ng mga decorations. 

Ang dahilan kung bakit nandito kami ay mas makakapag-isip daw kami dito. Atsaka miss na daw siya ng mga Lolo't Lola niya. Hindi na kasi siya nakakabisita dahil sobrang busy nga sa pag-aaral. Kaya nagpaalam siya na kung pwede ay dito nalang kami gumawa ng assignments para naman maka-bonding niya rin sila. Pumayag naman ang mga ito at natuwa pa dahil nagdala ng babae ang apo nila!

"Magaling ka talagang pumili Apo. Manang-mana ka sa akin!" sabi ng Lolo ni Cede habang tinatapik ang kanyang balikat.

"Kaibigan ko lang po Lolo" sabi pa niya. Ouch! Friend zone kaagad wala pa man.

"Asus...Diyan naman nagsisimula ang lahat" sabi pa ng Lolo niya.

"You are so beautiful. I like you for my grandson. Kayo nalang please? Pagkatapos ay bigyan niyo kami ng maraming apo. Panigurado magaganda't gwapo ang mga magiging anak niyong dalawa" namula ako sa sinabi ng Lola niya. 

"Lola!" Kaagad naman siyang sinaway ni Cede.

"Huwag mong sabihin na wala kang nararamdaman sa kanya. Ang tagal niyo ng magkakilala. Imposible namang wala pa hanggang ngayon kahit paghanga lang!" sabi pa ng Lola niya. Ayaw magpaawat!

"Lola naman. Kay Kuya at Ate kayo humingi ng apo. Ang bata ko pa kaya!" pagrereklamo ni Cede. May asawa na kasi si Ate Ria. Si Kuya Jace naman malapit na daw. Hindi ko nga lang alam kung kailan. Pero ang sabi ni Tita Elisha hinihintay nalang daw niya yung girlfriend niya na matapos sa Doctoral Degree niya saka siya magpo-propose.

Gaya ng sinabi ni Cede, siya ang nag-drawing. Habang ako naman ang nag-scan ng mga libro at nagsulat ng notes. Nang matapos i-drawing ni Cede ang isa ay kinulayan ko na kaagad ito. Hindi naman yung colorful na kulay. Yung sa lapis lang din. 

"Mag-merienda muna kayo" sabi ng Lola niya na may dalang cake at juice. 

"Thank you po" sabi ko sa Lola niya. Ngumiti lang siya sa akin.

"Group project ba 'yan?" tanong niya.

"Individual Lola"

"I see...kung may kailangan kayo sabihan niyo lang ako"

"Opo Lola" sagot naman ni Cede. Umalis na ulit ang Lola niya at naiwan na naman kaming dalawa. Kumuha ako ng cake atsaka kumain muna. Tinapos muna ni Cede iyong dina-drawing niya bago siya nag-merienda. After the quick break, nagpatuloy ulit kami sa ginagawa namin. This time si Cede naman ang nagsulat ng notes.

Alas singko ng hapon kami natapos. Umakyat kami sa second floor para mas matanaw ang nagbabadyang paglubog ng araw. Naging habit na namin ang panonood talaga ng sunset!

"Cede..."

"Hmmm?"

"Why are you so nice to me?" I don't know where I had the guts to ask him that question. Maybe my heart starts to demand for something to justify his actions.

"Because you are my friend and it's natural?" patanong niya naman na sagot.

"Oo nga pala...kaibigan lang ako"

"Why?"

"Wala naman. Ang tagal na rin nating magkaibigan. Buti nalang talaga walang nagkakagusto sa atin sa isa. Ang hirap siguro non" Coming from you Maggy! Ni hindi ka nga nagkagusto sa iba nang dahil sa kanya!

"What do you mean?"

"Nothing...uuwi nako" bumaba na ako at inayos na ang mga gamit. Nagpaalam muna ako sa Lolo at Lola niya. Ang gusto nga nila ay bumalik pa ako doon para naman daw maka-kwentuhan ko sila. Naglalakad na ako ng bigla akong tawagin ni Cede.

"Maggy!" I ignored him. I just continued walking like I don't hear him calling my name. Natigil lang ako ng bigla niyang hawakan ang braso ko na naging dahilan para mapaharap ako sa kanya.

"What's wrong?" he asked. Nababakas sa kanyang mga mata ang pagkalito. His statement played in my mind over and over again which made my heart feel unexpected pain.

All these years, I have been in-denial. Hindi ko magawang aminin sa sarili ko na gustong-gusto ko siya. Natatakot ako na baka kapag nalaman niya ay magbabago ang pakikitungo niya sa akin. Baka magkaroon ng gap sa aming dalawa. Atsaka ayokong umasa na balang araw magugustuhan niya rin ako. Kaya pinipilit ko nalang itago ang nararamdaman ko. I don't want to risk our friendship. I want him to stay in my life even if it will mean to keep my true feelings from him. 

"Wala..I just feel tired" sabi ko naman sa kanya.

"Tinatawag kita kanina hindi ka lumilingon"

"Hindi kita narinig dahil sa mga sasakyan na dumaan..."

"Sigurado ka bang walang mali?" tanong niya ulit sa akin. I smiled at him.

"Wala. Pagod lang talaga ako.."

"Ihahatid na kita" 

"Hindi na. Gusto kong maglakad" he just nodded. Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Hindi ko na siya nilingon. Malamang ay bumalik na siya sa bahay ng Lolo at Lola niya. Malapit na ako sa bahay ng lumingon ako sa likuran. Ngayon ko lang nakita si Cede na nakasakay sa kanyang sasakyan at mabagal itong pinapaandar. Nasa likod ko lang pala siya all this time!

Hindi ko ginustong ihatid niya ako pero gumawa pa rin siya ng paraan para hindi na ako makulitan pa sa kanya! 

Sa mga ginagawa ni Cede, mas lalo lang akong nahuhulog sa kanya. Mas lalo ko lang siyang nagugustuhan. Pero hindi kami pwede. Hindi. Hindi naman niya ako gusto. Kaibigan lang ang turing niya sa akin. Kaya dapat makuntento na ako dahil iyon lang ang kaya niya. Hindi na dapat ako maghangad ng mas higit pa sa kung anong kaya niyang ibigay.

Pagdating sa bahay ay naligo lang ako at nagkulong na sa kwarto. Kinatok pa ako ni Mama para kumain ngunit hindi na ako lumabas dahil wala akong gana. Hindi ko namalayan na nakatulog ako. Hatinggabi na ng makaramdam ako ng gutom. Lumabas ako sa kwarto ko at didiretso sana sa kusina nang makarinig ako ng pagkabasag ng pinggan. Hindi na ako tumuloy sa kusina dahil doon. Napatingin ako kay Mama na dumudugo ang kamay habang pinupulot ang bubog.

"Marielle matagal na akong nagtitimpi diyan sa anak mo ha! Simula nang umuwi tayong dalawa ay ni minsan hindi ko pa 'yan nakakausap ng maayos. Palagi akong iniiwasan niyan!" sigaw ni Papa.

"Sa tingin mo ba nakakausap ko ng maayos si Maggy? Iniiwasan niya rin ako! Sino ba naman kasing hindi iiwas? Iniwan natin siyang dalawa dito sa Pilipinas at ni minsan hindi man lang tumawag. Sa palagay mo ba magiging maayos ang pakikitungo niya sa atin? Pasalamat ka nalang na hindi siya nagrerebelde kagaya ng iba!" sabi naman ni Mama. 

"Kung hindi ka lang sana nagpumilit na pumunta sa California edi sana maayos pa ngayon!"

"Paanong hindi kita pupuntahan e hindi ka tumatawag! Ang sabi pa ni Mama nambababae ka raw!" 

"At talagang mas naniniwala ka pa sa Mama ko kaysa sa akin? Wala siyang alam at hindi siya dapat nanghihimasok sa pamilya natin!"

"Gabriel ang tagal na kitang gustong hiwalayan. Iniisip ko lang si Maggy dahil siya ang mas masasaktan sa pamilyang ito. Pagod na pagod na ako sayo!" 

"Edi hiwalayan mo na ako! Diyan ka naman magaling!" nagtago muna ako nang makitang pumasok na si Papa sa kwarto. Saka lang ako lumabas ulit at nasulyapan si Mama na umiiyak habang linilinis niya ang bubog. Gusto ko siyang lapitan. Gusto ko siyang yakapin. Pero hindi muna sa ngayon.

Hindi ko alam kung paano ako nakatulog ulit. Iniisip ko ang nangyari. Parang may kung ano sa akin na gusto ko ng tanungin si Mama kung ano ba talagang nangyari dati. Oras na ba para magkaroon ng kasagutan ang mga tanong ko? 



After The SunsetWhere stories live. Discover now