Epilogue

54 2 0
                                    

Wherever I go, I am reminded of your beautiful face. Wishing that you are near because you make me feel alive. But I couldn't close the distance between us...so I kept hoping to be with you again and when that comes I will lock you in my arms forever.

---

I glanced at the window. I smiled upon seeing my Mama drawing near. She's just on time to pick me up. I was not able to listen to what my teacher was saying because I am too excited to go home and start painting. Ang boring kasi ng klase. Madalas naglalaro lang kami. Kung alam ko lang na ganito I should have asked Mama to enroll me sa Art Classes instead. Pero wala din naman akong magagawa. Kasi kahit doon ako mag-enroll, panigurado na kakailanganin ko pa ring pumasok sa Kindergarten kapag natapos ko iyon. 

Hindi ko namalayan na nagsisilabasan na ang mga kaklase ko. Kaya kaagad akong tumayo at kinuha ang bag para mapuntahan na si Mama. Nanatili si Mama na nakatayo kung saan ko siya nakita kanina. May kausap siyang babae na siguro'y ka-edad niya. May kasama siyang batang babae. She looks like an angel. I wanted to see her face even more kaya lumapit pa ako. Ngunit huli na ang lahat dahil nakatalikod na ito sa akin. 

Mama waved at me when she saw me. I smiled at her but I couldn't help but look at the back of the little girl hoping she would turn around. But, she didn't.

"How's your day?" tanong ni Mama sa akin habang naglalakad kaming dalawa. Siya na ang may hawak ng bag ko.

"It's boring Mama. You should have enrolled me in Art Classes instead" I didn't want to lie to her. 

"Jack, we talked about this already. You can take the art classes during summer" I sighed in defeat. At a young age, I was captivated by pieces of art. Madalas kasi akong isama nina Lolo at Lola noong nandito pa sila sa Pilipinas kapag may mga art exhibit silang pinupuntahan. Isa siguro iyon sa mga rason kung bakit nahulog ang loob ko sa pagpipinta. Nakikita ko din kasi sila kung paano gumawa ng mga obra maestra na nabebenta nila. Ang iilan naman ay mga collection. It was a natural talent...I guess?

I continued going to school although it's boring. Halos kaladkarin pa ako ni Mama para lang pumasok ako. Pero nang makita ko siya ulit, parang hindi na kakailanganin pang gawin iyon ni Mama. Kusa na akong papasok dahil may dahilan na ako.

"Hello! Ako nga pala si Maeve Gabriella G. Valderrama. Four years old. Ang palayaw ko ay Maggy" nagising ako dahil sa narinig na boses ng isang batang babae. Nakayuko pa rin ako. Istorbo naman. Nang marinig na umingay ang upuan malapit sa akin ay saka lang ako umalis sa pagkakayuko. Napatingin ako sa gilid at laking gulat ko ng makita ang isang pamilyar na mukha. Ito iyong babae kahapon! I wanted to stare at her face ngunit bigla siyang napatingin sa gawi ko kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin. Kinuha ko nalang ang coloring materials at coloring book na nasa bag ko. Ano bang nangyayari sayo Jack?

Kinabukasan, hindi na kinailangan pa ni Mama na kulitin ako para pumasok. Nagulat siya dahil doon. Hindi naman din siya nagtanong. Natuwa pa nga siya. Pagdating ko ay nandoon na siya. Kinabahan kaagad ako dahil sa presensiya niya. Naupo ako sa upuan na malapit sa kanya nang biglang may magbigay sa akin ng candies. Hindi naman ako kumakain noon dahil binabawalan ako ni Mama. 

"Do you want some?" tanong ko kay Maeve Gabriella. Hindi siya makasagot. Nakatingin lang siya sa mga candies na hawak ko kaya linapag ko nalang sa table niya. Nabigla ako ng bigla siyang tumayo at ibalik iyon sa akin.

"Magagalit ang Mama ko kapag kumain ako ng candies. Ayoko ring pumunta sa dentist baka bunutin niya ang ngipin ko...Ako nga pala si Maeve Gabriella G. Valderrama. Four years old" sabi niya sa akin habang nakangiti. 

After The SunsetNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ