"Malapit na ang graduation mo apo. Gusto mo na bang mamili ng damit?" tanong sa akin ni Lola habang nanonood kami ng movie. Noon ko lang napagtanto na sobrang bilis lang pala talaga ng panahon. Malapit na akong matapos sa elementary.

"Pagkatapos nalang po ng exams namin sa training Lola" sagot ko sa kanya. Tinitignan ko lang siya habang nanonood siya ng palabas. Ngayon ko lang napansin na hindi na nga bumabata si Lola. Mas marami na ang puti niyang buhok kaysa sa dati. Mas dumami na rin ang mga wrinkles niya.

"Gusto mo bang mangibang bansa pagkatapos ng graduation mo? Hindi kasi natin natuloy ang pinlanong bakasyon mo noon" bigla ko tuloy naalala iyon. Sa totoo lang ay hindi ko naman masyadong dinibdib iyon. Inintindi ko nalang dahil masyado pa akong bata. Inisip ko nalang na marami pang pagkakataon para makapunta ako roon. 

"Kahit dito nalang po tayo mamasyal sa Pilipinas. Marami naman pong magagandang pasyalan dito" sagot ko sa kanya. Iniisip ko rin ang gagastusin nila kung sakaling mangingibang bansa kami. Nahihiya na din ako sa kanila. Kahit hindi ko man sila tanungin alam kong ang perang ginagamit nila para sa akin ay ang pera nilang dalawa ni Lolo. Hindi nagpapadala ang mga magulang ko at hindi iyon sinasabi sa akin. Nagui-guilty rin ako dahil imbes na mag-enjoy silang dalawa ay inaalagaan pa nila ako at pinapaaral. Hindi naman nila responsibilidada iyon. Ngunit iniwan ng mga magulang ko ang responsibilidad sa kanilang dalawa.

Hindi ko talaga alam kung anong nangyari. Gusto ko mang alamin ngunit sa huli'y naduduwag akong malaman ang totoo. Kaya mas pinipili ko nalang na kalimutan iyon at ibaling ang atensyon sa ibang bagay. Ngunit minsan ay naiisip ko, paano nalang kung bigla silang bumalik? Kukunin ba nila ako kina Lolo at Lola? Magiging masaya pa ba kami? Ano kayang mangyayari?

"Pag-isipan mong mabuti Apo. Kapag gusto mong mangibang bansa ayos lang sa amin. Pa-minsan minsan lang naman" sabi ni Lolo na ngayon ay nakaupo na sa tabi ko. 

"Baka dito nalang po  sa Pilipinas, Lolo" ngumiti ako sa kanya. 

"Sigurado ka ba?"

"Opo..." yinakap lang niya ako. Ganoon din ang ginawa ni Lola.

"Mahal na mahal ka namin. Kayang-kaya naming ibigay sayo ang lahat..." sabi ni Lola.

"Mahal na mahal ko din po kayong dalawa..." 

Mabilis lang ang naging takbo ng mga araw. Nasa huling dalawang linggo nalang kami ng training. Sa linggong ito ay magaganap na ang hospital tour namin. Isang pampublikong ospital ang pupuntahan namin ngayon. Sa susunod na araw naman ay isang pribadong ospital ang pupuntahan namin. 

Naka-service kami at sakto pa na kasama namin sina Cede. Hinatid ako ni Lolo at Lolo sa meet up place kung saan nakita nila si Cede. Nagmano siya kay Lolo at Lola. 

"Mag-aalcohol ka palagi lalo na't sa ospital kayo pupunta" bilin ni Lola sa akin.

"Opo Lola"

"Mauna na kami" sabi ni Lola kay Cede. 

"Mag-iingat po kayo" sabi naman ni Cede. Pagkatapos ay sumakay na kami sa sasakyan kung saan nandoon na ang mga kasama namin. Sinalubong naman kami ng tukso nina Ian at Hanes dahil sa nakita.

"Naks naman!" si Ian iyon ng makitang bitbit ni Cede ang paper bag na dala ko.

"Nagpapalakas si Lover Boy!" si Hanes naman iyon. Napailing nalang ako. Nang nasa sasakyan na kaming lahat ay pumunta na kami sa pampublikong ospital sa bayan. Pagdating doon ay nakapila na ang mga kasama namin. Kaya pumila na rin kami. 

"Good Morning Young Health Workers!" bati ni Doc sa amin.

"Good Morning po!" sabay-sabay naming sabi.

"Ngayong araw na ito ay ito-tour namin kayo dito sa pampublikong ospital ng bayan. Dito masusukat kung mayroon nga ba kayong natutunan matapos ang ilang buwan ninyong training sa amin. Mga habilin lang, huwag kayong masyadong magulo. Makinig kayong mabuti dahil baka mamaya ay mayroong lumitaw sa exam about sa hospital tour na ito. Take notes and you can also take pictures of the facilities to familiarize yourself with the hospital setting..." matapos magbigay ng final instructions si Doc ay pumasok na kami sa loob ng ospital. 

Bumungad sa amin ang mga pasyente dahil sa Emergency Room kami pumasok. Habang nage-explain si Doc ay panay lang ang pagno-notes ko. Tinitignan ko rin kung ano ang mga bagay na tinutukoy niya. 

"This is the Emergency Room. Dito dinadala ang mga pasyente na nangangailangan ng urgent treatment. Unlike sa mga clinics, hindi mo kailangang magpa-appointment dito at bukas ito 24/7. Ang mga na nae-encounter dito ay ang mga patients na na-aksidente, nahihirapang huminga, na-stroke at iba pang emergency cases" 

Lumipat na kami pagkatapos dahil dumadami na ang mga tao sa ER. Para na rin magbigay daan sa mga pasyenteng nangangailangang matignan. Sunod kaming dinala sa Laboratory kung saan kumukuha ng mga specimens para i-test upang makakuha ng impormasyon na makakatulong sa pag-diagnose ng sakit. 

Dinala pa kami sa iba't ibang facilities ng ospital. Ang isa sa mga nakaagaw ng atensyon ko ay nang dalhin kami sa Neonatal Intensive Care Unit. Halos maiyak ako nang makita ang mga newborn babies na naka incubator. May iba't ibang conditions daw sila mayroong mga babies na naisilang ng premature, may health conditions, kulang sa timbang at iba pa.

"Sana maging okay na kayo. Hindi niyo deserve mahirapan ng ganito" bulong ko habang hinahaplos ang salamin na nagsisilbing pagitan. 

"Magiging okay din sila. All they need is to receive the treatment and care they deserve until they get better" si Cede iyon na ngayon ay nasa likod ko. 

"Masyado pa silang bata para maranasan ang sakit" 

"We all experience pain. It only differs when will it come. Some experience it early while others experience it too late. But, all we can do while suffering is to fight it..." tama naman siya sa sinabi niya. Darating at darating ang araw na makakaranas tayo ng sakit na dala ng mga pagsubok ng buhay. Hindi nga lang natin alam kung kailan darating. At kung hahayaan manatili ang sakit ng hindi lumalaban, baka hindi na gugustuhin pang mabuhay. Kaya kahit masakit, kailangang labanan dahil iyon naman ang dapat habang nabubuhay. You need to fight the pain or else it will consume you completely. It will only lead to the idea of wishing to be dead because you feel tired of suffering over and over again.

"Tara na nga baka hanapin na tayo" nauna akong naglakad at sumunod naman siya sa akin. Pinupunasan ko ang mga luhang umagos sa aking mukha. 

"That's it for today. I hope nakapag-notes kayo. We will see you next training. Sa isang private hospital naman ang magiging tour. Expect that we will ask you questions dahil parehas lang naman halos ang facilities ng private at public hospitals. May iilan lang na wala. Ingat kayo sa pag-uwi!" sabi ni Doc. Na-dismiss na kami pagkatapos kaya hinanap namin ang mga kasama namin. Dumiretso lang kami sa sasakyan at naging tahimik lang ang naging biyahe. 




After The SunsetWhere stories live. Discover now