I slowly opened my eyes when I heard the car's engine stop. Napakurap-kurap ako bago tuluyang buksan ang aking mga mata. Napasinghap ako nang makita na wala na kami sa simbahan! Napatingin ako kay Cede na kasalukuyang nago-order ng pagkain. Nagdrive thru kami sa Mcdonalds. Magsasalita sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kaagad siyang napatingin sa akin kaya nataranta akong sagutin ito.

"Maggy? Nasaan ka? Kanina pa tapos ang misa." nanlaki ang mga mata ko nang marealize na si Mama iyon.

"Ma! Ah...kasi po may nakita po akong kaibigan. Nagkayayaan lang po kami bigla"

"Ikaw talagang bata ka. Sana ay sinabi mo ng maaga. Mabuti pang ako nalang ang namalengke!" doon ko lang naalala na binilin niya nga pala sa akin na mamalengke pagkatapos ang misa. Maggy naman! 

"Sorry po Ma. Bibili nalang po ako nang ulam natin mamaya pagkatapos ay maaga nalang po akong mamimili sa palengke bago ang duty ko" 

"Magsabi ka naman Maggy ha. Hindi yung pinagaalala mo ako! Muntik na akong atakihin sa puso! Naku! Kukurutin kita pag-uwi mo" 

"Sorry po Ma..."

"Siguraduhin mo lang na uuwi kang bata ka!" pinatay na niya ang tawag pagkatapos. Siguro hindi na matatanggal kay Mama ang trauma dahil sa ginawa ko noon. Dalawang taon na rin ang nakakaraan simula nang bigla nalang akong umalis sa apartment na tinutuluyan ko at nagpalit ng number. Isang buwan din akong hindi ma-contact nina Mama. Alalang-alala sila sa akin. Maging si Blair ay hindi ko rin kinausap noon. Tanging si Tito Mau lang dahil nakibalita ako kila Lolo at Lola. 

Hindi ako makapunta nang California dahil wala akong pambili nang plane ticket. Kaya balewala lang din ang approved VISA ko. Kulang na kulang ang pera ko para sa isang one way ticket. I wanted to ask Tito Mau to shoulder it but ayoko naman na gastusan pa niya ako. At isa pa, wala na rin ang Lolo at Lola kaya bakit pa akong tutuloy doon?

I went from one place to another. Wala akong naging permanenteng tirahan sa isang buwan. Nang makahanap ako ng isang foundation na nagco-conduct ng medical mission ay hindi ako nagdalawang isip na sumali. I went to different remote areas that lacks access to healthcare system. I became a volunteer nurse. It was a fun and memorable experience. 

I deactivated my social media accounts. I had to cut my communication with some important people in my life. I had to be busy with other things to ease the pain and longing for those who are not coming back.

Sa bawat araw na lumilipas, mas nakikita ko kung gaano kahalaga ang buhay. I have met a lot of people with different stories. They lost their loved ones from unexpected tragedies but here they are still strong and trying to face life's challenges.

After a month of being out of reach, I had to go home to get some documents. As much as I wanted to be a volunteer, I can't live alone forever knowing that there are people who are waiting for me. Lumabas na rin kasi noon ang resulta ng board exam at hindi ako makapaniwala na topnotcher ako! Pang 7th place pa ako sa board exam! Sa buwan din kasing iyon ay ginanap ang Oath Taking Ceremony. Kaya no choice ako.

Pagbukas ng pinto ay bumungad sa akin si Mama at Papa na nakaupo sa sofa. Sabay silang napatingin sa akin. Nang makita nila ako ay hindi na nila napigilan ang pag-iyak. They didn't say anything. They just ran towards me and gave me a tight hug.

"Ano ka ba naman Maggy! Bakit mo kami pinag-alala nang ganon" humihikbi si Mama habang yinayakap ako.

"I'm sorry po..." the day after that, we went back to Manila for my oath taking ceremony as a Registered Nurse. My parents are proud of me. Lalo na si Mama dahil hindi ko daw siya binigo. 

"Hindi ko nakita ang anak ni Elisha. Bumagsak ba siya sa board exam? Naku. Ang talino pa naman nang batang 'yon" tanong ni Mama sa akin. Hindi ko nalang siya sinagot.

After The SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon