Natulala ako habang tinitignan siya. Kasing puti pa rin siya ng snow. Para pa rin siyang teddy bear na masarap yakapin. Ang pinagkaiba nga lang sa dati ay mas tumangkad siya.  Mukha pa rin siyang prinsipe sa Disney! Mas na-depina ang matangos niyang ilong. Natauhan lang ako ng kalabitin ako ng katabi ko.

"Para kang nakakita ng multo" pagbibiro sa akin ng isa sa mga ka-grupo ko. 

"Ah..hindi may tinitignan lang ako" umupo na ako sa harapan. Kumakalabog pa rin ang puso ko dahil sa sobrang kaba. Naalala pa ba niya ako? 

Hindi na kami nagkaroon pa ng oras para mag-usap-usap dahil ang sabi sa amin ng speaker ay sa susunod na meeting nalang daw namin iyon gagawin. Tumayo na kaming lahat at kinanta nila ang hymn ng Medical Society. Na-dismiss na kami pagkatapos. Dumiretso na ako kay Ma'am Rowena. Nang dumating na rin ang mga kasama ko ay nagpaalam na si Ma'am Rowena sa mga teachers na kakilala niya. 

Palabas na kami ng mapansin ko si Cede na kausap ang mga kasama niya. Seryoso lang siyang nakikinig sa mga kwento ng mga ito. Ang dalawang kausap niyang lalaki ay nakakalaban ko rin noon sa mga contest. Hindi nga lang kami masyadong close pero kapag nakikita namin ang isa't isa ang ngumingiti naman sila sa akin. 

Nahuli nila akong nakatitig sa direksiyon nila. Kinawayan nila ako at ngumiti. Ngumiti din ako sa kanila. Natigilan lang ng mapatingin si Cede sa direksiyon ko. Hindi siya ngumiti. Nanatili lang ang seryoso niyang titig. Kaagad naman akong umiwas ng tingin nang magtama ang aming mga mata. 

"Tara na nandiyan na daw ang service natin" sabi ni Ma'am Rowena. Sumunod nalang ako sa kanya. Hinatid kami ng service sa paaralan namin. Habang nasa biyahe ay masayang nagku-kwentuhan ang mga kasama ko. Nanatili lamang akong tahimik. 

Naglakad lang ako pauwi mula sa aming paaralan. Malapit lang naman ang bahay nina Lolo at Lola doon. Napatitig ako sa araw na hindi na masyadong maliwanag. Malapit na rin itong lumubog. Mapait akong napangiti ng maalala ang pinanood naming sunset noong 5th birthday ko. 

Pag-uwi sa bahay ay kakatapos lang magdilig ni Lola. Si Lolo naman ay kasalukuyang nagluluto ng hapunan. Inilapag ko ang aking gamit sa kwarto atsaka naligo. Pagkatapos ay bumaba na ako upang matulungan si Lolo. Alas sais ng maghapunan kami.

Hindi na ako nakasama kay Lolo at Lola sa panonood nila ng movie. Iyon kasi ang nakagawian namin pagkatapos kumain ng hapunan. Mayroon kasing mga nabiling dvd si Lolo noong pumunta kami sa mall. Kailangan ko kasing gawin ang mga assignments ko. Gayun din ang pagkabisado sa mga ibinigay nila kanina sa training. 

Kaagad ko namang natapos ang mga assignments ko. Nagliligpit na ako ng mga gamit ko nang kumatok si Lola. Pinagbuksan ko ito ng pinto dahil na-lock ko pala. Nakagawian ko kasing ilock ang pinto sa tuwing may ginagawa ako. Nasanay na rin naman si Lolo at Lola doon.

"Natapos niyo na po yung movie Lola?" tanong ko sa kanya.

"Oo apo. Sa susunod ay papanoorin namin ulit iyon na kasama ka" ngumiti siya sa akin. Inilapag ni Lola ang dala niyang gatas para sa akin sa may table at naupo sa kama ko. Pinanood niya lang akong ayusin ang mga gamit ko. Naupo na ako sa tabi niya pagkatapos. Yinakap ko siya. 

"Aba nagla-lambing ka na naman...Anong gusto mo? Hmm..." natawa ako sa sinabi ni Lola. 

"Wala po Lola. Medyo pagod lang po ako" Yinakap ko siya ng mas mahigpit. Naaalala ko dati noon ganitong ganito ang ginagawa ko kapag may gusto akong ipabili kay Lola. Ganoon din ang ginagawa ko kay Lolo. Dahil ako lang naman ang nag-iisang apo nila, pinagbibigyan nila ako. Sobrang spoiled ko kaya!

"Huwag mong masyadong dibdibin ang pag-aaral. Magpahinga ka rin apo. Aanhin mo ang parangal at medalya kung ang kapalit naman nito ay mapapabayaan mo ang kalusugan mo?" 

After The SunsetWhere stories live. Discover now