36

17 1 0
                                    

Nag-overtime na naman ako sa shift ko. Sa tuwing paalis na ako saka dumadami ang mga pasyente. Kaya napipilitan akong mag-extend dahil konti lang ang mga nurses on duty. Ayos lang din naman dahil extra income din naman.

Nag-take out nalang ako ng pagkain bago umuwi. Hindi ko na dinala ang sasakyan dahil kung gagamitin ko iyon kailangan ko pang magpa-gas. Dinadala ko lang naman iyon kapag madaling araw na natatapos ang shift ko. 

Instead of taking the bus, I walked instead. Kahit na twenty minutes ang paglalakad ay ayos lang din. Kaya pa naman ng katawan ko. Hindi ko 'to magawa sa umaga dahil kadalasan maaga ang duty ko. Atsaka tuwing day off ko naman ay hindi naman ako nagigising ng maaga dahil sinusulit ko ang tulog na walang istorbo.

Pagdating ko sa bahay, I did my usual routine. Nang kumakain na ako ay sinubukan kong tawagan si Mama dahil hindi siya nagre-reply sa mga message ko. Mabuti nalang at sinagot niya.

"Hi Mama! Paalis ka ba?" bungad ko sa kanya. Bihis na bihis ka siya.

"Hello Maggy! Oo may ime-meet kasi akong supplier ngayon. Kakauwi mo lang ba?"

"Opo Ma. Nag-ot na naman po ako sa shift ko. Nagkita na po ba kayo ni Tito Mau?"

"Oo anak. Salamat nga pala sa mga pinadala mo. Ang sabi ko naman sayo ay hindi ko naman kailangan ng mga mamahaling bag. Dapat ay iniipon mo nalang ang kinikita mo diyan" I smiled at her. Ngayon na nga lang ako nakakabawi kay Mama eh.

"Okay lang po Ma. Minsan lang naman po eh" napansin niya na kumakain ako.

"Bakit parang pumayat ka lalo, Maggy? Ang konti naman ng kinakain mo"

"Ang taba ko kaya sa personal Ma! Tanungin mo man si Tito Mau" pabiro kong sabi.

"Huwag mong papabayaan ang sarili mo lalo na't mag-isa ka nalang diyan. Huwag mong hahayaang magkasakit ka ha?" 

"Opo Ma. Kayo rin po. Ayaw mo ba talagang pumunta dito Ma? May pera-"

"Hindi na Maggy. Okay naman ako dito"

"Basta kapag may kailangan ka Ma sabihan mo lang ako ha? Miss na kita" napangiti siya sa sinabi ko.

"Miss na miss na din kita Maggy. Just tell me if you want to go home already. Hindi na kita pagbabawalan" 

"Baka matagalan pa po Ma. Sige na po baka ma-late na kayo. I love you Ma!"

"I love you too Maggy. Mag-iingat ka" pinatay ko na ang tawag pagkatapos. I am also done eating kaya I washed the dishes before brushing my teeth. When I tucked myself to bed, hindi halos ako dalawin ng antok. I tried watching a movie but I found it boring kaya kaagad ko ring tinanggal. I closed my eyes and I still couldn't sleep!

I grabbed my phone and downloaded Facebook and Messenger. Maybe it's time to regain my social life? Ever since I left, hindi na ako naging active sa social media. Tanging Whatsapp lang ang naka-download sa phone ko na ginagamit ko para ma-contact sila Mama at Blair sa Pilipinas.

I tried to recall my Facebook Password. After how many attempts, I was able to reactivate my account! Kaagad kong minessage si Blair.

Ako: 

I'm back :P 

Hindi siya active. Busy siguro siya sa pag-aaral niya. I scrolled over my news feed. I am happy to see some of my old classmates enjoy their lives. May mga nakapag-travel na sa iba't ibang lugar. Mayroon ding mga kinasal na at may mga anak na. Ang iba naman ay bigatin na. 

I stopped scrolling when I saw a photo of Cede. Nakatalikod siya at ang background ay ang sunset. Mas pumayat siya kumpara sa dati. Mas mahaba na ang kanyang buhok na kulot. His caption was...

After The SunsetHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin