"Sigurado ka bang magiging okay ka lang dito?" tanong ni Tito Mau sa akin. 

"Oo naman Tito! Hindi na po ako bata" sagot ko naman sa kanya. Kaagad naman niya akong niyakap.

"Mamimiss kita, Maggy. Magpakabait ka ha? Kapag may problema tawagan mo lang ako. Babalik ako kaagad dito sa California" 

"Tito naman!" tinawanan lang niya ako. 

"Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo?" tanong niya ulit sa akin.

"Hindi na, Tito. Sige na po. Ingat po kayo! Paki-check nalang po palagi si Mama. Baka nalulungkot siyang mag-isa"

"I will Maggy" I watched him go inside the airport before leaving. Nang makita na nakapasok na siya ay pumunta na ako sa sasakyan. Tito Mau is going back to the Philippines. He will stay there for good. Nauna lang na umuwi sa kanya si Tita Eula dahil kinailangan pa ni Tito Mau na asikasuhin ako dito. Dapat ay magkasabay silang dalawa pero mapilit si Tito Mau. Nagpaiwan pa siya.

Nagsimula na akong mag-drive pabalik ng ospital. Nakipagpalit ako ng schedule dahil dapat ay maaga ako ngayon. But then I wanted to send Tito Mau off to the airport. Mabuti nalang at pumayag sila. Hindi naman din ako uma-absent sa trabaho. Madalang na madalang lang. Kulang nalang ay sa ospital na ako tumira.

It has been five years since I migrated here in California. I was offered a scholarship to study Masters in Nursing. I was hesitant to take the offer at first but my parents convinced me to accept it. Ayaw ko sanang tanggapin kaya lang sayang naman kung tatanggihan ko iyon. Bihira lang din ang mga nabibigyan ng ganitong oportunidad at hindi lahat nabibigyan. 

It was not easy. I experienced discrimination because of my nationality. There came a point in my life when I wanted to quit studying and just go back home. But then, I couldn't shoulder the expenses. So I had to bear with it. While studying, I had a part time job. I was a service crew on a fast food chain. As much as I wanted to apply in the hospital, hindi kaya dahil full time and kailangan nila. 

I finished my masteral degree in two years. Nang matapos ako ay kaagad naman akong nag-apply sa ospital. Hindi ako tinatanggap dahil kailangan ko pang maging licensed nurse doon. I took the NCLEX-RN Exam. Laking pasasalamat ko nalang at pumasa ako sa unang take. Kaya kaagad din akong nakapagtrabaho sa ospital.

Ibang-iba ang ospital dito at ang sa Pilipinas. Kung sa Pilipinas ay 1 nurse is to 30 or above patients, dito ay hindi ganoon. Kaya hindi masyadong nakakapagod ang trabaho. Pwera nalang talaga kung may emergency cases.

Pagdating sa ospital ay pinark ko na ang sasakyan. Nag-biometrics muna ako bago linagay sa locker ko ang aking gamit. Nang matapos na ako kaagad akong pumunta sa Nurse Station.

"Buti ngayon ka naka-duty?" si Krystel iyon. Isang pinay nurse na kasama ko sa trabaho.

"Hinatid ko si Tito sa airport" sagot ko sa kanya.

"Iiwan ko na sayo 'to. Hintayin mo nalang ang instructions ng mga doctor nila" sabi pa niya. Hindi namin maiwasang hindi magsalita ng Filipino. Mabuti nalang at kami lang dalawa ang nasa nurse station ngayon. Ang iba siguro ay kasama ang mga doctor sa pagra-rounds.

"Thanks, Krystel"

"I'll go na. Hinintay lang talaga kita bago umalis. Tapos na ang duty ko. At eto nga pala chicken nuggets. Alam kong paborito mo" sabi niya sa akin sabay abot ng isang paper bag.

"Thank you! Ingat ka" umalis na siya pagkatapos. Pumunta muna ako sa locker para iwan ang bigay ni Krystel na pagkain. Hindi pa naman ako nagugutom. Inabala ko ang sarili ko sa pagtingin sa mga patient charts. Ang iilan ay malapit ng ma-discharge habang ang ilan naman ay kakatapos lang operahan. Nang dumating ang isang doctor ay sinamahan ko siya sa kanyang rounds.

"If you feel any pain, you can ask the nurses to check on you so that they can give you pain relievers" sabi ng doctor na kasama ko sa pasyente niya.

"Thanks, Doc" sagot naman nito. Ganon lang ang naging takbo ng duty ko. Hindi nga lang ako nakakain sa tamang oras dahil may mga emergency patients na kailangang daluhan. Overtime na naman tuloy ako.

Pagod na pagod akong pumasok sa sasakyan ko at nag-drive pauwi. Pagdating sa bahay ay kaagad na akong kumain dahil gutom na gutom na talaga ako. After that naligo na ako then nag-blow dry ng buhok dahil inaantok na ako. 


Ako:

Kakauwi ko lang po Ma. 


Palagi kong mine-message si Mama simula nang mahiwalay ako sa kanila. Mas naging madalas lang ito simula nang mawala si Papa. His death was unexpected. I wanted to go home pero ang sabi ni Mama ay huwag na daw. My father's last wish was "It's time to choose yourself Maggy. You don't have to worry about us". He died two years ago. Ever since his death, Mama kept herself busy. Mas naging workaholic pa siya kumpara sa dati. Gusto ko nga sana na tumigil na siya sa pagta-trabaho pero ayaw niya daw umasa sa akin. Hinayaan ko nalang. I even offered her money so that she can start her own business pero she refused. Ma-pride yata ang Mama ko. 

Kinabukasan ay maaga ako sa ospital. Balik na sa dating oras ang duty ko. Bumili nalang ako ng almusal sa cafeteria dahil hindi naman ako masyadong nagluluto sa bahay. Palaging bumibili lang ako ng pagkain. It's costly on my part pero mag-isa nalang naman ako dito. Atsaka isa pa, okay na rin iyon dahil pagod na pagod ako sa trabaho ko.

Kakain na sana ako nang biglang may tumawag sa room 2345. I groaned. Tumayo na ako at dumiretso sa kwarto na iyon.

"She has a fever" pagpapaliwanag sa akin ng kasama niya. I checked her temperature and it was 38.5. Bumalik ako sa nurse station para kumuha ng gamot sa lagnat.

"Let her eat first before giving her the medicine. I'll check her again after four hours" sabi ko sa kasama niya.

"Thank you"

"Please don't hesitate to press the buzzer again if you need anything" sabi ko bago bumalik sa nurse station. I noted it on the patient's chart baka makalimutan ko pa. Kapag tumaas pa lalo ang lagnat niya ay kailangan ko ng i-notify ang doctor niya kaagad. After that, kumain na ako ng breakfast ko ng mabilis because who knows? Baka mamaya ay kailanganin na naman ako.

"Good Morning!" bati ni Nerizza sa akin.

"Good Morning! Are you joining me today?"

"Yes...Are you done with breakfast already?" tanong niya sa akin.

"Almost.." pinuntahan naman niya kaagad ako at linapag ang pagkain niya. She offered me some but I refused.

"Did you here the news?"

"About what?"

"There's a new nurse that will be assigned in our station. I heard he's a Filipino like you. I think you'll get along well"

"Did you see him already?" 

"He's handsome! I just hope that he's good in work" kung gwapo baka naman pwedeng jowain ko nalang? Ang tagal na ring walang lalaki sa buhay ko. Baka naman pwede ko ng buksan ang puso ko sa iba.

"I hope so..." after eating breakfast, Nerizza had to check on some patients. Doctor's order. While I stayed on the nurse station because of the paper works I need to do. After four hours, I checked the patient again who had a fever earlier. Mabuti nalang at bumaba na ang lagnat niya. Pinainom ko ulit siya ng gamot sa lagnat.

"Maeve!" tumatakbo si Nerizza papunta sa akin. Kakalabas ko lang sa kwarto ng pasyente.

"Why are you in such a hurry?" 

"I just saw the new nurse again. You should see him!" kaagad niya akong hinila. Wala akong naging choice kung hindi ang sumunod sa kanya. 

"There he is!" excited na sabi sa akin ni Nerizza. Ngunit bago pa man ako makatingin ay biglang may dumaan sa harap namin kaya hindi ko nakita ang mukha ng sinasabi ni Nerizza. Nakatalikod na siya sa amin at pasakay na ng elevator.

"He's handsome right!? I am willing to cover other nurses' shifts just to be with him!" sabi pa niya. Hindi ako makasagot dahil hindi ko naman nakita ang mukha ng lalaki. Kapag nag-start na siya sa trabaho makakasalamuha ko naman siya palagi. 

"Let's just go back to the station before the Head Nurse starts to scowld us" sabi ko sa kanya. Nauna na akong naglakad pabalik.


After The SunsetWhere stories live. Discover now