22

15 1 0
                                    

"Aalis ka?" tanong ni Mama ng makita akong nag-aayos. 

"Magsisimba po atsaka baka mag-mall pagkatapos" sagot ko sa kanya. Naglagay ako ng konting lip tint sa aking labi. Nakasuot ako ng nude na oversized shirt at pinarisan ko ito ng high waist na faded jeans. Nag-sandals ako na kulay nude din. 

"Ito ang pera. Sinong kasama mo?" sabay abot sa akin ng isang libo. 

"Yung anak po ni Tita Elisha" tumango na lamang siya. 

"Liniligawan ka ba niya?" Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. 

"Mag-kaibigan lang kami Ma. Atsaka kababata ko 'yun. Bumabawi lang siya sa akin dahil ang tagal naming hindi nagkasama" parang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko. Sa totoo lang, hindi ko pa naisip yung ganon. Maku-kuntento ako sa kung anong meron kami sa ngayon. Atsaka hindi pa ako handa sa ganoong bagay. 

Paglabas ko ng bahay ay bumungad sa akin si Cede. Naka-black slacks, puting t-shirt at black leather shoes. Nakasandal siya sa kotse. 

"Magse-serve ka?" tanong ko sa kanya pagkalabas ko ng gate namin. 

"Oo..Huwag kang mag-alala may extrang damit naman ako sa sasakyan. Baka mahiya kang kasama ako mamaya sa mall" pang-aasar niya sa akin. Inirapan ko nalang siya. Pinagbuksan niya muna ako ng pinto bago siya pumunta sa driver's seat. Malapit lang ang simbahan sa amin. Kung tutuusin ay kaya naman naming lakarin iyon. Pero nagyaya kasi siyang lumabas. Mahirap naman siyang tanggihan. Atsaka isa pa, libre naman niya. Bakit pa ako hihindi di ba?

"Si Tita Elisha?"

"Mamayang 10:30 nalang daw siya magsisimba..." tumango na lamang ako. Madalas kasi ay kasama niya daw si Tita. Pagdating sa simbahan ay pinark niya ang sasakyan. Bumaba na kami. Kinuha niya muna ang paper bag na naglalaman ng damit niya na gagamitin niya sa pagse-serve bago sinarado ang sasakyan.

"Ikaw na ang humawak ng susi. Pagkatapos ng misa diretso ka nalang dito" sabi niya pa. Tumango na lamang ako sa kanya. Naghiwalay muna kami ng landas pagdating sa simbahan. Pumasok na ako doon habang siya naman ay dumiretso sa sacristy. Napatingin ako sa oras at sampung minuto nalang magsisimula na ang misa. Hindi kaya siya mapapagalitan?

Ang alam ko ay may sinusundang panuntunan ang mga nagse-serve sa simbahan. Hindi nga lang niya nabanggit sa akin. Kung magyayaya pa siya sa susunod na magsimba, dapat pala ay agahan ko. Nakakahiya naman din sa kanya! 

Nagsimula na ang misa. Sa tuwing lumalabas si Cede ay napapatingin ako sa kanya. Maggy umayos ka nga! Nandito ka para magsimba at hindi para panoorin si Cede sa kung anong gagawin niya. 

Pagkatapos ng misa ay tumingin muna ako sa mga nagtitinda sa malapit. Mayroong nagtitinda ng taho. Gusto ko sana kaso naalala ko buo ang pera ko paniguradong wala siyang panukli sa isang libo lalo na't maaga pa. Dumiretso nalang ako sa sasakyan. Hinayaan ko munang nakabukas ang pinto dahil hindi ko naman alam paandarin ito. Isa pa, maalinsangan din. Linibang ko na lamang ang sarili ko sa pamamagitan ng pagce-cellphone habang hinihintay siya. Matapos ang paghihintay ay bumungad sa akin si Cede na naglalakad na papunta sa sasakyan. Naka puting dress shirt na siya ngayon na nakatupi hanggang siko niya. Ang pormal niya tuloy tignan! Sana pala nag-blouse nalang ako nakakahiya!

Pagkaupo niya sa driver's seat ay binigay ko sa kanya ang susi. Linagay niya muna sa back seat ang paper bag na hawak niya. Pagkatapos ay pinaandar na niya ang sasakyan. 

"Where do you want to eat breakfast?" tanong niya sa akin habang nagda-drive.

"Ikaw ba?" tanong ko pabalik. 

"Sa Mcdonalds nalang gusto ko ng pancake" I just nodded. Tahimik lang kami buong biyahe. Kung hindi pa niya binuksan ang radio ay sobrang tahimik pa rin.

After The SunsetTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang