Mas matagal ang naging hospital tour namin ngayon kung ikukumpara noong isang araw. Inabot kami ng tanghalian dahil mas malaki ang pribadong ospital na ito. Mas madami din ang facilities at hanggang limang palapag ang mga gusali. 

Kasalukuyan kaming tinuturuan kumuha ng blood pressure ng isang nurse. Nakatitig lang ako sa kanya habang nagbibigay siya ng instructions. Mayroong mga nag-volunteer na susubukan daw. Pumayag naman ang nurse. Matapos ang ilan ay ako naman ang sumubok. Kabado pa ako ng una dahil natatakot akong magkamali.

"120/80 po" sabi ko sa nurse. Chineck niya pa ulit kung tama nga ako.

"Tama nga" ngumiti siya sa akin.

"Mahirap po ba ang maging nurse?" tanong ko sa kanya. Umalis na ang ilan sa mga kasama ko dahil pinanood naman nila kung paano ang tamang paraan ng pag cpr.

"May iba't ibang pananaw ang mga tao patungkol diyan. Pero para sa akin hindi naman mahirap dahil gustong gusto ko ang trabaho ko. Nakakapagod nga lang madalas dahil maraming pasyente na kailangang alagaan. Masaya ako sa pagiging nurse dahil araw-araw iba't ibang tao ang nakakasalamuha ko. At ang isa sa mga napakasarap na pakiramdam bilang isang nurse ay ang makita mo ang mga pasyente mong gumaling" kitang kita ko ang saya sa kanyang mga mata habang sinasagot niya ang tanong ko. Kapag kaya nalaman ko na ang gusto kong maging profession paglaki magiging ganito din kaya ako kasaya? 

"Lipat na po ako doon. Thank you po!" sabi ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin at nagpaalam na rin dahil kailangan na niyang bumalik sa Nurse Station. Kasalukuyang ipinapakita sa harapan ang tamang pag cpr. Tumabi ako kay Cede na nakatayo sa gilid.

"Saan ka kanina?" tanong niya sa akin.

"Kausap ko yung nurse na nagturo kung paano kumuha ng bp. Madali lang pala! Mukha lang mahirap. Eh ikaw?" tanong ko sa kanya.

"Wala nandito lang ako. Kanina pa kita hinahanap akala ko kung saan-saan ka nagpunta.

"Hindi nalibang lang ako" gaya ng nakagawian ay may iilang nagvolunteer para gawin ang cpr. Halos tama naman silang lahat. Nang matapos iyon ay pinapunta na kami sa pinaka conference room ng ospital. Malapit lang ito sa gym. Ngayon ko lang nalaman na pwede palang magkaroon ng gym sa ospital!

Pinakain muna kami ng lunch. Kasama ko si Cede, Hanes at Ian. Mabuti nalang talaga at hindi ako hinahanap ni Ma'am Rowena. Hindi ko kasi talaga ka-close yung mga schoolmates ko kaya kina Cede ako sumasama palagi.

"Ayaw ko na.." napalingon naman ang tatlo sa akin. Ang lunch na ibinigay sa amin ay Chicken Fillet, Sipo Egg at Kanin. Sa drinks at dessert naman ay maaari kang pumili. Tubig at Fruit Salad ang sa akin.

"Ang hina mo namang kumain Gabriella! Kaya nangangayayat ka eh!" sabi ni Ian na patapos na sa Leche Flan.

"Ubusin mo yung ulam. Sayang naman. Alalahanin mong maraming batang nagugutom sa lansangan ngayon! Bawal ang magsayang ng pagkain" dagdag pa ni Hanes. Wala akong nagawa kung hindi ubusin ang ulam. Nang maubos ko ay kinain ko na ang Fruit Salad.

"Akin na yung pinagkainan mo Maggy ako nalang ang magtatapon" sabi sa akin ni Cede. Binigay ko naman sa kanya iyon. Sinama na rin ni Hanes at Ian ang kanila. Natawa nalang ako kay Cede na ngayon ay nakabusangot na. 

"Dapat palagi ka naming kasama Gabriella!" sabi ni Hanes.

"Bakit naman?"

"Syempre nauutusan namin si Jack ng hindi nagrereklamo..." humalakhak ako sa sinabi niya. Kakabalik lang ni Cede at may dala siyang fruit salad.

"Akin nalang 'yan Jack. Kuha ka nalang ulit" pang-aasar ni Ian. Hindi siya pinansin ni Cede na ngayon ay kumakain na ng fruit salad. Pagkatapos kumain ay nagpaalam muna akong mag-restroom. Pagbalik ko sa conference room ay nakaayos na ang mga upuan. Magkakasama na rin ang mga magkaka-grupo.

After The SunsetWhere stories live. Discover now