Chapter 1:

8.6K 287 82
                                    

Bleu's POV:

Naupo ako sa isang mahabang sofa habang nakaupo naman si Daddy sa katapat na sofa ng inuupuan ko.

"Dad, you can't do this to me. Kababalik ko lang.", I said in disbelief.

Kakarating ko lang from Bukidnon few hours ago tapos kailangan ko patulugin ang dalawang anak ko just because kakausapin daw ako ni Daddy.

Imagine going back after being gone for 5 years tapos isang kakaibang welcome back ang madadatnan mo?

"You promised me na hindi ka magrereklamo as long as sundin ko ang hiling mo 3 years ago.", sagot niya sa akin.

I can't believe na tototohanin niya 'yon tapos naaalala niya pa.

"I know, Dad. Pero kararating ko lang, that fast?", reklamo ko, ayoko rin talagang pag-usapan. Baka makalusot pa ako.

Huminga siya ng malalim.

"I've talked about it with my kumapare kahit no'ng ando'n ka pa sa Bukidnon. Just marry his son para may katuwang ka sa pagpapalaki ng mga apo ko."

Napahilot ako sa aking sentido. Eto 'yong bungad niya sa akin pagka-uwi ko mismo, jusko.

It's not the first time that I've been set up to marry his kumpare's son, una ay nireto ako sa panganay but then kinasal na raw, kaya ngayon sa bunso naman ako nirereto.

Me and my father made up after the huge fight that happened between us no'ng nabuntis ako. Pa'no kami nagkaayos? Natunaw ang matigas niyang puso nang ipinanganak ko si Tobi, my youngest child.

I made a promise to him na gagawin ko lahat ng gusto niya just to grant me a wish, and that's the reason kung bakit kinukulit niya ako ngayon na e-meet next week 'yong anak ng kumpare niya na kababalik lang daw sa US para daw we can get to know each other before proceeding sa engagement namin.

He told me na ikabubuti raw iyon ng kompanya namin at para rin daw may katuwang na ako sa buhay. Hindi ko alam kung saang telenovela ako sumali pero pumayag ako dahil I was desperate at that time.

Ang hiniling ko sa kanya, 3 years ago... Is my eldest child.

It's to legally adopt Laine.

I promised to come back para kunin siya and yes, I kept that promise. Matatanda na rin ang mga magulang ni Kevin, hindi rin mabantayan ng mga kapatid niya si Laine kasi hindi nila makasundo ang bata kaya I had to do something. Humiling ako kay Dad na payagan maging adopted daughter ko si Laine, ayaw niya talaga no'ng una hanggang sa maisip niya 'yong kapalit ng pagpayag sa kahilingan ko.

Binibisita pa rin naman namin from time to time ang mga magulang ni Kevin, binibista ko rin si Kevin kasama si Laine at Tobi.

"Okay, okay. Just tell me where to meet him next week."

My plan is gawing kakuntsaba 'yong anak ng kumpare niya, malay mo hindi niya rin kagustuhan ang engagement diba? If we both don't agree then walang kasalan na mangyayari. Masyado na akong matanda para sa ganito, I should have my own decisions, I'm only doing this kasi I made a promise.

No'ng una pa lang talaga actually ay naka plano na pakakasalan ko 'yong panganay ng kumpare niya once I turned 21, they started planning it out ng malapit na akong grumaduate, that's one of the reasons kung ba't galit na galit siya sa akin nang malaman niyang buntis ako. Apparently, kinasal 'yong panganay kaya akala ko 'di na matutuloy tapos may bunso pa pala, h*yop na 'yan.

Ibahin na natin ang usapan kasi nakakastress isipin.

Me and my kids have our own place. Bago kami makauwi ay naka-arrange na lahat. Dito lang kami dumeretso sa bahay nila Dad kasi marami-rami pa kailangan ayusin doon sa bahay namin.

Wanted: Father of my Child (BOOK #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon