Chapter 9:

4.8K 191 76
                                    

Claire's POV:

*Years Ago*

"Nagawa mo ba iniwan kong assignment para sa'yo last time?", tanong ko sa kanya sabay napatingin ako, nagulat ako ng nakapangalumbaba siyang nakatitig sa mukha ko.

Na-conscious ako sa titig niya kaya napahawak ako sa mukha ko, may dumi ba mukha ko?

"B-bakit?", nagtataka kong tanong sa kanya.

He shrugged.

"Wala, ang ganda ng mga mata mo pero ang lungkot tignan.", sagot niya.

Napalunok ako ng laway.

"A-ahhh, akala ko anu.", tanging nasabi ko.

"Ilabas mo na 'yong pinagawa ko sa'yo last time, I'll check it.", pag-iiba ko ng usapan.

I've been tutoring this guy for almost a year now, pasaway siya at hindi pumapasok sa mga klase niya most of the time, his family can't control him kaya kailangan nilang kumuha ng magtu-tutor sa kanya sa bahay sa weekends, his brother is my senior sa University and we knew each other, kaya he recommended me to their parents to do the job kasi kailangan ko rin ng pera.

Nilabas ko sa bag ko 'yong mga libro na kailangan ko para sa lesson namin ngayon,

"What's making you sad and lonely?", natigilan ako sa biglang tanong niya, napaangat ako ng tingin sa kanya.

Wala akong maisagot. Bigla niya akong nginitian,

"Ang ganda mo."

Hindi ko inaasahan 'yong sinabi niya kaya napakagat ako sa ibabang labi ko at pinigilan ang sarili kong mapangiti pero ang hirap, kaya napaiwas ako ng tingin at patagong napangiti. 

Magtigil ka Claire, ayan ka na naman! This guy is 2 years younger than you.

"I hope you could smile more often, you look way prettier if you do."

Doon na namula ang mga pisngi ko sa banat niya, nahuli niya pala akong ngumingiti.

This is bad, kaya nahihirapan akong magturo the past few weeks, he's making me feel things na hindi pwede... Something very wrong.


"Kumusta pagtuturo sa kapatid ko?"

Gulat akong napalingon sa likuran ko at nakita si Zane, bumaba ako saglit para uminom ng tubig.

Nginitian ko siya.

"He's actually smart, gaya ng sinasabi ko sa iyo noon pa man when I started to tutor him. He doesn't need a tutor, he's just lazy."

Sinasabi ko na kay Zane noon pa man na hindi kailangan ni Zach ng tutor, pero he insisted na ipagpatuloy ko lang pagtuturo ko kay Zach.

"I know, just continue doing it.", sagot niya sa akin.

"I've been wondering, alam mong he doesn't really need a tutor, pero why do you keep insisting na I should tutor him still?", natanong ko na kasi nacu-curious na rin ako.

I actually wanna stop tutoring Zach already, hindi ko na nagugustuhan ang nararamdaman ko para sa kanya.

"Alam kong may scholarship ka sa University, but I heard your mother is in the hospital right now. You need it, this job."

Napahawak ako ng mahigpit sa baso ng tubig sabay napayuko.

Alam niya pala. Si Mama, she adopted me when I was still very young, siya lang meron ako.

"At isa pa... "

Napabalik ako ng tingin sa kanya, at isa pa?

"Isa pa?", tanong ko.

Wanted: Father of my Child (BOOK #2)Where stories live. Discover now