Chapter 16:

4.2K 156 17
                                    

Bleu's POV:

Nothing really special happened sa pre-wedding shoot namin ni Zach, maliban sa may pa-solo shoot ang ninong niyo na naka full-white tuxedo  kasi nag-request 'yong photographer at make-up artist kasi artistahin daw.

'Yong make-up artist namin kahapon pala is a previous personal make-up artist ng isang artista which is already retired right now, he's very close to that artist na nag quit din siya after that actress' retirement kung kaya't nag change path siya sa trabaho niya ngayon. Suma-sideline nalang siyang makeup artist.

Binigyan pa nga ng calling card si Zach, telling him na to call if gusto niyang mag-artista hahaha pero Zach declined, mukhang it's not the first time na nakatanggap siya ng offer na gano'n kasi hindi siya nagulat or something.

Well, I'm not even surprised, he's attractive, talented at may aura talaga siya na he's going to be really popular if ever mag-aartista siya, sikat nga siya sa mga babae kahit hindi artista.

Busy ako sa pagtutupi ng mga damit ni Tobi at Laine sa sala kasi nakakatakot itupi doon sa taas kasi ako lang mag-isa, medyo malaki 'tong bahay para sa amin ng mga anak ko.

"Bleu... "

Napalingon ako sa pintuan nang marinig ang boses ni Dave.

Taas kilay akong napatingin sa kanya kasi hinahabol niya 'yong hininga niya. 'Tong g*go na 'to, ngayon ko lang nakita ulit, hindi nagpaparamdam bigla.

"Hinahabol ka ba ng aso? Ba't hingal na hingal ka?", itinigil ko ang pagtutupi at isinantabi muna ang mga iyon.

Parang zombie siyang nagtungo sa akin tapos tinapon 'yong sarili niya sa sofa.

Galing marathon ba siya? Pawis na pawis rin siya.

Dave's POV:

Buwis buhay akong nagpunta dito kina Bleu kasi t*ngina sinusundan pa rin ako ng kumikinang na babaeng 'yon, mas masakit pa sa araw tignan.

Tago ako dito, tago doon. Bilis ko pang nag-drive kasi gusto niya raw ako samahan kung saan ako pupunta, kung saan-saan pa ako lumiko para lang mawala niya ako sa paningin bago ako nakarating dito sa bahay ni Bleu.

'Pag kasama ko ang babaeng 'yon, kung anu-ano nalang ka-weirdohan ang ginagawa. Kahapon, inaway niya 'yong bato kasi natapilok siya dahil dito.

"Tinakbo mo ba papunta sa bahay ko?", nakakunot na noo na tanong ni Bleu kasabay inabutan ako ng isang basong tubig.

"Para ka namang may utang tapos hinahabol ka kasi 'di ka pa nagbabayad.", patuloy niya.

Tinignan ko siya ng matagal kasi nag-iipon muna ako ng hininga bago siya sagutin nang biglang nanlaki nalang mga mata niya, sabay napasinghap.

"Don't tell me it's true?", 'di makapaniwalang tanong niya.

Naupo siya agad sa tabi ko at napahawak sa braso ko, ininom ko naman ang tubig.

Heto na naman siya sa mga wild imaginations niya, hindi lang ako nakasagot agad, nag-assume na siyang totoo ang iniisip.

"Hoy! Totoo? May utang ka? Alam ba ng parents mo? Ni Tito?",  sabay alog niya sa mga braso ko.

Isa pa 'tong weird, buti kaibigan ko... Buti mahal ko.

"Oo, may utang ako.", sarcastic kong sagot.

Napatakip siya sa bibig niya.

L*ngya 'yan? Sarcastic na nga sagot ko?!

"Ba't ka may utang? Magkano?"

Inubos ko ang tubig saka ibinaba ang baso, hinarap ko siya.

Wanted: Father of my Child (BOOK #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon