Chapter 10:

4.7K 176 18
                                    

Claire's POV:

*Years ago*

"Gusto kita.", parang kandila na unti-unting natutunaw na pag-amin ko sa kanya.

"I heard Zane is pursuing you?", malayong sagot niya sa tanong ko.

"Zach, believe me! Wala akong kinalaman sa paghihiwalay nila ni Althea, ni hindi ko kilala kung sino ang babaeng 'yon not until recently."

He smirked as if hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Nakapamulsa siyang nakasandal sa railings ng terrace nitong kwarto niya.

"I'm not expecting you to believe me, and I'm not also expecting you to give me a response sa confession ko. I'm 2 years older than you, I feel like it's so wrong to like you kaya sinasabi ko sayo ngayon... Hoping, gagaan loob ko ngayong nasabi ko na sa'yo ang totoo."

Sa hinaba-haba ng sinabi ko ay isang walang ka emo-emosyon na titig lang natanggap kong sagot sa kanya, his face is serious, his eyes looks cold.

Nanlumo ako ng sobra, ang sakit ng nararamdaman ko.

"W-why would you make me feel special and important just to make me feel bad right now?"

I've never seen this side of him, he was always bubbly, carefree, a man with smiles all the time, someone who'd always asks me every single time if I'm okay and that I look pretty. Just how important Althea is to him that she brings out this side of him and makes me feel worthless?

"This is my last day of tutoring you. Hindi kita pipilitin na paniwalaan ako. Thank you for being my escape and my shed of light in this life that forbids me to be happy."

Mariin kong kinagat ang dila ko para pigilan ang sarili kong maiyak, bago pa man ako tuluyang lumabas ng kwarto niya ay nilingon ko siya saglit habang mahigpit na nakahawak sa doorknob.

"Gustong-gusto talaga kita... ", basag boses ko na ulit sa kanya.

"Hindi kita gusto.", maikli niyang sagot at tinalikuran ako.

Napatango ako kahit hindi niya kita.

"Alam ko... ", sabi ko sa sarili saka lumabas na sa kwarto niya.

Nagmamadali akong lumabas ng bahay nila at pumara agad ng taxi, pagkasakay ko ay doon na bumagsak ang mga luha na kanina ko pa pinipigilang tumulo sa harapan ni Zach.

Hindi ko pinagsisihan na nagkagusto ako sa kanya, I won't blame him and his actions, katulad ko... Nagkagusto lang rin siya sa taong may gusto ng iba.

Habang pinupunasan ko ang aking mga luha ay biglang tumunog ang cellphone ko, when I checked it, it's a call from the hospital. Kinabahan na ako agad.

"H-hello?", nanginginig 'yong bibig kong sagot.

[Ms. Villanueva? I'm sorry... Your Mom...]

"Po?"

[She just passed away.]

And that's when my world shattered. Ang mundong pinaghirapan kong iligtas. It's totally destroyed now.

My heart that day broke to pieces and other million pieces. Its fragments were sharp like knife, it left a scar on me, it hurts so bad that it changed me into a different person... The person I am today. The person hated by everybody.

The world took everything from me. Everyone turned their backs at me, everyone left me, everyone I trusted. My real parents, the man I love, and the mother I only have.

I was left alone.

But then one person stayed.

Zane.

Wanted: Father of my Child (BOOK #2)Where stories live. Discover now