Chapter 8:

4.7K 182 44
                                    

Bleu's POV:

"Sigurado ka bang magiging okay lang?", nababahala kong tanong kay Zach habang nasa kusina ang mga anak ko na kumakain kasama si Dave.

Uminom siya ng tubig.

"Oo naman, ako pa ba? Di ba sabi mo okay lang malaman ng lahat ang tungkol kay Tobi? Let's do it slowly now."

Napainom naman ako ng kape.

We had a change of plans.

'Di ba last time, we talked about letting our marriage last for one year bago kami mag-divorce, but then Zach and I realized that it could totally affect Laine and Tobi, lalo na't attach na attach si Tobi kay Zach.

Nagbago ang plano, we don't want to get married at all, hindi namin mahal ang isa't-isa. I truly believe na despite bad things I heard about Zach, like babaero siya, he's a really nice and thoughtful guy but despite that I can't fall in love with him... No, not my ex's half-brother. Ayoko rin dumating 'yong araw na sugurin ako ng mga babae ni Zach, kahit strangely wala pa akong name-meet... Siguro doon ko lang malalaman lahat sa oras na mapuntahan ko tambayan niyang mga clubs.

I don't want to judge him, let him have fun at magbago ng sariling kusa.

The thing is, he wants to bring Tobi and Laine right now sa bahay nila, sa bahay kung saan ando'n rin si Zane at ang pamilya niya. He just told me na siya ang bahala sa lahat.

Nag-aalala ako sa takbo ng isip ng lalaking 'to, it doesn't looks like it pero he's really smart, may something rin sa kanya na parang maibibigay mo agad tiwala mo. That makes him scary.

"Pa'no kung makita ni Zane si Tobi?", tanong ko, he grinned as he leaned on the couch.

"That's the point, anong gagawin ng kapatid ko, anong magiging reaksyon niya? He needs to realize himself, na hindi lang si Shane anak niya. Wag kang mag-alala sa pamilya ko once everything falls into place, ako bahala sayo."

Confident na sagot niya sa akin. Hindi ko mapigilang kabahan sa iniisip niya.

"What's our advantage sa gagawin natin?", another question.

"Tinatanong pa ba 'yan? Hindi tayo ikakasal, makikilala ni Tobi ang totoo niyang ama... ", huminto siya at tinuro ang bandang dibdib ko.

"... Gagaan ang loob mo. You've been in pain for so long, you've held it in for years, it's about time that you free yourself from everything that's stopping you to spread your wings and fly."

Napaisip ako. Biglang dumaan sa isipan ko sila Mama at Papa, hindi na ako takot na malaman nila ang totoo.

"I'm trusting you then.", saad ko sa kanya and he gave me a salute.

Napatitig ako sa mukha niya, this guy is mysterious, mahilig lang ba talaga siya tumulong sa iba o may interior motive siya?

"Ayaw na ayaw mo sigurong itali 'no? Hindi ka na makakapaglandi freely?", biro kong tanong sa kanya.

"Hindi pa akong handang maging loyal sa oras na ikasal ako.", pabiro niya ring sagot, hindi ko tuloy mawari kung may katotohanan ang sagot niya.

"Have you never once fallen in love?", out of the blue na tanong ko pero napansin ko ang pag-iba ng mga mata niya at mabilis niya iyong tinago sa pamamagitan ng pagngiti niya.

"I'm 25, of course I have.", nakangiti niyang sagot sabay napainom ng tubig.

I tilted my head a bit to my right shoulder and gave him a look,

"Why do I feel like na mahal mo pa ang taong 'yon? You're fooling and flirting around while you're waiting for her, is that the real reason why you don't want to get married with me? You're waiting for someone."

Wanted: Father of my Child (BOOK #2)Where stories live. Discover now