Chapter 12:

4K 166 41
                                    

Bleu's POV:

"When was the last time your heart palpitated for someone else?"

"Now."

Kumunot ang noo ni Zach and confusion ruled over his entire face.

"Now?", kunot noo niyang ulit sa sinabi ako.

Bigla akong natauhan. Napaupo ako ng tuwid sa driver's seat.

"O-oo, I mean... How about now? Tumitibok pa rin ba puso mo sa taong 'yon?"

Napatitig siya ng iilang segundo sa mukha ko kaya todo iwas 'yong mga mata ko sa mga mata niya.

Bigla siyang natawa.

"Ang daya mo ah, tinatanong kita kung kailan ulit tumibok puso mo sa ibang tao tapos iibahin mo usapan?"

Napaiwas ako ng tingin, ang lamig ng gabi pero ang init ng nararamdaman ko, kulang nalang ay pagpawisan ako dito.

He suddenly placed his right hand on the top of my head, rason para maibalik ko ang tingin ko sa kanya.

"It's getting late. You should go, ingat ka.", saad niya.

Halatang iniiwasan 'yong tanong ko eh, eh 'di pareho kaming nag-iiwasan hahahah. But, that just confirmed na may gusto pa nga siya sa babaeng 'yon.

Inalis niya na ang kamay niya sa ibabaw ng ulo ko at umayos ng tayo.

Umatras siya ng kaunti palayo sa kotse ko.

"I'll visit Laine and Tobi one of these days, dadalhin ko sa bahay.", ani niya.

"Let me know by then. Una na ako.", sagot ko nalang kasi I'm getting uncomfortable with myself, with what I'm feeling right now.

Ngumiti siya.

"Ingat.", ulit niya sabay kumaway.

Pilit akong napangiti saka pinaandar na ang kotse para makauwi.

Habang papalayo ang kotse ko ay nagnanakaw tingin ako sa side mirror, nakatayo parin siya doon sa kinaroroonan niya and is watching me go, he stayed there hanggang sa hindi na siya mahagilap ng mga mata ko.

I placed my right hand on my chest, while my left hand is on the steering wheel.

Bakit ka ganyan? Why are you beating like crazy? Akala ko ba kay Zane ka lang tumitibok? What's happening? You're not supposed to beat like this with someone else... It's not like it's a sin or forbidden... You just can't.

Not with Zane's brother.

Claire's POV:

Naka dekwatro ako ng upo sa sala nang bigla siyang dumating. Sinundan ko siya ng tingin, napansin niya 'yon, kung kaya't napahinto siya sa paglalakad at napatingin sa akin.

"Oh?", taas kilay niyang bati sa akin.

I'm wondering if he knew already... Pinagmasdan ko siya sa mukha.

"Alam mo bang mas nakakakilabot pa sa mga horror movies 'yang titig mo sa akin?"

Napairap ako. Ang galing talaga manira ng araw.

"Have you met her?", tanong ko.

Kumunot ang noo niya.

"Her?", tanong niya pabalik.

"Althea."

Matagal siya bago makasagot.

He knew. Alam niyang bumalik na si Althea.

I have someone who's keeping an eye on Zane at work, she told me the other day na sa labas ng opisina ay may dalawang babae nakausap si Zane consecutively.

Wanted: Father of my Child (BOOK #2)Where stories live. Discover now