Chapter 18:

4K 170 27
                                    

Bleu's POV:

Nasa harap ako ng pintuan ng condo ni Zach ngayon, hindi ko alam kung kakatok ako o hindi.

Tumawag at nag-text ako sa kanya  pero hindi siya sumasagot kaya nagbabakasakali ako na andito siya ngayon.

Natutulog pa ba siya? I need someone na bantayan muna si Laine as of the moment, si Dave sana pero he's busy at the moment kaya hindi ko nalang dinisturbo.

Napaayos ako ng buhok ko saka ko naisipang kumatok, after I knocked two times ay nag-aantay ako na may bumukas ng pintuan pero wala.

Kumatok ulit ako.

Busy rin ba si Zach? Baka may lakad?

Should I knock for the last time? Let's just give it a try.

Tinaas ko ang kanang kamay ko para kumatok ulit, saktong katok ko ay bumukas 'yong pintuan kaya imbes na ang pintuan makatok ko ay isang matigas na bagay ang nadapuan ng kamay ko.

Napatitig ako doon sa nakatok ng kamao ko at unti-unti akong napanganga. Napaangat ako ng tingin sa kanya tapos pabalik sa kinaroroonan ng kamao ko.

"Bleu?", tawag niya sa pangalan ko.

Agad kong binawi kamay ko at tinago ito sa aking likuran. Hindi 'yon pinto Bleu, dibdib niya 'yong kinatok mo!

"Anong ginagawa mo dito?"

Binalik ko ang tingin ko sa mukha niya.

"Zach hahha... ", awkward kong tawa na tawag sa kanya.

"T-tinawagan kasi kita tapos hindi ka sumasagot, may hihingin kasi sana akong pabor.", nakatingin lang sa mukha niya na sabi ko.

'Wag mong ibababa tingin mo bruha ka, umayos ka diyan!

"Ahhhh sorry naliligo kasi ako.", sagot niya.

Kita ko nga, naka-robe lang siya. Nakikita ko 'yong dibdib niya tapos nahawakan ko pa, jusko Bleu, tinignan mo?

"Pasok ka.", aya niya.

Napaayos ulit ako sa buhok ko ng wala sa oras saka pumasok, siya 'yong nagsara ng pinto at dinala niya ako sa munting sala ng condo niya.

"Bihis muna ako.", nakangiti niyang paalam pagkatapos ako bigyan ng maiinom saka umalis papasok sa kwarto niya.

'Yong mga mata ko talaga sinundan siya ng tingin hanggang sa makapasok na siya sa kwarto tapos doon lang ako nakahinga ng maluwag, jusko, pigil na pigil paghinga ko kanina.

Ang lalaking 'yon, walang ka pake-pake, kulang nalang pagpawisan ako dito.

Tama ba 'yong nakita ko? Sa bandang kanan na rib cage niya may sulat na tattoo na hindi ko alam kung anong ibig sabihin pero it says, Amore Eterno.

Napailing nalang ako, inalis ko nalang sa isipan ko 'yon at baka sa'n pa mapunta.

Nilibot ko tingin ko sa sala niya at nakita ko na naman 'yong tula na naka-frame sa ibabaw ng TV niya.

Napatayo ako. Sa tabi ng TV niya ay may shelf ng mga libro, napalapit ako doon kasi there's a book that caught my attention.

Sa pinakatuktok no'ng shelf is nag-iisang libro lang na manipis at kulay itim. Medyo hindi ako matangkad, medyo lang naman kaya napa tingkayad ako para makuha 'yong libro, struggle siya besh pero naabot ko naman hahahha.

Binuklat ko ito at kumunot agad noo ko kasi wala... As in walang laman. Walang nakasulat sa libro.

"Ano 'to, design?", tanong ko sa sarili. Ibabalik ko na sana nang parang may nahagilap ako sa huling pahina, binuklat ko 'yon ulit and there goes a poem at the 2nd to the last page of this empty book.

Wanted: Father of my Child (BOOK #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon