Chapter 15:

4.4K 167 24
                                    

Bleu's POV:

Pagpasok ko sa loob ng cafe ay agad na naglaho ang mga ngiti ko nang maalala kong, I'm not here to drink some coffee and chill, andito ako kasi biglang gustong makipag usap ni Zane sa akin.

Nilibot ko ng tingin ang kabuuan ng cafe at agad ko nakita si Zane sa may gilid ko na may iniinom na juice habang seryosong nakatingin sa akin.

Ba't naman siya ganyan makatingin? Naaalala ko tuloy 'yong mga panahon na nagtuturo pa siya, ang terror tignan, nakakatakot kahit graduate na ako.

Nagtungo ako sa table na inuupuan niya at hindi pa ako nakakaupo ay bigla siyang napatayo, kinuha niya 'yong envelope na nasa ibabaw ng mesa at nilagpasan ako.

"Follow me.", rinig kong sabi niya bago niya ako malagpasan.

Ako naman 'tong nalilito sa nangyayari ay sinundan lang siya palabas ng cafe. Akala ko ba mag-uusap kami? Saan kami pupunta?

Sinundan ko siya hanggang sa huminto siya sa harap ng isang kotse na sa tingin ko ay sa kanya.

Binuksan niya 'yong pintuan ng passenger's seat at tinuro 'yong loob. Pinapapasok niya ba ako sa loob?

"Huh?", reaksyon ko.

"Get in."

"Ahhhh"

Nagmadali akong pumasok kasi ba't ba siya ganyan? Parang any moment ay mauubos pasensya niya. May kasalanan ba ako?

Sinara niya 'yong pinto ng kotse, ilang segundo lang ay sumunod siyang pumasok at naupo sa driver's seat.

"Anong pag-uusapan natin?", tanong ko agad nang makaupo siya kasi ayoko ng patagalin pa, parang lalabas na 'yong puso ko mula sa dibdib ko dahil sa kaba.

Tinignan niya ako saka inabot sa akin ang envelope, napatingin ako ng saglit sa envelope bago ko itong naisipang kunin, bago ko pa man mahawakan 'yong envelope ay bigla niya itong binawi at nilayo sa akin kaya napatingin ako agad sa mukha niya.

Nakakunot ang noo niya habang nakataas ang kaliwang kilay na nakatingin sa akin, to be specific ay sa suot ko.

Napayuko ako ng tingin sa suot ko, sa polo na pinahiram sa akin ni Zach. Nadumihan ba?

Binalik ko tingin ko sa kanya.

"Bakit?"

Pinanliitan niya ako ng mga mata at parang may gusto siyang itanong pero hindi niya tinuloy. Bigla siyang napailing sabay sabi ng mahina;

"No, this is not the right time for that.", rinig kong sabi niya sa sarili.

"Here, open it.", pag-iiba niya saka inabot sa akin ulit 'yong envelope, kinuha ko na agad bago niya pa bawiin ulit.

Binuksan ko ito at namilog ang aking mga mata.

"Y-you did a background check on me?", tanong ko sa kanya.

Nanginig ang mga kamay ko habang hawak-hawak ko ang litrato ni Tobi kasama si Laine.

"5 years ago, you suddenly left... You disappeared without a trace.", panimula niya.

Binalingan ko siya ng tingin habang ang tingin naman ni Zane ay nasa labas ng kotse.

"Hi... Hinanap kita."

Hinanap niya ako? He did?

"Hinanap kita pero I failed. I stopped looking for you when reality struck me na I'm already married... With a child. I asked myself, kung mahanap nga kita, anong gagawin ko? Sinagot ko 'yong sarili kong tanong, sabi ko na, gusto ko lang malaman kung kumusta ka... If you're doing well and safe pero alam kong I'mjust lying to myself. Hindi lang 'yon ang rason kung ba't hinanap kita noon. Huminto ako kasi kahit mahanap kita, hindi na tayo pwede."

Wanted: Father of my Child (BOOK #2)Where stories live. Discover now