Chapter 4:

5.2K 206 9
                                    

Bleu's POV:

Nakalipat na kami sa sariling bahay namin ng mga anak ko, my parents went to a business trip the day na nakabalik ako at pagkatapos akong kausapin ni Dad tungkol sa engagement  and they're coming back in 2 days para sa engagement party. It's time to meet the in-laws raw, ang messed up ng cycle ng engagement na 'to.

Sabi ko kay Dave na hindi niya na kami kailangan puntahan ng mga anak ko muna at bigyan ng time girlfriend niya pero eto siya sa kusina namin kumakain ng napaka malumanay, natutulog kasi mga anak ko kaya para siyang batang walang kalaro.

Napapansin ko ang down niya ngayong araw parang hiniwalayan lang eh... Teka, hiniwalayan?

Nilapitan ko siya.

"Hoy, 'di ba sabi ko quality time muna kayo ng girlfriend—"

"We broke up.", malumananay niyang putol sa sasabihin ko.

Palagi silang nag-aaway pero never sila naghiwalay, ngayon lang.

"Bakit? Anong nangyari?"

"It just happened.", may halong hinga ng malalim niyang sagot sa 'kin.

"Sigurado ka ba diyan? Ano ba pinag-awayan niyo this time at naghiwalay na talaga kayo?"

Walang kabuhay-buhay niyang sinubo 'yong kanin, sino ba nakipaghiwalay?

"Wala, nasasakal na ako tapos nakakapagod na."

Nasasakal raw pero ganyan reaksyon niya.

Naglagay ako ng tubig sa baso tapos inabot ko sa kanya, kanin lang kinakain niya walang ulam tapos wala pang nakahandang tubig, ganyan siya kasabog tignan ngayon.

Napailing nalang ako at hindi na nagtanong pa kasi private and personal na problema niya  na 'yon. Si Dave kasi if gusto niya e-share sa akin ay siya mismo magsasabi, base sa inaakto niya ngayon ibig sabihin niyan ayaw niya pag-usapan and it's better na 'wag siya pilitin.

Binuksan ko 'yong fridge at wala siyang laman maliban sa tubig tapos 'yong tropicana na binigay ni Zach kay Laine na hanggang ngayon hindi niya pa iniinom. Kailangan ko mag-grocery while tulog pa ang dalawang chikiting.

Sinara ko ang fridge at napatingin ako kay Dave.

"Mag gro-grocery ako, pakibantayan muna mga inaanak mo.", sabi ko sa kanya.

Ninong 'yan ng dalawa kong anak.

Nilingon niya ako, natauhan na ata sa pagiging sabog niya.

"Will you be okay alone?", tanong niya.

"Oo naman, wala naman masyadong pinagbago ang Makati."

"You're leaving now?"

"Yeah habang tulog pa ang dalawa."

Nakabihis na rin naman ako at may sariling kotse, kaya it's not that much of a hassle.

Bago umalis ay nagtanong pa ako kay Dave kung may gusto siyang ipabili o kainin para mabilhan ko siya tapos alam niyo sinagot? Soju daw, muntik ko ng hampasin ng upuan, iinom na naman eh.

Nagpunta ako sa pinakamalapit na mall, at nagpunta sa grocery area. Mapili sa pagkain ang dalawang anak ko kaya this time gusto ko bilhin ay mostly veggies para masanay sila, may natutunan rin kasi akong tricks sa pagluluto na kahit veggies siya eh kakainin ng anak mo without knowing na gulay ang mga ito,  and yes, marunong na akong magluto.

Si Laine hindi naman mahirap pakainin ng gulay, kay Tobi talaga mahirap kasi hindi niya raw gusto ang lasa.

Habang nililibot ko ang buong grocery store para sure talaga akong wala akong makalimutan ay napahinto ako sa frozen food section.

Wanted: Father of my Child (BOOK #2)Where stories live. Discover now