Chapter 20:

4.6K 173 46
                                    

Althea's POV:

Ang sakit sa mata ng sinag ng araw, kaya dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata, and found myself in an unfamiliar place.

Nilibot ko ng tingin ang paligid at huminto iyon sa lalaking katabi ko sa kama.

Nag-flashback lahat ng nangyari kagabi nang makita ko ang mukha niya.

Gusto ko tampalin ang noo ko, but I don't want to make any unnecessary movements baka kasi magising ko si Alucard.

Now that I look at him, this close, ang gwapo niya pala talaga. He's sleeping so peacefully, 'di ko mapigilang mapangiti.

When did it start na napapangiti ako ng ganito 'pag dumadaan siya sa isipan ko? Lalo na't ang lapit niya sa akin ngayon.

I saw how he scrunched his nose and eyes na parang magigising na siya kaya wala akong nagawa kundi magkunwaring tulog pa ako.

Ilang segundo after I closed my eyes ay naramdaman ko ang pagbangon niya mula sa aking tabi.

Sayang naman, kung alam ko lang, niyakap ko na ng mahigpit kanina. Ang bango niya kasi.

"Bumangon ka na diyan, alam kong kanina ka pa gising."

Nagulat ako sa sinabi niya kaya napamulat ako ng mga mata agad, nakaupo siya sa gilid ng kama habang nakatingin sa akin.

Nagkunwari akong nagulat at napabangon.

"Oh my god! Why am I here? Did you just... Me? You?", kunwaring pag-iinarte ko tapos I took turns na ituro siya at sarili ko.

"Umayos ka diyan, balot na balot tayo. Wala akong ginawa sayo."

Sa totoo lang kahit lasing na lasing ako kagabi, naaalala ko lahat ng kagagahan ko kaya nakakahiya.

"Then why am I here? Pinagsamantalahan mo innocence ko!", may sabay pa na yakap sa sarili kong sabi sa kanya tapos ang g*go, hinagisan ako ng unan.

"Innocence na pinagsasabi mo diyan? Gusto kita iuwi sa condo mo pero ayaw mo sabihin room number mo kaya kailangan ko pa tanungin 'yong front desk tapos nang nasa harap na tayo ng condo mo, ayaw mo ibigay password mo kaya wala akong choice at dinala kita dito sa aking condo", mahaba niyang explanation.

"Oh eh bakit ka tumabi sa akin? Ano ha? Bakit?"

"Untog mo ulo mo sa dingding nang maalala mo na kulang nalang mapunit damit ko dahil sayo kasi ayaw mo ako bitawan. Wala akong ginawa sayo, asa ka!"

Ako? Asa? Sa ganda kong 'to?!

"Hindi ako naniniwala, you have to take responsibility! Paano ko malalaman na nagsasabi ka ng totoo?", at this point binibiro ko nalang talaga siya, kasi nakakatawa mga reaksyon niya tapos defensive pa hahahahha

"Kahit malasing pa ako, I won't be tempted, so stop the delusion."

Teka, ang sakit sa pride ko no'n ah!

Patayo na sana siya ng hablutin ko 'yong collar ng suot niyang long sleeves dahilan para mapa-lean forward siya ng sobrang lapit sa akin.

"Sigurado ka? You won't be tempted? What if I tell you that I can seduce you kahit 'di ka pa lasing?", bulong ko sa tenga niya saka tinignan reaksyon ng mukha niya.

Binigyan niya lang ata ako ng tatlong segundo na tingin sa mukha bago niya pitikin noo ko pagkatapos tinulak ito ko gamit hintuturo niya palayo sa kanya.

"Asa.", maikli niyang sabi saka tumayo na.

Sinilip ko 'yong loob ng damit ko sa may dibdib na parte;

Wanted: Father of my Child (BOOK #2)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن