Special Chapter #1:

3.8K 112 12
                                    

Dave's POV:

Ubos na ang enerhiya ko. Kung saan-saan na ako hinila ni Althea at kung saan-saan na kami napunta, hindi ako makapag-reklamo kasi maliban sa maiinis siya sa akin ay baka hindi na naman ako pansinin ng mga ilang araw.

Alam ko, when did I ever care? Kailan ba ako nagka-pake kung maiinis siya sa akin o kung hindi niya ako pansinin? Ewan. Nagising nalang ako isang araw na kahit bwine-bwiset ako ng babaeng 'yon minu-minuto ay 'di ko siya dapat inisin pabalik. Tsk.

"Lika naaaaaa~ sayaw tayoooooo.", hinihila na naman niya ako.

Andito kami sa isang club, hindi ko rin alam kung ba't napunta kami dito, parang kanina lang nasa Mall kami.

"No, you can dance alone, okay? I'll just watch you here. I'm d*mn tired, Althea."

Kaninang umaga pa kami kung saan-saan napunta tapos anong oras na ba ngayon? Mag aalas-dyes na ng gabi.

Napahinto siya sa paghila sa akin kasi hindi talaga ako nagpapahila, binibigyan niya na naman ako ng masasamang tingin.

Eto na naman tayo, gusto niya talaga lahat ng gusto niya nasusunod.

Papayag na sana ako nang biglang huminto 'yong malakas na tugtog at nag-iba ang mga kulay ng ilaw.

Napatingin kami ni Althea sa mismong harap ng club at may nakalagay ng mga instrumento doon.

Nakalimutan ko, 'pag pala it's 10 in the evening sa club na 'to ay may tradition sila na may kakanta sa harap. Ang alam ko Zach used to sing a lot here noon, but then he stoped.

"It's 10 na pala?", sabay tingin sa screen ng cellphone niya na sabi ni Althea, saka napatingin sa akin.

"You're safe right now pero mamaya sasayaw ka pa rin kasama ko sa gitna. Restroom lang ako.", banta pa nito sa akin, wala talaga akong kawala.

"I'll go with you.", sabi ko at tumayo mula sa kinauupuan ko pero tinulak niya lang ako ng mahina paupo ulit.

"Ano ako bata? Sasamahan mo ba ako sa loob ng CR?"

"Sa labas lang ako. Maraming lasing, I can't just let you go alone.", kunot noo kong sabi.

"Anong akala mo sa akin? Easy target? Mas matakot sila sa akin kesa sayo, duh. Stay, okay?", may irap pa nitong sabi sa akin.

Maka-stay, ano ako? Aso?

Napailing ako.

"Ikaw ang bahala.", sabi ko nalang kasi mas matigas pa sa bato ulo ng babaeng 'yan.

Nginitian niya ako bago umalis.

Sinasabi ko na sa inyo, we're not dating... Yet. We're taking it slow, but there's feelings for sure in between us.

Biglang may naupo sa tabi ko, babaeng may dala-dalang gitara.

Should I say na agaw atensyon siya kasi siya lang ata naka-hoodie na malaki sa loob ng club tapos naka-cap pa at mask.

Napansin niya atang nakatingin ako sa kanya kaya napatingin siya sa akin.

Nagkatitigan kami ng iilang segundo bago niya tanggalin ang mask niya.

This girl is familiar. Sa'n ko ba 'to nakita?

"Hoy."

Muntik na akong mahulog sa upuan ko dahil sa gulat nang biglang may umakbay sa akin, napalingon ako at nakitang si Zach 'yon.

Naka-hoodie at cap rin. Ano 'to? Couple outfit ba sila nitong babae?

Binalik ko tingin ko doon sa babae pero wala na ito sa tabi ko kaya hinarap ko nalang ulit si Zach na nakasandal na ngayon sa bar counter sa tabi ko.

Wanted: Father of my Child (BOOK #2)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang