Chapter 23:

4.7K 154 44
                                    

Althea's POV:

*The day she got home from the Mall where she encountered Bleu*

Ang bilis naman tumakbo ng lalaking 'yon. Kung makatakbo nang makita ako, parang hinahabol ng aso.

Naka-heels ako kaya syempre hindi ko siya naabutan kaya umuwi nalang ako, sana talaga matapilok siya.

I entered the password of my condo unit at pagbukas ko pa lang ng pintuan ay I felt this strong aura inside.

Napaayos ako ng buhok sabay na pahinga ng malalim bago ako pumasok sa loob, naglakad ako patungong sala at nakita ko siyang nakaupo doon sa sofa.

"Are you done fooling around?", panimula niya kahit nasa likuran niya palang ako at 'di pa nakikita.

Naglakad ako palapit sa katapat na sofa ng inuupuan niya, saka ako naupo doon.

"Dad... You should've told me na bibisita ka.", sabi ko sa kanya.

"You still remember the reason kung bakit pinayagan kitang umuwi sa pilipinas, right? I think you had enough fun, it's time for you to face your responsibilities as my daughter."

Napakagat ako sa ibabang bahagi ng labi ko... Ayoko... Ayoko na.

"You're engaged, Beatrice. The moment na nakauwi ka sa Pilipinas, you're already engaged. I gave you time na kilalanin 'yong fiancee mo but hindi mo ginawa, you're wasting your time going out here and there instead! Everything is prepared, you're getting married in 3 months pero walang progress sa inyo ng anak ni Mr. Evans kasi you're not doing anything! Pa'no kung e-cancel nila ang lahat? You know na we badly need them!"

Napakuyom ako ng mga kamay habang hawak-hawak ko ang laylayan ng bestida ko.

Yes, I'm engaged. He had no plans na pauwiin ako sa Pinas in the first place but I begged him and that's where he made a deal, na papauwiin niya ako to marry the son of the LE Enterprises and I agreed kasi it's my only chance para makauwi sa Pinas at sanay na naman ako na kung sino nalang ipapakasal sa akin, kung sinu-sino nalang ako na e-engage... It's my only purpose as his daughter.

"I want you to visit the Lee mansion before this week ends. Get close with the—"

"Ayoko.", putol ko sa kanya.

Nanginginig 'yong mga kamay ko sa pagputol ko sa kanya, it's my first time doing that.

Gulat siyang napatingin sa akin.

"I'm not marrying that guy, Dad. I'm not marrying someone na hindi ko kilala."

"That's why I told you to meet him 'di ba? And you wasted your time playing around!", tumataas na boses niyang sabi sa akin.

Natatakot ako ngayon, ang lakas ng tibok ng puso ko.

"I... I have someone that I'm interested right now. A—"

"ARE YOU CRAZY? MAY PAKE BA AKO KUNG SINO GUSTO MO? WHY WOULD YOU GET INTERESTED WITH SOMEONE KNOWING YOU'RE ALREADY ENGAGE?!", malakas na hampas sa mesang kaharap niyang sabi sabay napatayo.

Napatayo rin ako.

"I'm not engaged, Dad. You made me to! I never wanted it, I don't want to!"

It's my first time... Ang tumutol sa kanya. Ayoko ng sumunod sa kanya, gusto ko sundin ang sarili kasi buhay ko 'to, katawan ko 'to, may sariling pag-iisip ako... Puso ko 'to.

"You made me do things that you only wanted, at sinunod ko lahat 'yon! Never akong tumutol, I don't want to disappoint you, so I agreed to everything even if that means sacrificing my own happiness and dreams! This time... Ngayon lang, please... Please let me feel my own emotions... Hayaan niyo na ako na mahalin ang taong mamahalin ko."

Wanted: Father of my Child (BOOK #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon