12

11.7K 570 43
                                    

[CHAPTER TWELVE]
-
-
-
-
-
-
-

"Oh" nag angat ako ng tingin dahil may nagsalita sa harapan ko. Tinignan ko naman kung sino ang nagsalita. Pinikit ko pa ang mata ko dahil naging blured dahil sa mga luha ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. At kinuha ang panyo na nasa kamay nya na hawak nya.

"Nag ikot ikot, tapos nakita kita dito" sabi nya at umupo sa tabi ko. Sumandal din sya sa puno kung saan ako naka upo.

"Anong problema mo?" Tanong nya at tinignan ako ng malalim. Umiwas naman ako ng tingin at umayos ng upo umubo pa'ko para ayusin ang boses ko, gumagaralgal kasi.

"Wala" sabi ko at yumuko, patuloy parin na pinupunasan ang mata ko.

"Sinungaling" sabi nya. Napatawa naman ako, seryoso kasi syang tumingin sakin tapos naka nguso pa ang labi nya.

"May binabalikang ala-ala lang" sabi ko. Napa taas naman ang kilay nya.

"Ex mo no?" Tanong nya at nag taas baba ang kilay, may mapang asar na ngite.

''Hindi, sa pamilya" seryosong sabi ko. Ngumiwe naman sya.

"Bigat" komento nya. Napakamot nalang ako sa ulo.

"Kala ko masungit ka talaga Bryson eh" sabi ko. Tumawa naman sya. At tinuro pa ang sarili sabay hagalpak ng tawa. Binato ko sya ng panyo.

"Hindi ah!" Sabi nya. Sus tinanggi pa

"Tse, balik kana sa room nyo, nag cut ka no?" Tanong ko, umiling naman sya.

"Ako magka-cut?, Vacant kaya namin" kaagad na protesta nya. Natawa naman ako.

"Ikaw!, hala ka baka ikaw ang nag cut" kaagad na sigundang sabi nya. Tinignan ko sya

"Anong masama mag cut kung wala namang lec.?" Sabi ko. Tumango naman sya.

"Talino" sabi nya natawa naman kaming pareho.

"Nahanap mo na ang singsing?" Kaagad na tanong nya. Umiling ako.

"Hindi eh, hindi ko rin alam kung saan ako mag uumpisa, tapos ah basta ewan" sabi ko at yumuko at pinag kukuha ag maliit na bato sabay tapon sa maliit na kanal malapit sa may bench.

Parang little paradise kasi dito eh. Kulang nalang lagyan ng lawa tsaka falls pwede ng resort.

"Hayy, we feel you" kaagad na sabi nya.

"Wag mong pulutin yang mga bato, madumi" sita nya sa'kin.. dumila ako sa kanya

"Maghuhugas naman ako" kaagad na depensa ko.

"Kahit na marumi parin" sabi nya. Napahawak ako sa ulo ko dahil biglang kumirot

"Wag mong pulutin yang mga bato,'madumi" sabi ng isang lalakeng naka talikod sa'kin. Teka sino to?

"Maghuhugas naman ako" sabat ng batang babae sa gilid nya. Naka upo sila sa bermuda grass.

"Kahit na marumi parin" kaagad na sabi ng lalake.

"H-hey!, Jas? Anong nangyayare sa'yo?" Kaagad na pagsasalita nya kaya bigla akong bumalik sa dati ang paningin ko dahil biglang lumabo nawala narin ang sakit ng ulo ko.

"Wala" kaagad na tanggi ko. Baka mamaya dalhin ako nito sa hospital tapos sasabihin ng hospital

Malala na'po sya kailangan na syang dalhin sa mental

Juskolord!. Wag naman sana lordiey!

"Paano ba'yan tapos na'yun Vacant namin, alis na'ko" tumayo ako. Tumayo rin sya. Pinagpag nya rin ang damit nya. ''Sabay na tayo" sabi nya.  Tumango nalang ako

Tahimik lang kaming naglalakad pabalikm huminto na ako ng nasa building nako namin. '"Dito na'ko" paalam ko sa kanya at kumaway sabay talikod. Narinig ko pa syang may sinasabi pero hindi ko narinig nag kibit balikat naman akong bumalik sa room.

Ang Mutya Ng Section Z (COMPLETED S1-S2)Where stories live. Discover now