3---II

5.1K 367 17
                                    

Author's Note: pasensya sa maikling UD sa last kung update, 400+ words lang 'yon dahil sa pagmamadali. Bawi nalang ako dito. Btw natatawa rin ako sa mga comments niyo.
Mas Mababaliw kayo lalo sa chapter na'to. Sorry sa typos and grammars kayo na bahala umintindi ha?!. Sa mga Exo-L's  pala diyan (kung meron man) don't forget to vote EXO on AAA, TTA, choeaedol, starplus, mubeat (may voting din to) .Raban!!.. 1m ang gap! Owshii! Laban sa global mga co-eggs

KD's P.O.V

"AT sino naman kayo?!" Galit na singhal ni Fritz. Ewan ko rin kung sinong mga kabute to.

"Hindi mo na kailangang malaman" maangas na sabi ng nasa gitna parang tono lang ni Jastin kung magsalita.

"Anong kailangan niyo?" Mahinahong tanong ni Fredd sa kaniya medyo lumapit naman kami sa gawi nila.

"Wala kaming kailangan. Gusto lang namin makipaglaro, boring eh." Sabi ng nasa gilid. Para namang nainis si Troi sa kanila at galit na bumaling ng tingin kay Jastin bago ibalik muli ang tingin sa kaharap.

"King inang 'yan!. Pumunta ka nalang sana sa room ng kinder! Maraming bata dun!" Galit na anas ni Troi. Galit agad? Ayaw niyang makipaglaro ayaw niyang maging masaya kahit sandali?. Adik din to eh.

"Ayaw namin eh" mapang-asar na sagot nung nasa gitna at sinipa si Troi sa mukha kaya tumalsik siya. First blood!. Hindi na nakatayo pa si Troi dahil sa lakas ng sipa ng lalaki. Napalakpak ako. Galing!.

"Pano ba'to Love? Tatapusin naba to?" Baling nung nasa gitna kay Jastin na ikinagulat naming lahat dahil sa pagtawag niya ng love.

"LOVE???!!!" Gulat na sigaw naming lahat except syempre sa 17 na lalake at kay Jastin eh.

"Oo" sagot nung lalaki ng mapansing parang walang balak sumagot ni Jastin.

"Mag t-three years na kami eh" maangas na sabi ng lalake na halos ikahulog ng panga naming lahat. A-ano? Para akong nasiraan ng ulo at mababaliw na'ko dahil sa narinig ko. Hindi ko gets! Ano bang nangyayare?!. Nakakabaliw

"Tumahimik ka na nga tarsier! Baka himatayin na 'yang iba diyan dahil sa mga pasabog mo" kunyareng inis sa ani ni Jastin pero nakangise. Wala sa sariling napalingon ako sa dalawang nasa tabi ko si Jeremiah at Winston para silang biglang naging Zombie dahil sa reaksiyon na pinapakita nila.

"Your wish, my command, Love" sabi nung nasa gitna at mabilis na inupakan si Fritz. Para lang kaming nanonood ng live action scene. Try ko kayang ivideo to tapos post ko sa YouTube? Kikita kaya ako kung sakaling mag viral?.

"Hinalikan mo pa mahal ko ha?!" Inis na anas nung nasa gitna ay mabilis na pimagsasapak ulit si Fritz na hindi makalaban dahil sa bilis ng kilos ng kalaban. Dehado!

Nagrambulan rin ang iba pa. Dehado ang section Z! Kunti lang sila at marami naman ang kalaban pero tsk! Hindi ako tutulong sa kanila. Deserved nila 'yan.

Pero ano raw?! Nahalikan ni Fritz si Jastin?! Hala! Mas nabaliw ata ako lalo.

"Matagal na kaming nagtitimpi sa inyo!"

"TangIna niyo!"

"Pakyu!"

"Ulol ang papangit niyo!"

"Di bagay sa section niyo si Van!"

"Makakapaghingante rin sa wakas!"

Hindi ko parin maintindihan kung saan humuhugot ng sama ng loob tung mga lalakeng to sa harapan namin. Hindi rin naman namin kilala to eh!

Makapaghigante? Bakit ano bang ginawa ni Fritz sa kanila?!.

"A-ano bang ginawa namin s-sa inyo?" Bagaman nahihirapan nagawa paring magsalita ni Fritz at magtanong sa kanila. Tumigil ang lalake sa kakasapak sa kaniya at tumayo bago ngumise.

"Alam mo? Dahil sa'yo muntik ng may mawala!" Galit na sabi ng lalake ag dinuro si Fritz gamit ang nanginginig niyang kamay.

Nagulat kami dahil sa sinabi niya. Bakit hindi namin alam 'to?.

"A-ano?" Bahagyang tumayo si Fritz, natumba kasi siya sa lakas ng sapak.

"Two years ago, sa iskineta may binaril ka hindi ba?" Deritsuhang tanong ng lalake at mararamdaman mo ang galit sa bawat salita niya.

Dahan dahang lumake ang mata ni Fritz at napatingin sa kaharap niya na parang hindi makapaniwala. "Kayo 'yon?" Gulat na tanong ni Fritz tumawa ng sarkastiko yung lalake.

"Eh alam mo ba kung sino ang muntik ng mamatay dahil sa katangahan mo, Salcedo?!" Galit na asik nung lalake. Napaatras ako dahil sa kaba, nakakatakot ang mga mata niya parang kayang kunin ang buhay mo kahit isang segundo lang.

Parang nag slow-mo ang lahat ng ituro niya si Jastin. "Siya ang muntik mo ng mapatay Salcedo" malamig na sabi ng lalake habang matalim na nakatingin kay Fritz.

Pansamantalang hindi ako makakilos dahil sa gulat. Hindi kayang iproseso ng utak ko ang mga nalaman ko. Hindi pa ako myembro ng section Z nun panigurado.

"At ngayon, maghihigante kami sa'yo... Sa inyo" ganun nalang ang kilabot na naramdaman ko ng sabihin ng lalake 'yon.

"M-mag hihigante? Para san pa? Buhay pa naman ang babaeng 'yan ah?" Galit na singhal ni Dodz pero nahihirapan. Kala mo naman wala silang pinagsamahan ni Jasin kung makababae siya.

"Pero ang marka ay nagpaiwan, ganun rin ang gagawin namin sa inyo" maangas na sabi ng isa. At kinuha ang isang handgun mula sa likod niya ganun rin ang ginawa ng iba.

"Hindi to masakit. Nakakamatay ngalang" Malamig na sambit ng lalake.

"Bilisan niyo" hindi ako makapaniwalang napatingin kay Jastin parang wala lang sa kaniya na nasapeligro ng ang naging kaklase niya. Pero napatango ako ng magets ko ang nararamdaman niya, sabagay muntik narin pala siyang mamatay dahil dito sa mga section Z nato. Dalawang beses ng napunta ang buhay niya sa peligro.

"Tapusin niyo na"

Ang Mutya Ng Section Z (COMPLETED S1-S2)Where stories live. Discover now