26- II

3.2K 204 14
                                    


KD's P.O.V

"Now what? Saan natin siya hahanapin ngayon?." Frustrated na tanong ni Jeremiah at pabagsak na ipinatong ang kamay sa table dito sa kusina sa Condo ko. Tahimik lang kayo ah? Regalo saaken 'to ni Jastin dahil daw magaling na ako sa mga kutsilyo.

"Tingin mo rooftop?" Si John ang nagsalita kaya napatingin kami sa kaniya na takang-taka.

"At bakit sa lahat ng lugar rooftop ang naisip mo?" Sagot ni Jeremiah sa kaniya. Hindi ko talaga maintindihan ang dalawang 'to. Lagi nalang nagtatalo , sana silang dalawa nalang pala ang sinali sa debate tapos ang topic kung sino ang pinaka-tanga.

"Hindi ba kayo nakikinig kanina sa sinabi niya? Rooftop daw tapos tatalon siya to ground floor..." Hindi niya natapos ang pagsasalita ng sabay-sabay na lumake ang mata namin sa gulat. I-ibig sabihin? Magpapakamatay si Jastin?

"Shit!"

Tatayo na sana kaming apat dito ng bigla nalang bumukas ang pinto sa sala ng parahas kaya sabay din kaming nagulat.

"Anong mga mukha iyan?" Sumalubong sa'min si Jastin na maraming plastic bags na dala.

"J-jas? Hindi ka nagpakamatay?" Nanlalamig na tanong ko sa kaniya. Tinaasan niya akong kilay. "Umatake na naman ba bigla ang sakit mo sa utak?. Mukha ba'kong tanga para magpakamatay?." Asik niya at nilapag sa sahig ang mga dala niya.

"Kayong dalawa kunin niyo yung iba sa compartment ng kotse" utos niya kina John at Jeremiah. Aangal pa sana sila pero sinenyasan siya ni Jastin na parang ginigilitan ng leeg kaya nagtutulakan silang lumabas. Kawawang John nahawaan ng kabaliwan ni Jeremiah. Mabuti ako at matino pa.

"Pero Jas, bakit ka nawala?" Tanong ni Winston sa kaniya.

"Nag-grocery ako. Medyo paubos na kasi 'yung stock." Sagot niya.

"Pero Jas hindi ka talaga magpapakamatay?" Nag-aalalang tanong ko pero napatago nalang bigla ng astang babatuhin niya ako ng mansanas.

"Isang kabaliwan mo pa, ipapalunok ko 'tong hawak ko sa'yo." Banta niya naka nanatili nalang akong tahimik.

"Curious ako. Sino ba talaga ang nagtangka sa buhay nila Fritz?. Hindi ba talaga ikaw Jas?." Tanong ko ng makalipas ang ilang minuto.

"Gusto mong itry ko 'to sa'yo? Bagong bili" pinakita ni Jastin ang makintab na kitchen knife na bagong bili niya kaya mabilis akong umiling.

"Syempre hindi! Alam ko naman talaga na wala kang kinalaman 'don e!. Magagawa mo ba 'yun? E subrang bait mo nga e" nakangiteng sabi ko sa kaniya para maging maayos ang flow ng dugo niya para hindi na siya ma highblood pa dahil sa'ken.

"Tin? Do you have any idea?" Napatingin ako sa ilalim ng mesa ng magsalita si Winston ng ibang pangalan. Wala namang pangalang Tin dito a? Nababaliw na'ba tung lalakeng ito?.

"Yeah." Sagot ni Jastin kaya nagtataka akong napatingin sa kanila. Pabalik balik. Si Jastin si Tin?. Ah! Hahaha! Bobo ka talaga KD! Jas tapos Tin! Jastin. Hays!

"Who?" Tanong ni Winston. Ako? Nananahimik. Baka bigla nalang nay tumarak na kitchen knife mamaya sa lalamunan ko pag-hindi ako naging behave.

"Scorpion"

"What?!!" Sabay na sigaw namin ni Winston dahil sa sagot niya. S-scorpion? Diba delikado sila? Paanong nasangkot sa gulo sila Fritz doon?.

"Oh? Kilala niyo? Mabuti naman, nagpa-plano kasi akong ipain kayo e." Sagot niya at patuloy sa paglalagay ng mga ibang stocks sa loob ng ref.

"Gagawin mo 'yun?" Kinakabahang tanong ko sa kaniya. Kilala ko pa naman itong si Jastin, walang puso kaya 'tong babaeng 'to. Pagsinabi niya gagawin niya talaga.

"At bakit naman hindi?. Wala namang mawawala sa'ken pag ginawa ko 'yun. Sa inyo baka meron" balewalang sagot niya kaya napahawak ako sa dibdib ko.

"Heartless" bulong ko.

"Bukas maaga tayong papasok. Sa likod ako dadaan. Kayo naman sa front gate. Magkita tayong lima sa rooftop." Biglang usal ni Jastin na alam kong narinig din nila Jeremiah at John dahil nakarating na sila.

"Bakit?" Tanong ko.

"Mag ka-camping ulit tayo" sagot niya at ngumise. Kita ko yun kahit nakatalikod siya. Mahabaging langit nawa'y patnubayan niyo po kami. Sinaniban na naman po ulit ni Van si Jastin.

Ang Mutya Ng Section Z (COMPLETED S1-S2)Where stories live. Discover now