30

7.5K 436 11
                                    

[CHAPTER THIRTY]
-
-
-
-
-

"Are you okay?"

"GOODBYE EARTH!!" malakas na sigaw ko dahil narinig kung nagsalita si Jerroh.

Lordie! Wag mo naman po sana akong pahirapan sa magiging parusa ko mamaya sa kamay ng mga anghel kung kamag-anak.

"Look, if you----"

"TUMAHIMIK KA!" Sigaw ko ulit napalayo naman kaagad siya saakin ng wala sa oras.

"T-tara na nga!, para kahit kundi mabawasan naman ang parusa ko" utos ko sa kanya. Mukha naman siyang naguluhan dahil sa sinabi ko.

Malamang at maguguluhan talaga siya ano!, hindi niya naman kasi alam ang mga ugali ng anghel kung kamag-anak lalo nasi Kuya at Abnormal.

"Punishment?" Takhang tanong niya habang kinukuha ang susi niya.

"Ahuh!, Punishment, pupugotan ako ng ulo pag tumagal pa tayo dito kaya tara na!!!" Sigaw ko, muntik pa siyang mapatakbo dahil sa biglang pag sigaw ko.

At talagang kapag tumagal pa kami dito, ako mismo ang pupugot sa ulo niya.

"Okay, Okay, just relax, let's go" shutang ina!, nano-nosebleed na'ko dito sa isang to ah!.

Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kaniya sa labas, mabuti nalang at mabilis siyang kumilos.

"Ayusin mong mag maneho, iuumpog talaga kita sa manibela kapag hindi" banta ko pa sa kanya bago pumasok sa shotgun seat ng kotse niya.

"You're so Horrible" mahinang sabi niya pero rinig ko naman.

"Maiba nga tayo, asaan na pala ang tukmol mong kambal?" Taas kilay na sabi ko sa kanya.

"He's busy"

Hindi na ako nagsalita ng sumagot siya. Ano namang kinabibusyhan ng gagong iyon?. Bagong girlfriend?, fiance? Or baka May asawa na talaga siya.

At kung may asawa na talaga siya isa lang ang masasabi ko, WALA AKONG PAKEALAM!

'Walang pakealam, pero tinanong mo?' Sagot ng isip ko. Teka nga!, nababaliw na ata ako! Naririnig kung sinagot ako ng isip ko!!!.

WAAAAAAA!!!, teka nga, napaparanoid lang siguro ako anoh?. Guni-guni ko lang siguro yon.

"Hey, Jastin Van do you understand me?"

"Huh?"

Ano ba iyong sinabi niya saakin?. May tinanong ba siya?, may sinabi?. ANOO?!

"Aissshh!, nevermind" parang nainis ata siya doon?, pero nakangite parin naman!.

"Ano nga iyon?" Tanong ko.

"Nevermind" pag-uulit niya naman sa sinabi niya kanina, tumahimik nalang ako



***Mean While***



"Una na'ko" lutang na sabi ko sa kanya hindi naman siya nagsalita at tanging ngite lang ang sinukli niya bago siya umalis.

Ano pabang aasahan ko?. Syempre ngite lang iyon.

Lordie, kung anong sumpa man ang nakahanda sa likod ng pinto na ito este gate pala, o sabihin na nating gate at pinto, sana h'wag lang nila puputulin ang ulo ko.Amen. Pag dadasal ko habang kinakabahang nakatingin sa gate nag sign of the cross pa ako bago tuluyang pumasok.

Nakita ko pa ang mga ibang kasambahay na papunta sa likod. Hala!! Pinag hahandaan naba nila ang parusa ko?, ito na iyong katapusan ko?

Kinakabahan kung binuksan ang pinto at tanging katahimikan ang maririnig ko, hala!! Baka may biglang sasaksak saakin tapos dadalhin ako sa likod ng bahay bago putulin ang ulo ko.


"Nandito kana pala"

"H'wag pooooo!!!!"


Buong lakas na sigaw ko at napakapit sa strap ng bag ko na iniabot saakin ni Jerroh kanina, mabuti nalang talaga dahil baka saang planeta ko mahanap 'to pag nagkataon.

"Ano namang tumatakbo diyan sa isip mo?" Biglang sulpot ni Abnormal kaya napalundag ako paatras. Lordie ito naba ang sign ng katapusan ko?.

Teka nga!

"May tumatakbo pala sa isip ko?" Takhang tanong ko sa kanya. Ang nakuha ko?

"Aray naman!, ipapakulong talaga kita sa kasung Bebathe! Alam mo iyon?, yung mahilig mambatok!" Inis na sigaw ko sa kanya habang hinihimas ang batok ko.

"Wala na, malala na"

Ang Mutya Ng Section Z (COMPLETED S1-S2)Where stories live. Discover now