25

8.1K 450 22
                                    

[CHAPTER TWENTY-FIVE]
-
-
-
-
-

Paano ba sumapak ng gago?. Speaking of gago nandito ngayon sa harapan ko.

"Wag ngang malikot!" Singhal ko kay Fritz.

Ginagamot ko kasi yung sugat nya. Medyo shunga sya sa part na sinalo nya yung balisong na sana tatama sa'kin.

"Mahapdi!" Balik na singhal nya. Diniinan ko naman ang pagkakalapat ng bulak sa braso nya. Kaya napa hiyaw sya.

''Sakit noh?, Magpaka Superman pa kasi" irap ko. Nagpa-awa naman sya sa'kin. Medyo naawa naman ako pero nanaig sa'kin ang inis

"Sabi ko naman diba?, ako ang tagapagtanggol mo" mahinang sabi nya. Natigilan naman ako. Naalala ko yung sinabi nya.

Hindi na'ko nagsalita at agad na tinapos ang paggamot sa sugat nya. Naalala ko naman kanina. Hindi sya makapagsalita ng makita ako. Galing ng kamandag ko!

"Tara na sa school" pag-aaya ko. Na-skip namin ang dalawang subject kung aalis kami ngayon aabot pa kami sa recess. Chokkss

"You can use my extra bag. Habang hindi pa kita nabibilhan ng bago" suggest nya habang  sinusuot ang t-shirt. Sinabi ko nga kanina na h'wag nya ng hubarin pero sadyang may kaltok lang ang kanyang ulo. Hinubad parin ng tarantado

Binigay nya naman sa'kin , ng hiram na'ko ng isang notebook tsaka ballpen sa kanya at buti nalang talaga nakuha ko sa bag ko kanina habang naglalakad ang wallet, cellphone tsaka I.d ng supladang si Bueñaflor.

Nagtaka ako ng makita kung kumuha sya ng susi. "Aanhin mo yan?" Tanong ko.

"Gagamitin ko yung motor ko" sabi nya habang hindi naka tingin sakin. Tumango naman ako at inayos ang pansamantalang bag ko at agad na sinukblit sa likod ko. Niyaya ko na sya at sabay kaming lumabas.

"Matanong ko lang, Ikaw lang ba mag isa naka tira dito?" Tanong ko habang sinisirado nya yung pinto.

"Yes" sabi nya at tinago nya na yung susi. Taray talaga ng lalagyan nya ng susi hindi mo mahahalata na may susi sa ilalim.  Talino!.

"Di ka natatakot?" Muling tanong ko. Umiling lang sya at kinuha ang motor nya sa garahe.

"Pwedeng ako mag drive?" Nakangiteng tanong ko. Actually marunong talaga akong mag motor, naka hiligan ko yan noong nasa probinsya ako, lagi akong nangangarera kahit saan, pero tanging code lang ang gamit namin at hindi ang totoong pangalan namin. Naka helmet rin kaming lahat para walang makakilala sa'min. At ako lang ang tanging babae sa grupo.

"Wag baka hindi tayo makarating sa school na buhay" unti-unting naglaho ang ngite ko sa sagot nya.

"Hindi naman!, ngayon lang!, pramis! Makakarating ta'yo dun ng walang kulang baka nga may dagdag pa" pagpupumilit ko. Wala syang nagawa kundi ibigay sa'kin ang susi, para naman akong binigyan ng sampung milyon dahil sa lawak ng ngite ko.

Binigay nya naman sa'kin ang isang helmet kaagad ko namang sinuot yun. Mga besh hindi na'ko nagpalit ng damit naka jersey na ako ngayon na Short at jersey na t-shirt na may puting damit tapos naka medyas at naka tsinelas lang, ang malala pa Apilyedo nya ang naka lagay.

Salcedo

Wag lang sana akong or kami tanungin ng mga kaklase namin, alam mo naman mga likhang chismoso ang mga putanginang yun!.

Sumakay na'ko sa motor nya, at umangkas na sya, pina-init ko naman ang makina para mas maganda ang takbo. Kaagad akong napacomportable sa motor nya dahil itong klaseng motor din ang ginagamit ko dati.

Kaagad kung tinapakan ang start at pinaandar ng mabilis. Nagulat ako ng biglang yumakap sa beywang ko si Fritz.

"Dahan-dahan naman" reklamo nya, pero hindi ako nakinig mas binilisan ko pa ang takbo pero parang mali ang ginawa ko may hinigpitan nya pa ang pagkakahawak sa beywang ko

King-ina!

Nakarating kami sa parking lot ng school na mabibilang ko ang hininga ko dahil halos hindi naman talaga ako humihinga

Bumaba na'ko ng motor at agad na kinuha ang helmet ko at pabatong binigay sa kanya. Natatawa nya namang sinalo 'yun.

"King ina mo!" Mura ko sa kanya at naunang maglakad papasok sa gate ng school.  Kaagad namang hiningi ang i.d ko pero sabi ko wala pa.

Mga tatlong pasok ko pa dito sa school na walang I.d sigurado akong hahampasin na'ko ng guard ng kanyang mahiwagang stick.

Nakarating na'ko sa building namin ng tahimik ng biglang may umakbay sa'kin at hinila ako papasok sa building namin.

Pero bago pa kami makapasok may humarang na sa'min. Ang mga tarantado. Naka pang swimming attire ang mga loko.

"Hands off , Salcedo" may pagbabantang sabi ni Sigarilyo  kay Fritz. Kaagad namang kinuha ni Fritz ang pagkaka-akbay sa'kin. Pero napa singhap ako ng higitin nya ang beywang ko.

Putang ina!!. Kanina pa'to eh!.

Tulong! Hindi ako makahinga

Sunod-sunod naman ang mura ng mga loko.
At ubuhan ang naganap. May bumato sa mukha ko ng cellophane.

"King-ina!, sinong bumato?" Inis na singhal ko at binuksan ang laman, napangiwe ako ng makita ko ang laman nun.

Isang Swimsuit lang naman ang laman. Agad kung sinirado yun.

"Aanhin ko 'to?" Nakangiweng tanong ko parin.

"Try mong kainin, pramis masarap yan" pamimilosopo ng isang hudas na KD!

Agad ko syang hinampas ng cellophane.

"Aray naman, syempre susuotin" nakangusong sabi nya at hinihimas ang mukha na tinamaan dahil sa pagkakahampas ko.

Napakamot ako sa tenga ko.

Mukhang mapapasabak ako sa Langoyan ah.

Ang Mutya Ng Section Z (COMPLETED S1-S2)Where stories live. Discover now