13---II

4.5K 311 45
                                    

A/N: nakalimutan kung ishout-out. @JajaBautista219
Aware naman siguro tayo na umiiba ang mood natin kapag meron tayong mga ghurls diba?. Pasensya na sa ugali ni Jas. Gusto niyo may ka-bed scene si Jastin? HAHAHA. Actually plano kung lagyan.


Jastin's P.O.V

Nanatili pa ako ng ilang oras sa convenient store bago napagpasyahang bumalik sa hotel. Eh yung ex mo kaya may plano bang bumalik?

Anyway, may nakita naman akong hinoholdap. Napailing nalang ako bago puntahan 'yon. Pakialamera na kung pakialamera pero bakit ako aalis kung kaya ko namang tumulong.

Iniling ko ang ulo ko. Nasabi ko na ata yan noon.

"HOY!" Sigaw ko doon sa mga holdaper. Sabay pa silang napatingin saaken ng hinoholdapan niya. Nanginginig rin ito sa takot. Kulang nalang maihi. Hindi sa kilig kundi sa takot.

"Anong ginagawa nyo ha?!" Kunyareng walang alam na sigaw ko at lumapit pa ng bahagya doon.

"Ano bang pakealam mo?!" Sigaw nya saaken sabay tutok ng ice pick. Ampt! May patalim ang unggoy.

"May pakealam ako dahil ako yung sinaktan at iniwan!" Sigaw ko at dinuro siya. Nagulat pa siya sa sagot ko.

"Bakit mo kasi hindi ipinaglaban? Kaya ikaw ngayon tung nasaktan?" Balik na sigaw niya saaken. Lumapit ako sa kanila ng salubong ang kilay.

"Lalaban? Ha!, hindi mo alam kung anong ginawa ko para ipaglaban siya pero ano?, anong nangyare? Naiwan parin akong luhaan!" Sigaw ko sa mismong mukha niya. Bahala na kung mag-mukha kaming tanga rito.

"Pero at least nagawa mo ang best mo para ipaglaban siya"

"Pero kulang parin" sabi ko at pinitik ang daliri ko sa hangin.

"Pero ikaw? Bakit ka nanghoholdap? Magtrabaho ka nalang kaya para at least galing sa tama ang pinapakain mo" humalukipkip ako. Ibinaba niya ang ice pick niya at tinapon sa gilid pagkatapos ay binigay ulit sa babae ang bag nito kaya nagtatakbo ito papalayo.

"At ikaw!" Turo ko doon sa kasama niya kaya napaatras siya sa gulat.

"Alam mong masama ang ginagawa mo pero bakit hindi mo itinigil?" Singhal ko.

"Walang tumatanggap saamin ng trabaho." Nakayukong sabi ng dalawa.

Kinuha ko ang wallet ko at binigyan sila ng tag f-five thousand.
Gulat silang napatingin saaken.

"Aissh! Wag nyo kong tignan ng ganiyan. Amina number niyo bilis!" Utos ko kaya kinuha nila ang calling card nila.

"Aba't. Nice grabeng mga holdaper to may calling card" namamanghang bulong ko at ibinulsa ang calling card.

"Pag may tumawag sa inyo, asahan niyong trabaho yun" sabi ko at tumalikod sabay suot ng hood ng jacket ko.

"ANG BAIT MO!"

Sabay na sigaw nila itinaas ko lang ang kamay ko at umalis sa lugar na iyon.

Hindi ako mabait, tinopak lang ako.

...

Nakarating ako sa hotel pasado 4 a.m  na. Tulog parin silang lahat.

Pumunta nalang ako ng veranda at kinain ang bitbit kung chichirya.

"Hindi ka natulog?" Hindi na ako nagulat ng magsalita si John sa gilid ko. Kanina ko pa ramdam na may sumusunod saaken.

"Hindi eh. Hindi rin ako makatulog" sagot ko at kumain ulit.

"Oh!" Abot niya saaken ng beer-in-can. Ngumise ako. Matagal na pala ng huli akong maka-inom nito. Hindi naman siguro masama sa mens to no?. Hehe

"Salamat" sabi ko sabay hablot sa kamay niya at mabilis inistraight na parang softdrinks ang beer.

Gumuhit pa ang init sa lalamunan ko. Ahm yummy.

"Lasinggera ka?" Mayamaya ay tanong niya. Binigyan ko siya ng

Ayos-ka-lang-ba-look?

"Hindi. Pampa cool lang talaga ang beer para saaken" sagot ko at hinulog ang basura ko pababa.

(A/N: huwag tutularan. Pakiusap)

"Sorry" bigla ay sambit niya.

"Bakit ka nagso-sorry? Hindi naman kita ex" tawa ko pero seryoso siya.

"Naipit lang talaga kami sa sitwasyon. Kaya--" I cut him off.

"Past is past. Wala naman akong sama ng loob. Actually thank you sa sakit. Natutunan kung maging mas malakas pa." Ngite ko sa kaniya at kinuha ang beer sa kamay niya at isahang tinungga.

Nagulat pa siya. "Nainoman ko na'yan." Gulat pang sabi niya pabalik balik ang tingin niya saaken at sa lata na wala ng laman.

I smirked. "Sus, parang wala kapang first kiss eh. Indirect kiss lang naman yun" ngise ko pero napaawang ang labi ko sa sagot niya.

"Wala pa akong first kiss" nakangusong sabi niya na nalapagpawindang ng earth. So I'm his first kissed?!.

Omayy! Beer lunurin mo ako ngayon na!

Ang Mutya Ng Section Z (COMPLETED S1-S2)Where stories live. Discover now