14---II

6.1K 376 79
                                    


Jastin's P.O.V

Iwas ng tingin. Tingin sa langit. Wow ganda.

Tingin sa baba. Impyerno.

"Hoy!"

"Ayfirstkiss!" Sigaw ko at nahulog pa sa upuan dito sa restaurant. Lintek na KD to oh!

"Ano?" Kunot noong sabi niya kaya tinikom ko ang bibig ko at nag isip. Anong idadahilan ko?.

"Anong ano? Wala kang pakealam" irap ko sa kaniya.

"Wala naman akong sinabing may pakealam ako ah" inosenteng sabi niya babatukan ko na sana ng tumikhim si Sigarilyo kaya nanahimik na kami.

Isa pa tung tikbalang na'to kanina pa masama kung makatingin saaken. Anong ginawa ko dito?

"Jas anong sa'yo?" Magkasabay pa na tanong ni John at Jeremiah saaken.

"Isang mangkok ng Adobo, limang cup ng rice, isang buong cake, isang litro ng softfrinks. Yun lang salamat sa libre" sabi ko yun ng hindi nakatingin sa kanila. Aba'y lubusin na natin ito. Minsan lang to sa buhay kaya lubus-lubusin na.

Kayo rin mag jowa na kayo, malapit na ang pasko, walang yayakap sa inyo. Tsk.

Nakatingin lang ako sa pinto ng restaurant ng bumakas ito at iniluwa si Irvin. Napaayos ako ng upo ng magtama ang paningin naming dalawa.

Ngumite siya saaken kaya tumango ako at kumindat. Ganyan ang bagong galawan ng mga cool ngayon kaya kung ako sa inyo kindatan niyo narin kung sino ang makakasalubong niyo ng tingin tanga man kung tutuusin atleast cool.

Napatingin lang ako sa pagkain na ibinaba sa harapan ko galing langit. Owss

Binasa ko pa ang labi ko dahil natatakam ako sa adobo. Ewan ko ba masarap kumain eh. Pero you know diet muna kaya ito lang order ko.

"Eat up" ako lang ba o malambing talaga sa pandinig ko ang boses ni John? Hays self wag lang ilusyunada hindi dahil nakuha mo ang first niyang hudas nayan eh kayo na?! Teka ngaaaa! Ako lang pala nag-iisip. Jusme isip ko talaga minsan baluktot

Susubo na sana ako ng makita ko si Dodz na parang abogado kung makasuri ng tingin saaming dalawa ni John.

"I smell something fishy" maya maya ay anas niya. Sininghot ko ang hangin.

"Wala namang malansang isda" sagot ko at suminghot ulit sa hangin. Pati rin sila KD umiling na nagsasabing walang isda.

"Mga bugok! Ibang isda tinutukoy ko" sigaw niya kaya napalingon saamin ang ibang kumakain.

Inilabas ko naman ang pamatay kung ngise sa kanila kaya nagsi-iwas sila ng tingin. Good! Yan nga matakot kayo dahil ako sa Batman Girl!. BG in short, B in shorter.

"Something smelly to the both of you" parang nagiimbestiga ang mga tingin nito saamin.

Itinaas ko ang kamay ko. "Don't english. My head is under construction" sabi ko st winagayway ang kamay ko sa ere hindi na ako nagtakha ng lumapit saamin ang waiter.

"Yes Ma'am?"

Sabi ko na ngaba.

"Halo-halo po. Please lang ang ice cream ay hindi UBE masakit. Choco nalang" sabi ko at minurder ang adobo sa harapan ko. Double dead.

"Anything else?" Ay taray, umi-english pa tutor kaya ako dito?

"Can I be with him?" Deretsong tanong ko.

"You can't longer have the people who choose to let go and leaves after. Even if they comeback still they couldn't replace your broken heart" makahulugang sabi nito at umalis bigla.

Grabeh! Pinagpawisan ako sa bigat ah.

"Shhk! Grabe naman. Ano bang pangalan ng restaurant na'to? Bat puro Sad quotes naman ang ibinabato?" Nakangusong tanong sa kanila.

"Secret Pain's Sad House, wait may mga quotes pa nga sa paligid oh!" Sabat ni KD at tinuro ang nasa palibot ng resto. Totoo nga, parang ang lungkot ng atmosphere dito pero nakakarelax.

Pero SecretPain? Narinig ko na ata yan? O nabasa? Ewan ko lang.

Napatingin ako sa isang halaman sa gilid na may nakasabit na karatola.

'Life is an art of drawing without an eraser. We wrote our mistakes but we can't erase it.'

Ay grabeh. May farm siguro ng ampalaya kung sino man ang may ari ng resto na to. Ang bitter eh.

"Here's the Halo-halo. Choco Ice cream isn't available kaya ube nalang. It is painful that you think that in here but it's leaves you already. Pero minsan kailangan mong harapin ang Umibig tapos Biglang Eewan, because that's the part of being inlove. That's your consequences it's up to you if you still run away or face the reality that slapped you. That's all. Enjoy eating" tapos ay umalis siya bigla at naiwan kaming nakanganga. Paano pa ako makakain ng halo-halo kung ganun na ang sinabi niya.

"May sira ata sa ulo yung babaeng putang yun" naibulalas ko nalang pagkatapos kung makabalik sa wisyo. Pinaypayan ni KD ang sarili.

"Ang wirdo" sagot niya pa. Napatingin ako sa halo halo ng may nakaipit na sticky notes.

'Dead people recieve more flowers than the living ones because regret is stronger than gratitude.' Be Wise always, keep your eye open, death is waving, blood is important than water.

Nalukot ko ang papel dahil sa galit. Hindi ako tanga. Peste!

"Jas? Okay kalang? Nabali mo ang kutsara" kaagad kong nabitawan ang kutsara at tinago ang isa kung kamay na may laman ng sulat.

Humanda kayo saaken, Scorpion. Magtutuos tayo. Isasama ko kayo sa impyerno.

"Hoy! Jastin! Tara na" yugyuog saaken ni KD kaya tumayo ako at sumabay sa kanila.

Wag nyong gagalawin kapatid ko kung ayaw niyong pagpira-pirasuhin ko kayo.

...

A/N: so ayun nga malapit ng matapos ang story na ito. Hintay nalang kayo sa ending salamat.

Ang Mutya Ng Section Z (COMPLETED S1-S2)Where stories live. Discover now