38

6K 380 2
                                    

[CHAPTER THIRTY-EIGHT]
-
-
-
-
-

"ATTENTION! SI JASTIN MAY KISS MARK SA LEEG" Sigaw ni KD at pumatong pa sa mesa para lang makita siya ng lahat. Ang liit eh.

Gulat namang napabaling saakin ang mga hudas. At bored ko naman silang tinignan.

"Don't tell me naniniwala kayo sa hudas na baliw na'yan?" Kunot noong tanong ko. Agad namang lumapit si KD saakin. At tinaggang abg necktie ko.

"H-hoy!, tarantado anong ginagawa mo?" Reklamo ko at hinila pabalik ang necktie ko pero huli na nahila niya na.

"Yan! May proof ako!" Hiyaw niya. Tulala namang tumingin saakin ang mga hudas. Tsk! Mga baliw.

"Jas, hindi ka pinalaki ng nanay mo para maging ganyan" umaarteng umiiyak na sabi ni Fredd.

Baliw

"Kailan ka pa naging ganyan?!" Sigunda naman ni Dodz at nakaturo saakin.

Malala na'to

"Tumigil nga kayo, anong kiss mark?! Lamok ang sisihin niyo! Kinagat ako!" Asar na sabi ko at umupo sa upuan ko. Mukhang nakahinga naman sila ng maluwag dahil doon.

Pero hindi si KD. Pabalik balik ang tingin niya saamin ni Winston, baliw.

"Eh bakit kayo magkasama?" Nakangusong tanong niya.

"Trip lang namin, h'wag tsismoso kalalaki nyong tao! Nasaan ang puri ninyo?" Parang tatay na nangangaral na tanong ni Sigarilyo. Napangiwe ako dahil 'puri' ang ginamit niyang term. Nakakadiri.

"Pasensya na po tang" sabi ni KD at nagawa pang mag mano kay Wins.

Hahahahaha!!

Umiwas naman ako ng tingin hindi lang ako kundi kaming lahat. Hindi kasi maipinta ang mukha ni Sigarilyo. Bwahaha epic!.

"Wala bang prof?" Tanong ko,

"May nakikita kaba, Jas?" Sarkastikong tanong ni Dodz. Amputa!.

"Tarantado!" Sigaw ko at pinakita ang middle finger ko. Tumawa lang naman siya.

May kumuha ng kamay ko st inilapag sa table. Tinignan ko si..Fritz.

"Bakeet?" Inosenteng tanong ko.

"Para kang hindi babae kapag ginagawa mo 'yan" pangangaral niya. Nag pout naman ako. Ewww!

"Sorry na po pader" ngiweng sabi ko.

"Aray! Puta!" Sigaw ko ng pitikin niya ang noo ko.  "Isa kang hudas na may doseng-ulo, gago kang hinayupak!" Mangiyak-ngiyak na hiyaw ko at dumistansya sa kanya.


"Hahahahahahaha!"


"Hahahahahahaha!"

Ehh?. Mga baliw, tumawa lang naman silang lahat.

"Ha-Ha-Ha--"

"Klasmett!, may bomba sa harapan ng pinto!!"

Naalarma kaming lahat ng tumayo si KD at nakaturo sa pinto.

May itim na bag na nakalagay doon.

Hindi!, I don't want the story repeat itself!!.

Mabilis akong tumayo at tumakbo papunta doon.

"Jastin what the hell!"

Dinig ko pa ang mga mura nila at sumunod saakin. Yumuko ako at binuksan kjng anong laman ng bag.

"Jas!, bomba ba?"

"Anong laman? Pagkain?"

"Uy baka CD yan ng porn!"

Natigil lang sila ng humarap ako sa kanila. Sumilip naman ang iba.

"Por--Oh shit!"

"Pagkain siguro---Yuck!"

"Bomba nga pero bakit yuck---Yuck nga!!"

"Urggghh! Ano 'yan?"

Nanatiling blangko ang mukha ko. "Iniimbitahan na talaga ako" malamig na sabi ko na nakapahpatigil sa kanila.

"Aatras ka?" Seryosong tanong ni Wins.

"Gaya ng sabi ko, hindi ako aatras dahil alam ko namang wala akong kawala" sagot ko.

"Ihanda niyo nalang libingan ko, baka umuwi nalang akong malamig na bangkay" sabi ko at naglakad papunta sa upuan ko. Nanatili parin saakin ang paningin nilang lahat.




Pugot na ulo ng aso ang laman ng bag. Sinong hindi kakabahan? Eh takot ako sa aso. Psh!

Ang Mutya Ng Section Z (COMPLETED S1-S2)Where stories live. Discover now