12---II

4.5K 302 22
                                    

A/N: HELLO EVERYONE! :) ENJOY READING. KEEP SAFE. ♡♡

Jastin's P.O.V

Napadilat ako dahil sa sakit ng puson ko. Damn! Bakit ngayon kapa dumating putang ina ka?!

Umupo ako sa sahig oo sa sahig. Kasehodang ang lima na tukmol nasa kama.

Sa isang kama si KD, Winston at Jeremiah habang ang nasa kabila naman si Fritz at Dodz. Actually inaya akong doon matulog kanina ni KD. Kaagad naman akong tumanggi. Nah! Baka matagusan ako. Puti pa naman ang kama.

Kaya ayan. Dito kami natira sa sahig. May kumot naman at sapin kaya comportable kahit papano.

Napapikit ako dahil sa kirot. Piste ang sakit!.

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko at dahan dahang tumayo. Pagkatapos ay sinuot ko ang jacket ko at lumabas ng kwarto.

Paika-ika pa akong naglakad habang hawak ang puson ko. Saan ba ang convenient store nila dito?.

May napadaang babae sa harapan ko. Mukha pa siyang lasing dahil pasuray suray pa kung maglakad. Madali ko siyang hinarangan ng mapadaan siya sa pwesto ko.

"Anak ng pusit! Tabi!" Tulak niya saaken. Pero hinawakan ang palapulsuhan niya. Binigyan ko siya ng famous poker face ko.

"Asan ang convenient store dito?" Malamig kung  tanong.

"Sa baba. Harap ng hotel" turo niya at naglakad na papalayo. Napailing nalang ako. Aangasan pa'ko ah.

Naglakad ako at sinuot ang hood ng jacket ko. Nakarating ako sa front desk ng hotel ng halos nakatulog na ang mga empleyado. Sinilip ko ang wrist watch ko. 2:56 narin pala ng umaga.

Madali akong lumabas ng hotel at dumiretso sa convenient store.

Kunti nalang din ang tao dito. Mabilis akong nanghingi I mean bumili ng tubig at pain reliver. Kumuha narin ako ng chitchirya at kung anong mga masasarap sa tingin ko.

"3,678 po lahat" nakangiteng sabi ng babae. Binigay ko nalang ang cash ko na 4,000.

"Keep the change" pumipikit na sabi ko at dumiretso sa isang bakanteng upuan

Nilatag ko lahat at nagsimulang kumain. Tinabi ko muna ang pain reliver.

Ng may nagbaba ng kape sa harapan ko. Unti unti kung iniangat ang tingin ko sa kape hanggang sa taong nag latag nito.

"Pwedeng pa tabi?" Nahihiyang tanong niya. Inilibot ko ang tingin ko sa buong convenient store at marami pa namang bakante.

"I know what you are thinking pero gusto ko lang talaga may katabi hihi" napakamot pa siya sa batok niya. Tumango nalang ako at kumain ulit.

Medyo humupa narin ang sakit kahit papaano.

"Naglilihi ka?"

*cough!* *cough!*

Parang nalunok ko ata pati supot ng tinapay dahil may bumara sa lalamunan ko.

"Hala! Eto tubig oh!" Tumayo siya at iniabot ang tubig niya saaken at tinatapik ang likod ko. Pasalamat ka at nabilaukan ako. Itinaas ko ang kamay ko pagkatapos kung uminom.

"O-okay na salamat" sabi ko. Bumalik naman siya sa pwesto niya at nginetean ako.

"May kailangan kapo ma'am?" Biglang sulpot ng babae.

Takha kaming napatingin ng lalake sa harapan ko sa kaniya.

"Ha?" Nalilitong tanong ko.

Napakamot siya sa batok niya. "Ay hihi! Sorry po ma'am akala ko po kasi may kailangan ka kasi itinaas mo ang kamay mo" nahihiyang aniya pa. Napamaang akong nakatingin sa kaniya. Jusmiyo. Totoo bato?.

"Hindi mo ba nakitang nabilaukan ako?" Tanong ko.

"Nakita ma'am, kala ko bibili ka ng tissue" bago pa ako makapagsalita tumakbo na siya.

Shunga tao dito ah.

"Tanga"

"Shunga"

Magkasabay na sabi namin ng lalake sa harapan ko. Napailing nalang kami parehas.

"Irvin" sabay lahad ng kamay niya. I extended my hand also. "Van" sabi ko at tipid na ngumite.

Nanatili ang katahimikan hanggang basagin niya ito ng tumayo siya.

"Uwi nako Van. Thank you" nakangiteng sabi niya at sinuot ang hoodie ng jacket niya at kumaway saaken bago tumalikod at naglakad papalayo.

K.

Ang Mutya Ng Section Z (COMPLETED S1-S2)Where stories live. Discover now