23

8.4K 397 7
                                    

[CHAPTER TWENTY THREE]
-
-
-
-
-

*tok!* tok!*

Pinilit kung mag mulat ng mata dahil, inaantok parin ako. Nawiwili kasi ako ng pagbabasa ng wattpad kagabi eh. Kaya ngayon ang parang kinagat ng daga ang mata ko dahil sa kakaiyak kagabi. Ikaw ba naman mag basa ng 10-years Gap ni owwSIC tignan natin kung hindi mapipiga yang unan mo.

"Sino yan?" Sigaw ko.

"Si aling Nena, baba kana roon ija" sabi nya. Hindi na ako sumagot at dali-daling pumasok sa banyo at naligo

Hindi na'ko kumanta. Baka kasi pumasok na naman dito sa kwarto ko si Abnormal para lang asarin ako dahil wala daw akong angking galing pagdating sa pag kanta.

Tss. Kala mo naman sya meron

Dali dali akong lumabas at nag suot na ng uniform, oo uniform sinita kasi ako ng guard nung minsan nakita nya akong hindi naka uniform. Kinuha ko na ang I.d na hindi naman sa'kin

Rishia Bueñaflor

Maldita ang mukha nya. Dahil naka irap sya sa I.D na ito. Tsk! . Paniguradong namali ang matandang dean sa pag bigay ng I.d sa'kin.

Kinuha ko na'to at lalabas na sana ng biglang sumulpot sa harapan ko si Abnormal

"Oh?" Tanong ko. Tinignan nya naman ako mula ulo hanggang paa. Nagtaas sya ng kilay

"Papasok kana?" Tanong nya. Tumango ako "ng walang medyas at sapatos?" Sabi nya. Kaya tinignan ko ang paa ko. Napakamot nalang ako sa ulo ko at bumalik sa lalagyan ko ng medyas hinalungkat ko pa dahil puro posters ng Exo ang nasa unahan. Kinuha ko naman ang paborito kung medyas. Ang itim na Leopard!. Oo meron kasi syang naka tatak na leopard. Tapos itim pa ahihi. Fan din ako ni owwSic aheheh.

Dali ko itong sinuot hanggang tuhod ko kasi ito. Nag suot narin ako ng school shoes. At kinuha ang bag ko.

"Tara?" Yaya ko sa kanya. Tumango lang sya at nagpamulsang tumalikod at nauna pa sa'kin

Walangya!

Hinabol ko sya. At hinawakan sa braso.  Humarap sya sakin

"Bakit?" Kunot noong tanong nya. Nag taka naman ako. Dahil medyo masungit sya ngayon

"Asan Sina Aaron?" Pahina ng pahina ang boses ko ng tinanong ko 'yon. Paano ba naman kaka tranfer lang sa school namin. Tapos syempre hindi ko alam kung kelan sa school ang tambayan nila. Ibang klase. Umiling sya at naglakad na. Naiwan ako sa kinatatayuan ko.

Pero bakit?

Hayss, so kelangan ko bang ikotin ang buong campus slash university ng R.E.U para makita silang apat?!.. Napangite ako at agad na humabol kay Abnormal. Maayos ang naging hakbang ko sa hagdan dahil kakaayos lang ng paa ko dahil nahulog ako dito. Hindi ko na yata tatanggapin pa ang katangahan ko kung mahulog ulit ako dito.

Dumiretso na'ko sa kusina pero walang abnormal. Napanguso nalang ako.

Kumuha ako ng tinapay at yakult habang papaalis. Nakita ko pang papaalis na ang kotse nya. Mas lalo pang humaba ang nguso ko.

"Ang daya ng Abnormal na'yon" bulong ko at lumabas na. binuksan ko kaagad ang gate. Paglabas ko ng pinto.

Madalang lang ang taxi dito ehhh!. Bumalik ulit ako sa loob.

"Alingggg Nenaaaaaaaaaa!!!!" Malakas na hiyaw ko sa sala. Dali dali naman syang sumulpot bigla sa harap ko.

"Bakit ija?" Tanong nya. Nag pa cute naman ako sa harap nya. ''Aling Nena, mey alam kaba na short cut?, papunta sa school" sabi ko. Muntik ko ng ipakinang ang mata ko para sabihin nya. At last! Tumango sya.

TUMANGO SYA!!!!

Sa saya ko nayakap ko sya. At agad na niyugyog ang balikat nya na kaagad nyang ikinahilo at ikinamatay. Charot!

"Bolpin" sabi nya. Baka ballpen

Napakamot nalang ako sa ulo ko at agad na hinalungkat ang bag ko sabay bigay sa kanya.

"Papel" sabi nya pa. Hinalungkat ko ulit ang bag ko at binigay sa kanya ang papel.

Minarkahan nya naman at pagkatapos ay binigay nya sakin

"Mga ilang minutes po?" Tanong ko. Mamaya na dugo-dugo gang pala ako nito ni Aling Nena't hindi pala yun ang totoong daan.

"Mga singko ija" sabi nga at tinalikuran na'ko.

Walangya!, anong problema ng mga nilalang ngayon?!

Tumalikod narin ako at sinundan ang minarkahan nya dito sa papel ko

Teka tama ba'to?. Lumiko daw sa kanan. Lumiko ulit sa kanan, kanan, kanan at kaliwa. Nakamot ko nalang ang ulo ko. Pero sa huli.  Sinundan ko rin ang markang binigay nya sakin

Bahala na!, wala naman sanang engkanto sa lugar na'to

...

A|N: :< pasensya na na writer's block ako. Wala akong maisip . Basahin nyo muna mula umpisa, marami akong binago. Bati lovelife ko nagbago, naging winter na

Ang Mutya Ng Section Z (COMPLETED S1-S2)Where stories live. Discover now