20---II

4K 245 29
                                    

A/N: Hi guys! I'm here again to bugged this chapter!. Hehehe. Sasabihin ko to K?. Walang P.O.V ang Lady Van natin dito dahil sa kadahilanang trip ko lang. Yun lamang salamat.





Jeremiah's P.O.V

Tudo kapit ako ng mabuti sa pader at nagsisimula naring tumulo ang mga butil ng pawis na namumuo sa noo ko. Whew. Mukhang mapapasigaw ata ako nito ah.

Sana kung sinabi ni Jastin na mga multo pala ang kumuha sa kapatid niya sana nagpadala ako ng mga pare at mga madre dito para basbasan ang mga kaluluwa ng kumuha kay Jax.

Hindi rin ako makapaniwala na nagawang languyin ni Jastin ang dagat at sisirin ang kailaliman nito makuha lang ang singsing, naalala ko pa nung una ko siyang nakitang lumangoy muntik na siyang mamatay at doon din dumating si bossing si----Jigs Cervantes. Sa theory ko mag-ex ata sila or magkakilala lang.

"Jeremiah" Malamig na sambit ni Jastin Bheb mula sa malayo, parang kakabangon lang sa hukay ang boses niya. Shit!. Madilim kasi dito sa loob at sinabihan niya kaming walang mag papailaw ng lighter, or cellphone manlang. Kaya heto kami ngayon kulang nalang gumapang maka-usad lamang.

"B-bakit?." Nangangatog na tanong ko sa kaniya. Wala talaga akong makita!.

"I-off mo yang cellphone mo" Mahinang bulong ni Jastin pero pakiramdam ko ay napakalakas nito sing lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Pero kahit nagtataka ay ginawa ko parin ang sinabi niya at dahil sa ginawa ko ay nakalikha ito ng  munting liwanag. Napahinga ako ng maluwag kahit saglit lamang.

"Kayo rin. Sigarilyo, KD, at John. I-off niyo yang mga cellphone niyo kung ayaw niyong ma instant barbeque." Maangas pero malamig na sambit niya kaagad namang sinunod ng tatlo.

Naaninag ko si Jastin sa dulong parte ng hospital. Pa-cool lang itong nakahilig sa isang pintuan na tingin ko ay pintuan papuntang basement.

Nang matapos namin ang ipinag-uutos niya ay lumapit kami papunta sa kanya at siya naman ay humarap sa pintuan at walang pagdadalawang isip na sipain ito. Kaagad namang tumilapon ang pinto kung saan.

At alam ko rin na wasak na ito ngayon. Si Jastin "Bhebs" ba naman ang sumipa tignan natin kung hindi kayo magigiba.

Pero nanlamig kaming narito sa likod sa mga nasaksihan namin ngayon maliwanag ang loob at may mga armadong tao sa loob nito, mukha palang nila ay alam mong mga sanggano na at kayang kayang kunin ang buhay mo ng walang pag-aalinlangan.

At nasa gitna si Jax nakaupo sa upuan at walang malay.

Naramdaman kung nag-aapoy na si Jastin sa galit dahil sa paglagatok ng mga buto niya sa kamay dahil sa higpit ng pagkakayukom nito.

"Jastin, Kanina pa kami naghihintay sa'yo. Na-late ka ata?." Tapos ay sumulyap saamin sa likod.

"Tapos ay iba yata ang mga kasama mo ngayon?." Nakangiseng dugtong pa nung lalakeng may malaking peklat sa noo.

Matunog na ngumise si Jastin. Aminin ko man o sa hindi, nakakatakot si Jastin kahit pa nakatalikod siya sa amin. Her presence and aura screaming her power. Tila kapag may gawin kang masama na hindi niya nagustuhan isang pitik at kaya ka niyang gawing abo. Tulad ng ginawa niya sa bato kanina. I'm pretty sure that the stone I throw to John is surely hard as a fvck! Pero nagawa niyang gawing pulbo.

"Kung sinong dalhin ko wala kang pakealam tutal katapusan mo narin naman." Malamig na giit ni Jastin sa lalake. Natigilan ito pero ngumise rin. "Talaga ba Jastin? Magagawa mo?." Nanghahamon na sabi nung lalake.

"Ako pa ang hinamon mo, Vandolf?!. Isa ka lang namang pesteng mahinang tauhan ng mga Scorpions, Kaya wag kang mag mayabang dahil kahit anong gagawin mo isa kalang alila, tauhan at aso ng mga Scorpion, and sad to say. Mamamatay kang ganun. " Nakakakilabot at walang pagdadalawang isip na sinabi iyon ni Jastin sa kaniya.

Napaatras yung sinabi niyang si Vandolf. Pero nagmamatapang parin.

"At ikaw? Sino kaba sa tingin mo? Isa kalang namang myembro ng mga ninja na piniling umalis at mag mukhang mabait!. Iniwan mo ang mga kasama mo! Pinili mo ang sarili mo! Hindi mo na pinahalagahan ang mga sinumpaan mo!." Sikmat sa kaniya ni Vandolf na nakapagpatigil sa aming apat. We remain stunned, we can utter even single word!. So Jastin?. Hindi naman nakakataka iyon. At ano naman kung Ninja siya? Mahal ko parin naman siya.

"Oh eh ano naman ngayon sayo?." Pinagkrus ni Jastin ang mga braso niya sa dibdib.

"Ha?."

"Sabi ko, Ano naman ngayon sa'yo?. Bakit galit na galit ka? Sa'yo ba ako nanumpa?. Una sasabihin ko. Tapos na ako sa misyon ko at ngayon gagawa ako ng sarili kung misyon at yun ay Ang tapusin ka!" Sigaw ni Jastin at kaagad na namatay ang ilaw.

Basta ang narinig ko bago ako nakaamoy ng kung ano ay ang pagkalansing ng parang mga espada at nagsasalita si Jastin bago ako tuluyang lamunin ng dilim.

"DIE!" Jastin

Ang Mutya Ng Section Z (COMPLETED S1-S2)Where stories live. Discover now