49

6.1K 359 46
                                    

[CHAPTER FORTY-NINE]
-
-
-
-
-
-
-

Jeremiah's P.O.V

"C.E.H?" Malakas na basa ko sa eskwelahan na nasa harapan ko ngayon.

"Ano ba sa tingin mo?" Bagot na tanong ni Jastin. Tumawa ako ng pilit.

"Ha-ha, sabi ko nga" napakamot pa'ko sa ulo ko.

Pumasok na kami sa loob at humarang pa saakin ang guard.

"Clan?" Maangas na tanong niya. Napakunot ang noo ko. Eh kung bangasan ko kaya to? Kung makaangas parang wala ng bukas?!.

"Anong Clan?" Maangas na tanong ko rin.

"Tss" asar niya akong tinignan. "Bobo kaba?" Tanong niya.

Napantig ang tenga ko sa dahil sa sinabi niya. "Eh ikaw ano ka tanga?" Asar na tanong ko.

Tinulak niya ako. "Pasensya na bata, hindi ka pwedeng pumasok" sabi nito.

"May valid I.D ako dito" sabi ko. Napakamot siya sa batok niya.

"At kasama niya ako" maangas na sabat ni Jastin at halos magkasabay kaming napalingon ni Guard sa kanya.

Napayuko ang Guard. "Pasensya Lady Van" bumaling siya saakin. "Tuloy na" sabi niya hindi naman ako sumagot at tumuloy na sa loob.

Namangha pa ako sa laki ng loob. Ilang award na kaya ang natanggap nito sa pagiging Best Neat and green?.

Pumunta kami sa pinakalast na building. Ang black.

"Ang ganda, kanito to?" Tanong ko kay Jas. Ngumise siya. "Saken" tipid niyang sagot.

Lumake ang mata ko. "Nangga-gago ka ba?" Gulat kung tanong. Umismid siya.

"Tss" matapos nun hindi na siya nagsalita
At pumasok na kami sa loob ng building, namangha pa ako sa dami ng bantay. Kala mo malacañang palace kung makabantay ang tauhan dito.

Pumunta kami sa ibabang room. Oo may ilang hagdanan pababa na tingin ko ay isa itong conference room.

Binuksan ni Jastin ang pintuan at biglang yumuko kaya gumilid ako. Parang nag-slow mo ang lahat ng dumaan sa mukha ko ang isang kunai at bumaon ito sa dingding. Napalunok ako at tinignan kung sinong bumato at ganun nalang ang gulat ko ng makilala ko kung sino ito.

Ang gagong batang KD. Tuwang tuwa ito habang pumapalakpak pa.

"Ang galing!. Ang bilis ng reflexes nyo" manghang sabi nito. Sa inis mabilis akong lumapit sa kaniya at binatukan siya ng pagkalakas lakas

"A-ARAY NAMAN! PARA NAMANG TUMALBOG ANG UTAK KO DAHIL SA GINAWA MO!" Hiyaw nito, napailing nalang ako.

*BANG!*

Sinipa ako sa binti ni Jastin kaya na-out balance ako at muntik ng matumba.

"A-ano ba! Kabayo kaba sa past life mo kaya ang hilig mong manipa?" Nakangusong tanong ko. Inirapan ako ni Bheb mga dre.

"I did that on purpose..see that?" Turo niya sa balang nakabaon sa pinto at mga ilang dangkal lang siguro ay pwede ng sumabog ang bungo ko.

"Amputa!, meron bang raining weapons dito?" Mangiyak kung tanong. Binatukan ako ni Bheb.

"Sira-ulo!" Sigaw nito at dinut-dot ang noo ko. Napatigil lang siya ng may tumikhim. Parehas kaming napalingon kay...Winston the baklang betty pop.

"Akala ko missing in action kana!, nakipag tanan kana pala sa fiancé ko--ARAY!" Napahimas ako sa batok ko ng batukan ulit ako ni Bheb.

Mga ilang batok nalang magsu-sumbong ako sa gabriella at sasabihin kung battered fianceé ako.

"Kailan pa nagka-fiance si Jastin?" Maangas na tanong ni Winston habang madilim na nakatingin saakin.

"Nang ipanganak ang Anak ni Aprodite na si Jeremiah Sy" Maangas ko ring sagot. Kita ko kung paano may galit na dumaan sa mata niya bago ngumise.

"Binabangungot kana naman habang gising" naiiling na sabi nito bago kami talikuran at nakapamulsang umalis. Abah! Mag limang araw lang nawala naging hambog na!.

"May almoranas ata" nakangiweng sabi ni KD.

Umiling ako. "Baka pa menupausal na" sabat ko at ngumise.

Nakita ko kung paano humalakhak si Bheb ko at humarap saakin.

"Follow me" sabi nito mabilis akong nag 'okay' sign sa kanya, pumunta kami sa isang kwarto pa at nadatnan kung puro computers ang nasa loob.

"Ganda diba?" Nakangiseng sabi ni Bheb at imeminustra ang kamay sa mga computers. Tumango ako dahil hindi ako nakapagsalita sa pagkamangha.

"That's your work" nakangiseng sabi niya habang naglalabas ng sigarilyo sa bulsa at agad na sinindihan. Napaubo pa ako ng ibuga niya ang usok sa mismong gwapong mukha ko.

Nagtakha ako. ''Kala ko makikita ko ang dating ikaw" takhang tanong ko.

Maangas siyang ngumise at nagpabuga na naman ng usok pagkatapos na himithit.

"This is the old me, dating buhay ko, dating ginagawa ko" makahulugang sabi nito bago ngumise at bumalik sa pagkaseryoso ang mukha.

"Defuse the 15 bombs around the building" utos nito na siyang ikinaluwa ng mata ko.

Labin l-limang bomba? Sa buong building na'to?.

"ANOOO?!!" Hiyaw ko dahil hindi ako makapaniwala. Kailangan na naming umalis. Kung ayaw naming ma instant barbeque dito.

"Go on, defuse it" bored na sabi nito at hindi manlang nababahiran ng pag-alala ang mukha niya. Wala na gusto atang maging marsh mallow at maihaw sa apoy to.

Napatingin ako sa computer ng makita kung connected ito sa lahat ng bomba at kailangan nalang nito na idefuse pero nanghihingi ng password at kung hindi mo alam kailangan mong i-hact. Komplekado to ah.

Umupo ako sa upuan at mabilis na Cli-nick ang password.

"My Wi-Fi dito?" Seryosong tanong ko at tinignan si Jas na nakangise habang nakatingin saakin.

"Oo" sagot niya.

"Password?"

"J11V15CSP" namangha pa ako dahil memorize niya. Mabilis kung tinype ang password sa wifi at mabilis ang pag connect nito.

Pumunta ako sa web. At nag type nang alam kung app. Ng makita ko ang hinahanap ko ay mabilis kung dineact. At bumalik sa bomp space.

Tinype ko ang isa sa mga secret codes at pumunta sa defusing area.

Ng ma defuse ko lahat may napansin ako.

"Punyeta!, peke pala!" Gulat at inis kung tanong. Peke ang lahat ng connected Website dito.

Napatingin ako kay Jastin na humalakhak habang pumapalakpak pa.

"Galing!, talino" komento niya at pumuntang pinto. Ng nasa pinto na siya ay humarap siya saakin habang nakangise. Nag flying kiss pa ito bago tuluyang umalis at isira ang pinto.

Nanatili akong nakatulala sa pinto. Daig ko pa ang na engkanto.

....

A/N: N3xt chapter is really a chaos. Mag-me-meet silang lahat, mag handa dahil mahaba haba ang Next chappy. Magkikita ang traydor at trinaydor, nasaktan at nanakit. New friends and old friends will meet again

Ang Mutya Ng Section Z (COMPLETED S1-S2)Where stories live. Discover now