Pinky Promise

4.9K 122 9
                                    

adi – eh 'di

ahin – akin

ay awan ko sa iyo– ewan ko sa 'yo

bahin – bakit

ga – ba

hawag – huwag

laang – lang

sama – pangit

tayka – teka

"Balang-araw, sisikat ka", nakangiting sabi ni Pinky.

"Ako?" natatawa kong tanong.

"Oo. Epey Herher, the singer/songwriter", sabi nito habang kumukumpas sa hangin.

"Songwriter?"

"Oo. Nakita ko sa notebook mo", natatawa nitong pag-amin. May sinusulat kang kanta. Ano ga title noon?" nakangiti nitong tanong.

"Alin?" pagmamaang-maangan ko.

"I don't deserve to love you so and to dream that you will love me, too", pagtula niya sa lyrics.

"Isa!" awat ko.

"You are a star. I'm only your fan", natatawa nitong dugtong.

"Nakakainis ka naman eh", reklamo ko.

"Is it wrong to. . ."

"Hay naku", putol ko sa pang-aasar niya.

"Kanta mo 'yon kay Jolina Magdangal, ano?" panunukso niya.

"Hindi."

"Ay kanino? Kay Marvin Agustin?" natatawa nitong tanong.

"Epey Herher, the singer/songwriter. . .sarap pakinggan, ano?" pagbabalik ko sa topic namin kanina. "Tayka, bahin pala Epey? Akala ko ga'y Apiang?"

"Hawag! Ahin laang ang Apiang. Sama naman parang pakinggan ng Apiang Herher, the singer/songwriter", natatawa nitong pang-aasar. "Ay sa bantot naman", tuwang-tuwa nitong dugtong.

"Balang araw, maririnig ng napakadaming tao ang boses mo. . .buong mundo, maririnig ang compositions mo. Kahit si Jolina Magdangal, mai-in love sa kantang ginawa mo. . .basta lahat sila, mai-inspire sa music mo", tila manghuhulang sabi ni Pinky.

"Hindi nga para kay Jolina 'yong kanta", paglilinaw ko.

"Adi, ulit. Kahit si Marvin Agustin, mai-in love sa kantang ginawa mo."

"Ay awan ko sa iyo."

"Pero. . ." dugtong niya.

"Pero?" tanong ko.

"Gusto ko kapag dumating ang araw na 'yon, dapat puso ang lalaki sa 'yo, hindi ulo."

"Okay, I promise", sabi ko. "Pero sa isang kondisyon. . ." pahabol ko.

"Anong kondisyon?" nakangiti nitong tanong.

"Gusto ko every time na magpe-perform ako, nasa front seat ka."

Isang matamis lang na ngiti ang isinagot niya.

"Promise?" tanong ko.

"I promise", sagot niya.

"Pinky promise?" sabay abot ko ng aking pinky finger.

"Pinky promise", nakangiting sagot ni Pinky.

My Sweetest Downfall (Based On A True Story) by Epey HerherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon